65

1.6K 59 1
                                    

Deana's POV

Sabay na kami ni Jema naligo. Ewan ko ba pero and kumportable lang naming as isa't isa. Padang walang malisya, at Parang walang nangyari kagabi.

Dean? Paki-abot nung sabon. Tawag pansin sa akin ni Jema kaya inabot ko ang sabon at binigay sa kanya. Salamat.

Uhm Jem? Tawag pansin ko sa kanya habang nagtutuyo siya ng buhok.

Bakit? Inosente niyang tanong.

uhm.. nahihiya ako eh. Sabi ko sabay yuko. Hindi pa kami nakabihis dahil kakatapos pa lng namin maligo. naka tuwalya pa kami pareho.

Ano na nga. Pamilit niya.

Uhm. Yung tungkol sa kagabi. Sabi ko kaya nakita kong namumula ang pisngi niya.

Ano tungkol dun? Sabi niya pero ramdam ko ang hiya sa boses niya.

First time ko kasi yun eh. Sabi ko na nakayuko pa rin.

Ako din kaya. Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Siya naman ang yumuko.

Talaga? Wala bang nangyari ganun sa inyo ni Fhen? Tanong ko sa kanya kaya tumitig din siya sa akin.

Wala noh. Akala mo sa akin. Baka ikaw diyan! Inis niyang turan. Sa dami namang babaae mo ni isa ba dun wala kang na ka one night stand? Maniwala ako. Pang-asar niya sa akin sabay akyat baba ng kilay niya.

Uy auh. Akbay akbay lang ako dun sa kanila. Sabi ko pa. Ni hindi ko nga nahawakan mga kamay nun.

Aysus. Maniwala ako. Ikaw pa ba eh manyak ka! Sabi pa ni Jema sabay irap ng mata.

Ikaw lang kaya ang minanyak ko. Sabi ko pa sabay wink sa kanya kaya nakatanggap ako ng malakas na tulak at sipa.

Yuck!!!!! Sabi niya pa kaya napatawa na lang ako.

Esss. Gusto mo naman. Biro ko sa kanya kaya nasipa niya ulit ako kaya natilapon ako sa pader.

Isa pa Deana makakatikim ka talaga sa akin. Banta ni Jema kaya napataas kamay na ako sa kanya.

Maya maya pa ay may nag doorbell na sa pintuan namin kaya mabilis na nagbihis na kami at nag ayus ng dadalhin.

Nang bumaba na kami ay agad bumungad sa amin si Ate Jia. Wow ha. Ang tagal niyo naman. Sa inyo na ako sasabay. Sabi ni Ate Jia sabay hila kay Jema palayo sa akin, Anong ginawa mo kay Jema ha. Never pa ito na lalate. Nanlaki mga mata ni Ate Jia at naghihintay ng sagot mula sa akin.

Wala naman 'te. Natagalan lang sa banyo. Sabi ko.

Sabay ba kayo naligo? Tanong ni Ate Jia na parang may double meaning.

Hindi Auh. Sabay naming sagot kay Ate Jia. Parang nakita ko naman sa pag dududa sa mga mata ni Ate Jia na nagsasabing hindi siya naniniwala sa amin ni Jema. Napasmirk na lang siya at inakbayan si Jema.

Kung may ginawang kalokohan yan sa iyo, huwag kang mahiyang sabiihin sa akin. Rinig kong bulong niya kay Jema. Nasa likod lang naman kasi nila ako.

Natawa na lang ako.

Kotse ko ang ginamit namin papuntang BEG. Ako na ang nag drive. Pinahiram naman ako ng Jersey at shorts ni Jema at binigyan na naman ng Disposable underwear kaya diritso na kami sa training.

Katabi ko ngayon sa front seat si Ate Jia at si Jema naman ay nasa back seat. Pasulyap sulyap na lang ako sa rearview mirror para makita si Jema. Ang ganda niya talaga kahit saang anggolo. 

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now