80

1.5K 58 2
                                    

Deana's POV

Napa-upo ako sa sahig sa kaka-iyak. Nasa labas lang ng pintuan si Jema pero bakit hindi ko siya kayang harapin. Napasandal na lng ako sa pintuan at pinakinggan ang mga huling salita na kanyang sasambitin.

Tuloy lang ang pagtulo ng luha ko habang pinakikinggan ang hikbi ni Jema sa labas. Ako na naman ang dahilan ng mga luhang iyon.

Galanza! tayo na. Gabihin na tayo. Rinig kong tawag ni Ate Jia sa kanya.

Dean. Bulong niya sa Pintuan na tila bang alam niya na nakikinig lang ako sa kanya. Mahal na mahal kita kaya hihintayin kita. Sabi niya at narinig ko na ang mga yapak niyang lumalayo na sa kwarto ko. Nagsimula na naman akong mapahagulgul sa iyak.

Matagal - tagal na rin akong nakasandal sa pintuan ng makarinig ko na ang mga ka team ko na nag iingay. pilit akong tumayo at tinungo ang kama ko at nahiga. Sabay ng paghiga ko ang bpag bukas ngn pintuan.

Napalingon ako at nakita kong pumasok na si Jules. Ang dilim naman dito. Reklamo pa nito sabay on ng ilaw. Hindi na ako tumalikod sa kanya kaya nakita niya akong luhaan. Umiyak ka ba? Tanong nito  at isinara na ang pintuan.

Hindi naman ako makwento lalo na kay Jules pero sa panahong ito hindi ko na mapigilan mapa-iyak ng lapitan niya ako.

Alam mo bang dumaan naman dito si Jema? Tanong nito sa akin napatango na lng ako sabay upo sa kama. Tumabi naman sa akin si Jules

Masama ba ako? Bigla kong itinanong sa kanya

Uhm. Base on my opinion, hindi naman. Tipid nitong sabi.

Bakit galit ang mundo sa akin? Tanong ko at tinakpan na ang nukha ko.

Galit nga sila sa ginawa mo but it doesn't mean na galit din sila sa iyo. For the first time may matinong sinabi si Jules. Madalas kasi siyang nag jojoke kaya nanibago ako. Alam mo Dean, hindi maganda ang nagawa mo sa team Bigla ka na lng lumayo sa lahat na hindi ka man lang nag eexplain. Wala kaming alam sa mga iniisip mo at sa nararamdaman mo kaya hindi maiwasang magtampo ng iba. Hindi lang naman kasi tayo teammates Dean, we are family here. Dapat nagdadamayan tayo. Sabi pa nito sabay himas ng likod ko,

i'm sorry. Maikli kong sabi dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko sa kanya. 

No Deans. Sabi nito. Don't be sorry, Just do things right. Hindi sapat na sorry lang, kasi ikaw naman talaga ang nahihirapan sa pinag gagawa mo. Look, Jema was here pero hindi mo siya hinarap, nagtatago ka dito at umiiwas, dapat harapin mo ang problema para masolusyunan niyo pareho. Tatanggapin lang namin ang sorry mo pag inayos mo yang buhay mo. Dagdag pa nito at tumayo at tumungo sa kama niya.

Uhm Jules? Saan ka matutulog ngayon? Tanong ko sa kanya kasi lagi naman siya natutulog sa kwarto nina ate Kat.

I think i'll stay here. Para kasing may gustong kumausap sa akin eh. Sabi niya sabay wink sa akin. Napangiti naman ako kasi may tao na akong nasabihan ng mga hinanaing ko.

.......

Jema's POV

Nagtungo na ako sa kwarto ni Deana at kinausap siya. Para yatang walang tao. Madilim sa loob  at walang nagiingay.

