76

1.4K 49 1
                                    

Jema's POV

Naka tulog ako sa kotse ni Cy. Nagising na lang ako ng tinapi na ako ni Deana dahil nasa UPTC na kami. Nagdecide sila na dun na mag lunch. Magkasabay kami ni Cy pumasok sa Mall habang nasa likod lang naming si Deana. Hindi pa naman kasi open ang relasyon naming sa mga tao dahil ayaw kong may masamang masasabi ang mga tao kay Deana. Marami rami din kasi akong fans at for sure may mga bashers din na naghihintay. Nung time nga na kami pa ni Fhen hindi rin kami napag halata dahil team mates naman kami at kapag may date kami kasama din naming ang iba naming teammates para hindi mahalata. Kakaunti lang talaga ang nakaka-alam na Bisexual ako. Samantalang si Deana alam na yata ng halos lahat na Bisexual siya kahit pa na lilink siya sa kaklase at kaibigan niyang si Luigi.

Hindi naman sa tinatago ko siya pero kasi hindi pa talaga ako handa na ipakilala siya na girlfriend ko. Buti nga lang at naintindihan naman ako ni Deana.

Hi po. Bati sa akin ng mga grupo ng babae na nagtatalon pa sa tuwa ng Makita ako sa mall. Idol! Papicture naman. Tuwang tuwang hinila nung isang babae ang braso ko at sumunod naman yung mga kasama niya at nag selfie.

Boyfriend mo? Tanong pa ng isa sabay turo kay Cy.

Nagulat naman kami pareho ni Cy kaya wala ni isa sa amin ang nagsalita.

Hala bagay kayo. Stay strong sa inyo lodi. Ngiting sabi nng isa sabay kaway sa amin at lumayo na.

Napatingin ako kay Deana na naka yuko lang sa likod ni Cy. Hindi siya napansin ng mga babae dahil sa sombrero niya. Nakita kong naka kunot na ang noo niya at ramdam ko na nainis siya sa mga narinig niya.

Bi. Tawag ko sa kanya pero nauna na siyang maglakad at iniwasan ako. Tahimik na sumundo naman kami ni Cy sa likod ni Deana.

Pumasok na siya sa isang Ramen House. Ganito talaga si Deana pag hindi maganda ang mood, naghahanap ng ramen. Paborito niya raw iyon kainin lalo nap ag masama ang araw niya kasi napapagaan daw nito ang kalooban niya.

Naupo na siya kaya si Cy na ang nag order para sa aming dalawa. Alam naman ni Cy kung anong ioorder. Ganito ang date namin lagi, kung hindi si Pauline ang thirdwheel, si Cy. Lagi kaming nagpapakamalang mag syota ni Cy. Bestfriend ko kasi siya, at alam kong naintindihan iyon ni Deana pero hindi pa rin maiwasang mainis siya sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid.

Magkaharap na naka-upo na kami sa misa at hinihintay si Cy. Tinitigan ko lang siya habang nakaiwas ang tingin sa akin. Hanggang kailan mo ba ako itatago? Mag iisang taon na tayo pero ganito pa rin ang estado natin. Seryosong sabi ni Deana sa akin. Parang kinabahan naman ako sa tono niya. Tilang galit nag alit.

Nakakapagod na rin kasing marinig ang mga sinasabi ng mga tao tungkol sa inyo ni Cy. Alam kong magkaibigan lang kayo pero nakakainis na kasi talaga eh. Tayo nga pero hindi ko maramdaman na tayo. Pagkasabi niya nito eh agad na siyang tumayo. Pagod na ako Jem. Gusto ko ng umuwi. Dagdag pa nito at lumakad papunta kay Cy.

Hindi naman ako makagalaw sa kinaupuan ko. Parang naiiyak na ako na hindi ko maintindihan. Nilapitan na ako ni Cy. Ano na Jem? Kakain pa ba tayo? Umalis na si Deana. Masama daw pakiramdam. Nag away ba kayo? Napaiyak na ako ng marinig kong umalis si Deana.

Nagtataka man ay naupo sa tabi ko si Cy. Tahan na. Iuuwi na kita sa Apartment mo. Ititake out ko lang ang inorder ko. Hintayin mo ako diyan. Napasubsub na ako sa mesa at humahagulgul sa iyak. Parang susukuan na yata ako ni Deana. Huwag naman sana. Pagod lang naman siya eh. Magpapahinga lang siguro iyon pero hindi naman siguro ako nung iiwan.

........

Deana's POV.

Kumuha na lang ako ng Taxi at umuwi na ng dorm. Walang tao sa dorm dahil Saturday. For sure umalis ang mga iyon para maglibang. Nalulungkot talaga ako sa sitwasyon naming ni Jema. Malapit na Anniversary namin pero ganito pa rin kami nakatago sa lahat.

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now