53

1.4K 44 0
                                    

Deana's POV

Nasanay na yata ang katawan ko sa mahirap na training kaya baliwala na sa akin ang buong araw na pagbabad sa init ng araw. Pero na miss ko rin si Jema. Napaka sikat niya na ngayon. Lagi pa siyang featured sa Upfront. Ang dami na tuloy nag kaka crush sa kanya, kasama na dun ang dalawang higante sa harapan ko.

So Deans? Malabo pa ba? Suyang sabi sa akin ni Ate Maddie.

Pwede ba. Tigilan niyo ako. Inis kung sabi sa kanila ng Inakbayan na nila ako ni Ate Bea.

Wala ka pala eh. Mauunahan ka na ng iba dahil sa kabagalan mo. Natatawang sabi ni Ate Bea kaya inirapan ko lang siya ng tingin.

Kung pwede lang ako na lang eh. Dagdag pa ni Ate Maddie.

Hala. Subukan niyo lang pag susumbong ko kayo kina Ate Zoe at Ate Jho. Tignan natin kung hindi kayo iiyak. Banta ko sa dalawa. Pinagtawanan lang nila ako.

Chill lang Deans. Nag bibiro lang kami. Sabi pa ni Ate Bea.

Pwes ako hindi nag bibiro. Tamang tama namang palapit si Ate Jhoana sa amin. Ate Jho!? Tawag ko sa kanya at agad akong hinila ni Ate Bea at tinakpan ang bibig ko.

Hey!!! Bitawan mo nga si Baby Deans. Saway sa kanya ni Ate Jho. Nilapitan naman ako ni Ate Jho at kinuha mula kay Ate Bea. Bakit Baby, inaaway ka ba nila? Para naman talaga akong babay dito kay Ate Jhoana

Aagawin ni Ate Bea si Jema sa akin Mom. Sumbong ko sabay belat kay Ate Bea. Natatawa naman ng tahimik si Ate Maddie sa likod.

Oh Come on. It's not true Jho. Kabadong sabi ni Ate Bea at inabot kamay ni Ate Jho pero winakli lamang ni Ate Jho ang kamay niya.

Ano?! Walang hiya kang babae ka. Pinagpapalo ni Ate Jho si Ate Bea ng dala niyang libro. Pinagdialatan niya ng mata si Ate Bea. Umayos ka! Kundi talagang ibibigay kita dun kay Galanza, tignan lang natin kung sasaluhin ka niya bwisit ka! At tinapon ang libro sa mukha ni Ate Bea.

Namumula na si Ate Bea sa mga palo ni Ate Jho kaya tawa naman ako ng tawa sa kanya. Tinignan ko si Ate Maddie saying na, "Isusumbong kita kay Ate Zoe."

Parang naintindihan naman ni Ate Maddie ang tingin na iyon at agad lumayo sa akin. Mga takot naman pala tung mga 'to eh. Tawa lang ako ng tawa.

Hinila nan i Ate Jho si Ate Bea papuntang Dorm, under naman pala si Ate Bea eh. Naiwan na naman ako sa field, naisip ko kaya ko rin naman magpaka under kay Jema basta ba makasama ko lang siya habang buhay. Napatingin ako sa mga ulap. Nakikita ko ang mga ngiti sa akin ni Jema. Kailan kaya kami ang tamang panahon para sa aming dalawa.

......

Jema's POV

Kahit masama ang loob ko kailangan ko pa rin mamuno sa team kaya ito na naman ako nakaharap sa kanila. Paulit-ulit na sinasabi ang mga dapat nilang gawin kapag nasa actual game kami.

Ganito naman lagi eh, sa training lang sila nagpapakitang gilas pero pag nasa court na kami, wala na. Tumitiklop na ang mga pakpak nila kaya hindi sila makalipad.

Ayaw ko naman maging sikat o mapahanga ang madaming tao sa taglay kong galling eh. Gusto ko mapahanga sila ng buong team. Ayaw ko namang solohin lahat pero ano ba ang magagawa ko, eh ako ang inaasahan dito sa team. At bawal ako magkamali. Nakasalalay lahat sa mga kamay ko.

Jes. Chill lang pwede? Sabi sa akin ni Fhen sa gitna ng panenermon ko sa team.

Isa ka pa eh. Galit kong sabi sa kanya. Saan ka ba nagpupunta ha? Lagi ka na lang late sa training. Ano ba kayo, ako lang ba ang may gusto na mapasali ang team sa Semis ha. Inis kong tanong sa lahat.

Get a life Jes. Kontra sa akin ni Fhen. Puro ka na lang kasi training. May training sa umaga, training sa hapon hanggang gabi. At ito, training na naman kahit wala naman si coach. Sunday ngayon may mga lakad din kaming importante.

May mas importante pa ba dito ha Fhen. Napasigaw na ako sa sobrang inis. Para naman ito sa kanila kaya ko pinatawag ang training na to. As far as I know ako ang Kapitan kaya may karapatan ako magpatawag ng training kahit kalian ko gugustuhin.

Alam ko kung gaano mo ka mahal ang volleyball Jes. Mahinahong sabi sa akin ni Fhen. Pero madami pang ibang bagay na kailngan din tuunan ng pansin. Mahalin mo rin kaya sarili mo. Tignan mo nga ang sarili mo sa salamin. Hindi ka na masaya sa ginagawa mo. Hindi na tama yan. Naglalaro tayo ng volleyball dahil masaya tayo hindi ganito na parang pinipilit kang baliwalain ang ilang bagay para dito. Umiling iling lang si Fhen sa akin at tinalikuran ako. Nagsinuran na rin ang iba kaya naiwan na ako mag isa sa court.

Napahagolgol na ako sa iyak. Hindi ko alam kong ano ang gagawin. Ang bigat bigat sa loob. Hindi ko alam kung anong nag udyok sa akin pero tinawagan ko si Deana.

Agad naman niyang sinagot ang tawag ko. Tuloy pa rin ako sa pag –iyak. Hindi ko mapigilan at hindi rin ako makapagsalita.

Hello Jem. Tarantang sabi ni Deana. Hello? Anong nangyayari? Nassan ka? Pupuntahan kita. Hindi pa rin ako makapag salita. Okay. Darating ako. Hintayin mo ako diyan. Agad niyang binaba ang cellphone.

Naupo na lang ako sa gilid ng court at doon umiyak hanggang nakatulog ako.

Nagising ako ng may humawak ng kamay ko. Pagmulat ko ng mata ko nakita ko sa harap ko si Deana.

Nandito na ako. Sabi niya sabay ngiti. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandito ako pero natuwa naman ako na nakarating siya. Niyakap ko siya at napahagolgol naman ng iyak.

Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko habang nasa bisig ni Deana.

.....

Author's Note:

Short UD lang guys kasi ang daming school work. but pinipilit ko talaga makapag UD pag may time ako. Salamat sa pagtangkilik at pasensiya na sa mga boring part. Hindi kasi ako makapag -isip ng mabuti eh.

Best Of FriendsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora