42

1.5K 39 3
                                    

Deana's POV

Hindi na ako nakatulog pagkatapos ang pangyayaring iyon.

Gosh. Ramdam na ramdam ko pa ang mga labi niya. Ilang Segundo lang nangyari pero parang tumigil na ang mundo ko. Napangiti ako ng maalala ko ang unang halik namin. Sing tamis ng kendi ang mga labi niya.

Nasampal niya nga ako pero parang luting ang isip ko. Ang sarap sa pakiramdam na mahagkan siya.

Hindi na ako makatulog kahit ano pa ang pilit ko. Alas tres na kaya naisipan ko na lang magluto ng Itlog at mag init ng tubig at ihanda ang tinapay para sa breakfast namin ni Jema.

Wala pang ilang minuto may narinig na akong yapak ng mga paa mula sa taas kaya napangiti ako. Hindi rin yata makatulog si Jema dahil sa nangyari.

Ang aga mo yata Galanza? Ngising ngisi kong sabi sa kanya kaya namula siya.

Eh ang ingay ingay mo kaya. Nakataas na naman ang kilay niya at namewang pa. Ang cute niyang mag taray. Mas lalo pa yata akong na attract sa kanya.

Maupo ka na mahal na prinsesa. Sabi ko sa kanya sabay angat ng upuan para alalayan siyang maka-upo.

Umupo naman ako sa harap niya.

Pasensiya ka na Jem. Itlog at tinapay lang tayo ngayon. Sabi ko pa. Hot choco o Kape? Natanong ko habang chineck ang heater ng tubig.

Kape. Plain niyang sabi, Natawa naman ako sa pagiging Doňa niya.

Coming right up Princess. Tawang tawa kong sabi pero inirapan lang ko ng mata ni Jema.

Pagkatapos naming mag breakfast pinagamit nan i Jema ang banyo sa guest room para makaligo na ako. Pinahiram niya na rin ako ng mga damit at binigyan ng bagong underwear. Hindi kasi ako nag dala kasi sana sa dorm na lang ako magbibihis pero she insisted kaya hindi na ako nakipag talo sa kanya.

Ng nakaayos na ako hinintay ko na lang si Jema na makababa sa kwarto niya.

Hoy! Tawag ni Jema sa akin pababa ng hagdan. Dalhin mo nga ito. Inangat niiya ang sports bag niya. O? Tutunganga ka na lang ba diyan. Nasabi niya ng hindi pa ako gumagalaw.

Aalis na ba tayo? Alas kwatro pa lang ng umaga. Sabi ko sa kanya.

Alas sinko ang call time namin. Malayo pa ang BEG. Ayaw kong malate. Sabi pa nito sabay haggis ng bag niya sa akin. Sinalo ko naman at sinundan siya palabas ng Dorm.

Pinagbuksan ko na rin siya ng kotse at umalis na kami patungong BEG. Walang trapik kaya an gaga naming nakarating ng BEG pero mas maaga naman sina ate Maddie.

Wow ha. Bati ni Ate Maddie sa amin. Buti pala kapag lumalove life ka kasi ang aga mo sa training. Suyang sabi niya sa akin at inabot ang kamay ni Jema para kamayan. Nice meeting you Jessica. Sabi pa nito sabay wink sa kanya.

Parang nahiya naman si Jema kaya namula siya.

Ate Maddie. Patakbong tawag ni Pauline sa kanya. Huwag mo ngang pagtripan bestfirend ko. Pigil niya kay ate Maddie kaya napataas nan g dalawang kamay si Ate. Hinarap niya rin agad si Jema at niyakap ito. Jema!!!! Tuwang tuwang sabi niya sabay beso sa dalawa niyang pisngi. Miss na miss na kita. At niyakap naman ito ng napakahigpit.

Pau. Mahinang sabi ni Jema. Nasasakal ako. Reklamo niya kaya napabitaw si Pauline at tumawa silang pareho.

Kinuha na ni Pauline si Jema at nag usap sila sa isang sulok. Napa upon a lang din ako sa Bench.

So? What happened? Natanong ni Ate Bea ng umupo siya sa tabi ko.

Wala pa. Napailing naman ak.

Malabo pa rin ba? Tanong niya sa akin.