Pero sabi nina Bea andito lang daw siya sa kwarto. Baka tulog. Pero kailangan ko talaga iparinig sa kanya ang sasabihin ko. Nagsalita na ako ayon sa sinasabi ng puso ko ng biglang napaluha ako. hindi ko alam pero randam kong mayroon nakikinig sa kabila ng pintuan na ito. Ramdam kong nandito siya kasi naninikip ang dibdib ko. Napahagulgul na ako sa iyak habang nagsasalita. 

Galanza! tayo na. Gabihin na tayo. Rinig kong tawag ni Jia. Panira talaga ng moment. Alam kong pintuan na lang ang pumapagitan sa amin ni Deana. 

Dean. Bulong ko sa pintuan. Mahal na mahal kita kaya hihintayin kita. Sabi ko sa kanya at bumaba na. Baka kasi umakyat pa si Jia at guluhin pa si Deana. 

Buti naman at bumaba ka na. Inis na sabi nito sa akin. Halika na. Ako na ang mag dadrive parang naiyak ka naman eh.

Okay lang ako Jia. Huwag kang OA. Ako na magdrive Sabi ko sa kanya at ningitian siya.

Aalis na sana kami ng Dorm pagkatapos naming magpaalam kina Bea at Maddie. Kaso nagsidatingan na rin ang mga ka team nila.

Andito ka naman. Pambungad sa akin ni Pauline na tila galit na galit. Di ba sabi ko huwag mo siyang puntahan dito, hayaan mo siyang puntahan ka.

Hindi naman kami nagkita eh. Sabi ko pa kay pauline at ningitian siya.

Nabubwesit na ako sa ngiti mo Galanza. Tigilan mo nga iyan. Sabi pa nito at hinampas ang balikat ko. Huwag ka ngang bumalik dito. Pag makita kita ulit isusumbong kita kay Kuya mo Kobe.

Grabe ka naman. Krimen na bang tumungtung ang hindi taga Ateneo sa Dorm niyo? Biro ko pa sa kanya kaya nahampas na naman ako sa balikat. Pero seryoso, naawa na talaga kasi ako kay Deana eh. Bakit ba kasi kailangan niyang e-isolate ang sarili niya?

Hindi ko rin siya ma get. siguro na gui-guilty lang iyon dahil naging duwag naman siya. Sabi pa ni Pauline sabay irap ng mata.

Bago pa magkagulu dito, uuwi na kami ni Galanza. Pagitna sa amin ni Jia. Gabihin na talaga kamio hu.

Sige Pau, Text na lang kita. Uwi na kami. Sabi ko kay Pauline at niyakap siya sabay bulong sa kanya. Please do me a favor. Tulungan mo naman si Deana. 

Niyakap niya rin ako at bumulong din sa akin. Gagawa ako ng paraan. Magpapatulong lang ako kay Jules.

Nahiwalay na kami sa pagkayakap at ningitian ko na siya. Salamat Pauline.

Mahal mo talaga si Deana noh. Pahabol na sabi ni Pauline sa akin.

Sobra. Sabi ko at parang naiiyak na. Mahal ko pa rin si Deana.

Pst!!! Papigil ni Jia sa akin at hinila na ako. Tama na nga iyan. Ako na talaga ang mag dadrive. Sabi pa nito at kinuha na ang susi ng kotse ko.

Hinila na ako ni Jia papuntang kotse at tumulo na naman ang mga traidor kong luha. Ramdam ko ang pag-alala ng mga ka team ni Deana habang hinihintay nila kaming maka-alis sa harap ng dorm nila. Pinilit kong ngumiti at nag wave ng goodbye sa kanila.

Bilib ako sa'yo Jem. Nagagawa mo pa talagang ngumiti kahit sobrang sakit na. Sabi nito at pina-andar na ang kotse.

Tahimik lang kami sa byahe. Alam naman kasi ni Jia na sumisikip naman ang dibdib ko kaya binuksan niya na ang bintana ng kotse para makalanghap ako ng hangin sa labas.

HIndi ko susukuan si Deana. Alam kong darating ang araw na babalikan niya rin ako.

.....

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now