19

1.3K 48 0
                                    

Deana's POV

Hindi ko inaasahan na makakarating ang team ko sa finals. Nahirapan nga kaming umabot ng Final Four. Pero ito kami ngayon at makakalaban na namin ang number 1 team for this Season ang La Salle.

Kahit ba naman na hindi ako nakapaglaro sa court, proud pa rin ako na maging bahagi ng training ng mga nag panalo sa amin.

Hawak kamay kami ni Pauline. Nagdadasal na kami na sana sa unang pagkakataon makamit ng team namin ang Championship sa Volleyball. Step Ladder ang naganap. Natalo namin ang NU ng dalawang Beses at ngayon kailangan namin matalo din ang La Salle ng dalawang beses. 

Pero bago nagsimula ang game nag awarding muna para sa mga individual awards. Makikita ko naman si Jema. Tatanggap din kasi siya ng award dahil siya lang naman ang Rookie of the Year. 

Oy Deana? hindi ka nanaman ba magpapakita kay Jema. Pangungulit sa akin ni Pauline. Ano ba kasi problema mo at bakit todo iwas ka naman kay Jema. Friend natin iyon. 

Ayaw ko lang masaktan. Bulong ko sa sarili. Nasasaktan lang talaga ako pag nakikita ko siya. Wala naman akong karapatan pero nag seselos ako lalo na sa ka team mate niya na si Fhen ba yun. Lagi na lang silang magkasama sa mga social media accounts niya. Ayaw kong malaman kung may namamagitan sa kanilang dalawa.

Nalaman ko rin mula kay Pauline na hindi naman talaga naging sila nung Cy na iyon. Pero bakit close na close din siya dun. Naiinis nga ako sa sarili ko kasi ako tung tinuring niyang Bestfriend pero ngayon parang ang layu layu ko na sa kanya.

Ano na?! Bumalik na rin ako sa ulirat ng sigawan na ako ni Pauline at nilapit niya na talaga ang mukha niya sa akin. Hindi mo ba ako sasamahan kay Jema para mag congratulate lang naman.

Umiling lang ako at agad lumayo kay Pauline. Padabog naman na umalis si Pauline papunta kay Jema.

Todo iwas talaga? May biglang bumulong sa akin mula sa likod. Napalingon ako at nakita ko si Ate Bea. Ate Bea is the only person who knew what happened to me, Pauline and Jema. Siya lang din ang nakaka alam na alam ko na gusto ako ni Pauline samantalang ako naman ang may gusto kay Jema. Hina mo naman Wong.

Wow ha!? Sabi ko. Palibhasa okay kayo ni Ate Jho. Kahit papano naman nagkakaintindihan kayo.

Kasi po nag uusap kami. Sarcastic niyang sagot. Ikaw ba? Kailan mo balak kausapin si Jema.

Hindi iyon madali noh. Sabi ko pa.

Ay. Talagang hindi kong ganyan ka ka duwag. Sabi pa bago ako binatukan.

Napahawak naman ako sa batuk ko. Ang sakit nun eh.

Our Rookie of the Year this Season 76 is from The Soaring Falcons. Number 12, Jessica Margarette Galanza. Tinawag na si Jema para tanggapin iyong award niya.

Nakita ko si Pauline na nagtatalon sa tuwa sa labas ng dug-out. Parang proud na proud siya sa kaibigan namin. 

Iniwas ko na tingin ko at nag focus na lang sa warm-up kahit hindi naman ako makapaglaro talaga. 

Pagkatapos ng Awarding tinawag na rin kami para sa court na mag warm-up. Dinala namin ni Ate Bea ang cooler ng Gatorade at lumabas na ng Dug-out. Habang nag hahadle hindi pa rin bumabalik si Pauline. Nasaan na kaya iyon. Deana? Tawag pansin sa akin ni Ate Alyssa. Hanapin mo nga muna si Pauline. 

Sinunod ko naman agad ang utos ni Ate Alyssa at umikot sa buong Arena. At sa wakas nakita ko na siya. May kausap siyang Babaeng naka Jacket. Nakatalikod yung babae sa akin kaya hindi ko siya nakilala agad. Pauline?! Tawag ko sa kanya. Kanina ka pang hinahanap.

Hindi naman ako first six. Reklamo pa nito. Minsan nga lang kami nag uusap ni Jema. Disturbo ka. Sabi niya pa.

Nagulat ako ng lumingon na si Jema sa akin. Ngumingiti siya. Ang ganda ganda niya pa rin. at parang tumangkad siya.

Alam mo bang makakalaban ko si Jema sa Beach Volleyball Next Month. Tuwang tuwang balita sa akin ni Pauline habang palapit ako sa kanya.

Si Pauline kasi ang napiling partner ni Ate Michelle sa Beach Volleyball this summer. Buti naman kung ganun. Uuwi rin kasi ako sa Cebu Next month kaya hindi na kita masasamahan.

Biglang napasimangot naman si Pauline sa akin. Kill Joy!!! Sigaw niya sa akin sabay tulak sa akin palayo.

Hinila naman ako ni Jema at napayakap sa akin. Namiss kita. Sabi niya pa na lalo akong natigilan. Parang hindi na ako makagalawa sa kinatatayuan ko.

Alam ko kahit na todo iwas na ako. Hindi pa rin talaga nawala ang paghanga ko kay Jema. At habang umiiwas ako, lalo pa yata itong nadagdagan..

....

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now