16

1.4K 49 0
                                    

Deana's POV

Deans?! Tawag sa akin ni Ponggay sa labas na ng kwarto namin sa dorm. Hindi mo ba ako pag bubuksan ng pintuan? Tanong pa nito

Gusto ko munang mapag-isa. Mahinahon kong sabi sa kanya. Kina ate Jhoana ka muna matulog.

Ayaw ko munang makipag-usap kahit kanino. parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. Nakita ko si Jema na yakap yakap si Cy. ang sakit lang kasi. ayaw ko naman iyon sabihin kay pauline, baka kasi magalit pa siya kay Jema.

Flashback.

Bumili ako ng mga cupcake para kay Jema at kung sino man kasama niya sa dorm. kakahiwalay lang namin galing mall pero gusto ko siya ulit makita.

tumungo ako ng dorm. nakita ko agad si Jema sa labas ng pintuan ng dorm nila. Parang seryosong usapan nila ng kung sino man ang kasama niya. lumapit ako ng konti at yun na nga nakita ko si Cy.

napatago ako sa puno at pinanood sila sa malayo.

maya maya ay napayakap na si Jema sa kanya. kumirot ang dibdib ko. hindi ako makahinga. agad akong tumakbo palayo. pinigilan kong maluha dahil maraming taong dumadaan. 

nilapitan ko ang isang pulubi sa daan. Bata? gusto mo ba ng Cup cake? Inabot ko sa bata ang isang dosenang cupcake na nabili ko. kainin mo to. bigyan mo na rin mga kaibigan mo. Sabi ko pa sabay ngumiti sa kanila. 

hindi na nagsalita pa ang bata, pagkakuha niya ng kahon agad din itong lumayo sa akin. ramdam ko naman na nagpapasalamat siya. 

naglakad lakad lang ako hanggang sakayan ng jeep na mabigat ang saloobin. na hindi ko na nga naalala kong pano ako nakarating ng dorm.

End of flashback

Kausapin mo lang ako please. Pamilit pa ni Pauline.

Pwede ba Pauline. I want to be alone. Diin kong sabi.

Rinig ko naman na padabog siyang bumaba ng hagdanan. Pauline is a good friend kaya alam kong aawayin niya kahit sino mananakit sa akin. ayaw ko ng gulo kaya tumahimik lang ako. 

nanood na lang ako ng mga nakakaaliw na videos sa Youtube hanggang na makaramdam ako ng pagod at nakatulog na.

nagising ako ng mag ring ang cellphone ko.

Dean? Tawag sa kabilang linya.

Alam ko na agad kong kaninong boses ang nasa telepono. Jem? Napatawag ka?

Dean? You have to come here. Taranta niyang sabi.

Saan? Bumangon na ako sa pagkahiga at napaupo na ako sa kama.

Pauline needs you? Puntahan mo kami dito malapit sa dorm ko. Paki bilisan. Lalo akong kinakabahan. Ano ba ang ginagawa ni Pauline kina Jema?

Okay. Darating ako. Papasama lang ako kay Ate Bea kasi may kotse siya. Sabi ko.

Hihintayin ko kayo dito. Sabay end ng call.

Dali dali kong pinuntahan si Ate Bea. Agad naman kaming tumungo sa Adamson kasama si Ate Jhoana.

Pagdating namin sa Dorm. Anong nangyari diyan? Nakahiga na si Pauline sa Bench at parang natutulog. 

Dean? dumating siya dito ganyan na siya. Sagot naman sa akin ni Jema.

What's the problem kiddo? Natanong naman ni Ate Bea kay Jema.

Wala talaga akong alam Ate? Diin niyang sabi.

How about you? di ba lagi naman kayong magkasama. Tanong sa akin ni Ate Jhoana.

Nakatitig lang silang lahat sa akin pero wala kong maisasagot.

I'm sorry. hindi ko rin alam. Sabi ko sa kanila.

I guess we have to wait for pauline to wake up then. Tinap naman ako ni Ate Bea. Ikaw na bahalang magtanong sa kanya bukas. magkasama naman kayo ng kwarto.

Binuhat na ni Ate Bea si Pauline at dinala sa sasakyan. tinulungan naman siya ni Ate Jhoana. 

Naiwan ako kasama si Jema. Kitang kita ang pag aalala sa mukha niya. Sige Jem. Alis na kami. salamat sa paghihintay. Sabi ko dito at ng tumalikod na ako.

Pauline is in love with you Deana. Pabulong niyang sabi. sakto lang para marinig ko.

Hinarap ko ulit siya. Be kind to her Deans kasi mahal ka niya. Sobra.

Yan ba ang sinabi niya sa'yo? Natanong ko na nakakunot ang noo.

Tumango lang siya. Before siya mawalan ng hininga inaway niya muna ako dahil nasaktan daw kita. I'm sorry kung ganun man.

Wala naman talaga. Dahilan ko.\

Just take care of Pauline, Deans. kaya ko sarili ko. i'll be okay. Sabi niya. hindi ko matanto ang ibig niyang sabihin pero pumatak na lang bigla mga mata ko.

We are still friends right? Natanong ko.

Of course we are. Napangiti siya sa akin pero may mga luha din sa mga mata niya.

tilang pareho kami naramdaman that time. Parang pareho kaming nasaktan sa mga nangyayari at wala kaming magawa kundi pakawalan ang isa't isa.

.................


Best Of FriendsWhere stories live. Discover now