35

1.3K 36 5
                                    

Fhen's POV

Akala ko kaya ko. Hindi pala. Ang sakit sakit lang. Masisisi niyo ba ako kung ganito ako ka insecure.

Una kong nakita si Jessica alam ko na magiging mahalaga siya sa akin.

Sino naman ba kasi ang hindi mahuhulog sa kanya. Sobrang bait, Maganda, Matapang at higit sa lahat masaya kasama. Crush ko lang naman siya nung una eh. Sundo dito hatid dyan. Yan ang nagging papel ko sa kanya nung una. Siya lang kasi ang Rookie naming that time at wala naman siyang gaano ka close sa team kaya nagkaroon siya ng mga kaibigan sa Ateneo nung mag getting to know ang lahat ng Rookies that time.

Akala ko nga straight siya kasi may uma aligid aligid naming lalaki sa kanya. Si Cy. Pero nung napansin ko may kakaiba sa kinikilos nila ni Deana kinutuban na ako hanggang ma confirm koi sang araw. Nung araw mismo na tumanggap ng parangal si Jessica bilang Rookie of the year.

I just wanted to be sweet sa kanya that time. Syempre proud akong nagka award siya eh. Pero parang nagselos yata ang Deana sa akin kaya nag walk out. Sumunod naman sa kanya si Jema at talagang kumirot ang puso ko pagkatapos nun kasi nakita ko siyang umiyak.

Hindi normal na iyak yun. Ang sakit niyang tignan sa ganung sitwasyon.

Akala ko magiging sapat nan a nadiyan ako palagi sa tabi niya. Iniiyakan niya. Napagsabihan niya ng problema. Lahat.

Simula nung araw na iyon ginusto ko siyang alagaan at protektahan. Niligawan ko siya. Siguro nga tanga ako kasi kahit alam kong may mahal siyang iba, tinuloy ko pa rin ang panliligaw sa kanya. Mailang beses akong nabusted pero hindi ako tumigil.

Bumalik si Deana, Sumaya siya muli. Kitang kita yun ng mga mata ko. At sa pagbalik niya nawalan na ako ng pag-asa.

Isang araw nakita ko na naming umiyak si Jema dahil kay Deana. Tuluyan na ako nagalit sa kanya. Parang pinaglalaruan ng babaeng iyon ang puso ng mahal ko kaya iyon na naman ako. Nagsimula na naman akong maging bahagi ng buhay niya. Inalagaan siya, Pinoprotektahan at tinutulungan maka move –on hanggang sa nagbunga na ang paghihirap ko. Sinagot niya na lang ako bigla.

Bakit niya ba ako sinagot? Natanong ko sa sarili ko. Siguro naawa na siya sa akin o kaya naman iniisip niya na ito ang pambayad utang niya sa lahat ng effort na nagawa ko para sa kanya.

Araw araw kinakabahan ako baka bigla na lang mawala si Jema sa akin. Sa akin nga ba siya? Siguro nga hindi naman siya napasa akin. Ang puso niya kahit minsan hindi niya binigay sa akin. Minahal niya ba talaga ako? Baka nga na overwhelm lang siya sa mga bagay na nagagawa ko para sa kanya.

Bumabalik na naman si Deana. Kitang kita ko ang mga ngiti sa mga mata niya habang tinititigan si Deana kasama ang Riccing iyon. Ang sakit sakit. Kasi kahit anong effort pa ang gawin ko wala talaga eh.

Galit ako. Galit nag alit. Pero hindi kay Jema, hindi rink ay Deana, kundi sa sarili ko. Bakit ko bang hinayaan ang sarili ko sa ganitong posisyon.

May karapatan ako mag selos. OO. Pero wala akong karapatang pigilan ang puso ni Jema na magmahal ng iba.

Ate Fhen? Tawag sa akin ni Ciara ang bago naming recruit. Napapunas ako ng luha. Hindi na ako umatend ng klase dahil sobrang malungkot ako. Nanatili lang akong naka upo sa isang bench sa likod mismo ng eskwelahan.

Oh Ciara? Anong ginagawa mo dito. Taka kong tanong.

Ate? Bakit ka umiiyak. Innocenteng tanong ni Ciara.

Wala. May naalala lang. Dahilan ko.

Ate may susi ka ba ng Dorm? Naiwan ko kasi ang akin. Nalock yata ni Ate Jema ang pintuan ng dorm ng umalis siya. Mahabang sabi niya.

Ay talaga. Wala din kasi akong dalang susi. Wait lang tatawagan ko lang si Joy. Agad kong tinawagan si Joy sa telepono.

Hello? Sagot ni Joy sa telepono.

Joy? Nasaan ka? Tanong ko dito.

Nandito kami ni Eli sa Canteen Fhen? Bakit? Sabi pa nito.

Hintayin mo kami diyan pupuntahan naming kayo. Sabi ko sa kanila at agad kong sinama si Ciara papunta sa kanila ng may nakita akong familiar na Sasakyan.

Kay Jema. Nakahinto ang sasakyan niya malapit sa gate ng Adamson. May na aninag akong kasama niya sa sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Si Deana ang nandun sa loob.

Sumikip bigla ang dibdib ko. Napasira ko ang mga kamao ko. Ramdam kong nanginginig ang buong katawan ko.

Ate Fhen. Tawag sa akin ni Ciara kaya bumalik ako sa katinuan. Agad ako nag pakawala ng pekeng ngiti at naglakad muli patungong canteen. Pinilit kong iwakli lahat ng sama ng loob ko. Ayaw kong may masabing masama ang team kay Jema kaya tinago ko na lang sa kanila. Ng Marating naming ang cantten.

Joy? Tawag ko sa kanya. Ikaw na muna bahala kay Ciara. May pupuntahan lang ako. Paalam ko.

Saan ka pupunta? Takang tanong ni Joy.

Magagabihan ako kaya huwag niyo na akong hintayin. Sabi ko pa.

Nagpaalam ka na ba kay Jema ha. Tanong ni Eli.

Hindi na kailangan. Sabi ko at agad ng lumayo sa kanila bago may masabi na naman akong hindi maganda tungkol kay Jema.

Tumakbo ako ng malayo. At sumakay ng bus. Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta. Basta gusto ko lang malayo sa lahat ng ito. Ayaw ko na. Pagod na ako.

.....

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now