68

1.6K 41 0
                                    

Deana's POV

Malaking gulo 'to. Hindi pa nga natapos ang araw parang matatapos na ang ka sisimula ko pa lang na love story.

Tinakbo ko mula Ateneo pabalik ng dorm. Magpapaalam lang ako kay Ate Maddie para mapuntahan ko na si Jema sa Apartment nila. Kukuha na rin ako ng damit na pamalit para hindi ko na maubos ang damit ni Jema sa apartment.

Humuhingal akong nakarating sa Dorm. Nagulat ako na Makita ko dun ang kotse ni Jema. Lagot na. Sinumbong pa yata ako kina Ate Maddie.

May alinlangan man ay pumasok na rin ako sa dorm. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at naririnig ko na nakipag usap si Jema sa sa mga nandun sa loob. Parang seryoso yata ang pag-uusap. Sinilip ko muna sila dahil sa takot na masampal ulit ni Jema. Tahimik lang ang mga team mates ko habang may sinasabi si Jema na hindi ko masyado marinig sa sobrang hina.

Wong. Biglang may tumulak sa akin mula sa likod. Bakit hindi ka pa pumapasok. Tanong sa akin ni Jules habang tulak tulak ako.

Dahil sa ingay ni Jules lahat ng mata nakatingin na sa amin. Nandun si Ate Jhoana, si Ate Kat at si Ate Kim kasama si Jema na naka akbay kay Ate Jho habang naka upo sa Sofa. Sina Ate Kim at Ate Kat naman ay nakatayo lang sa harap nila.

Anong meron? Inosenteng tanong ni Jules at patakbong lumapit kay Ate Jho. Nakita ko yung namumugtong mata ni Ate Jhoana kaya napa kunot ako.

Bakit ka umiyak. Natanong ko kay Ate Jhoana at lumapit na rin sa kanya.

Napayakap si Ate Jho sa akin habang hinimas himas naman ni Jema ang likod nito dahil napahagulgul na ito sa iyak. Ke-kelanga-ngan ko-o mu-munang u-umalis di-dito. Utal utal niyang sabi habang umiiyak sa mga bisig ko.

Doon muna si Jhoana matutulog sa Apartment ko. Sabi naman ni Jema sa akin. Kailangan niya yata ng konting space palayo dito. Magkasabay naman ang training bukas kaya masasama ko siya. Sasama ka?

Syempre sasama ako. Sabi ko naman sa kanya at sumang-ayon naman yung iba na nandun. Hindi pa nagsasalita si Ate Jho parang naintindihan na naming lahat kung sino o anon g dahilan ng pag-iyak niya.

Nasaan si Ate Maddie? Natanong ko. Magpapaalam muna tayo sa kanya na Doon tayo matutulog kina Jema. Sabi ko pa.

Hinabol niya si Bea. Ako na bahala mag sabi kay Maddie. Maintindihan niya naman. Sabi naman ni Ate Kat

Mahigpit pa rin ang pagkayakap sa akin ni Ate Jho. Inalayan ko na siya paakyat sa kwarto niya para makapag ayos ng mga gamit. Sumunod naman si Jema sa likod namin. At yung tatlong team mate ko naman ay nagsibalik na rin sa mga kwarto nila. Busy din yata sa school work. Bukas ko na gagawin yung school work ko. Hapon pa naman ang klase ko eh.

Bi. Ito pala ang kwarto ko. Turo ko sa kanya. Ikaw na muna bahala mag ayos ng gamit ko. Tutulungan ko lang si Ate Jhoana. Tumango na lang ito at pumasok sa kwarto ko.

Nang naalalayan ko na si Ate Jho papuntang kwarto niya naalala ko yung etsura ng kwarto ko. Naku. Shit! Napasigaw ako. Naalala ko na puno pala ng pictures ni Jema ang Kabinet ko. Naku lagot na.

Anong nangyari sa iyo? Gulat na tanong ni Ate Jho.

Nahampas ko na lang ang ulo ko. Tsk. Makikita ni Jema ang mga pictures niya don sa kwarto ko.

Natawa naman si Ate Jhoana. Ayan. Buko ka na. Sobrang Adik mo kasi kay Jema. 4 years mo rin siyang pinagpantasyahan.

Lagot na. Napabuntong hininga na lang ako.

Natapos na rin mag ayos ng gamit ni Ate Jho kaya lumabas na kami ng kwarto. Ako na rin nag dala ng mga gamit niya dahil alam kong mabigat pa talaga ang loob niya kahit tinawanan niya ako kanina.

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now