May pag-asa pero mahirap. Direkta kong sabi sa kanya na alam ko naman naintindihan niya.

Huwag mo lang sukuan. Sabay tap sa balikat ko. Lalambot din yan.

Napangiti naman ako. Ramdam ko namang hindi pa ako tuluyang nakalimutan ni Jema. Ramdam kong may pag-asa ako kahit nagsusungit siya.

....

Jama's POV

Nag-uusap kami ni Pauline at nag catch –up na rin. Matagal tagal na rin kasi kami hindi nag-uusap. Last ko siyang nakausap ng ihatid pa naming si Kuya Kobe sa airport para sa Junior NBA Try-outs. Hindi pa naman talaga sinasagot ni Pauline si kuya pero may mutual understanding na sila. Kaya kahit malayo si kuya, lagi naman siyang gumagawa ng paraan para makapag-usap sila kahit sa video call lang.

Buti pa nga si Pauline nakaka-usap pa ni kuya samantalang ang kapatid niya minsan niya lang matext.

Jem? Tawag ni Jia sa akin. Warm-ip na tayo. Hinila na ako ni Jia. Excuse me Pau. Balin niya sa kaibigan bago naming siya iwang nakaupo dun.

Nag warm-up na kami at nagsimula na ang training. Saba yang training naming sa Ateneo dahil iisa lang naman ang coach naming pero kami nanatili sa Gym samantalang sila naman ay Pinalabas ng field at doon nag training. Buti na rin iyon para hindi mag croos landas naming ni Deana. Baka mawala pa ako sa concentration ko.

Ng matapos na ang Training na upon ako sa bench katabi si Jia.

So anong pumipigil sa;yo. Biglang sinabi ni Jia sa gitna ng katahimikan. Kami lang dalawa dun kaya alam ko para sa akin ang tanong nay un.

Pumipigil saan? Taka kong tanong.

Na ilabas ang lahat. Tipid niyang sagot.

Napakunot ang nook o kasi parang hindi ko ma get ang point niya.

Ilabas ang alin. Naitanong ko ulit

Napaharap sa akin si Jia at tinitigan ako sa mata. Nakipagtitigan naman ako sa kanya

Alam mo kasi Je pag ganyan may tinatago ka sa sarili mo at pinigilan mong ilabas naaapektuhan ang palo mo sa bola. Seryosong sabi niya. Pag ganyang hindi mo nailabas ang totoong ikaw may pumipigil sa'yo parang ibigay ang lahat dahil sa takot na lumabas ang mga tinatago mo.

Parang alam ko naman ang ibig niyang ipunto pero hindi ko alam kung paano siya sasagutin.

Napangiti lang siya sa akin. Kailangan ilabas mo na ang totoong ikaw. Huwag mo nang itago sapagkat doon ka lang tuluyang maging masaya at gagaling ka pa lalo sa Volleyball. Mas lalakas ang mga palo mo at mag chachampion tayo. Sabi pa ni Jia sabay inum ng tubig niya.

Ang lalim nun ha. Sabi ko sa kanya.

Malalim ba? Tumawa lang siya. Hindi ka pwedeng magtago habang buhay Jem. Kailangan mo rin ipakilala ang sarili mo. May tinitigan siya sa may sulok kaya napalingon ako sa direksong iyon. Nakatingin kami kay Deana habang papasok na sila ng team niya sa Gym.

Mahalaga si Deana sa'yo di ba? Hindi ako sumagot. Nag kibit balikat lang ako. Aminin mo yan muna sa sarili mo at pag tinanggap mo na ang nararamdaman mo , tsaka mo na talaga mailabas ang sarili mo. Sabi pa nito at hinawakan ako sa kamay. Huwag kang mag-alala bago pa man akong umalis sa team alam kong ikaw lang din ang laman ng puso ni Deana.

Hindi ko maiwasan ang mangamba sa mga sinabi ni Jia. Natatakot na naman ako. Parang kinakabahan ako sa maaring mangyari. Paano kung hindi ako matanggap ng pamilya ko, Paano kung hindi ko naman siya kayang ipaglaban. Paano kung masasaktan ko lang din siya tulad ni Fhen.

.....

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now