44

1.4K 45 1
                                    

Deana's POV

Hinabol ko si Jema dahil naiwan niya ako mag isa sa Gym. Ng maabutan ko siya agad ko siyang hinila palapit sa akin.

Ano ba?! Galit niyang tugon habang nagpupumiglas sa pagkahawak ko sa braso niya.

Tahimik lang ako habang hila siya patungong sasakyan.

At saan mo ako dadalhin?! Tanong niya at siniko na ako. Nagpanggap naman ako na hindi ako nasaktan sa paniniko niya at tinulak siya sa loob ng kotse.

Nilapit ko mukha ko sa kanya habang naka upo siya sa kotse ko. Tumahimik ka Galanza!!!! Seryoso kong sabi sa kanya. Parang nagulat naman ito kaya natahimik din.

Sinira ko na ang pintuan niya at nagtungo sa Driver's seat. Agad kong dinrive ang kotse papuntang Rancho. Sa bahay nila Lolo Danny.

Bakit mo ako dinala dito? Tanong ni Jema ng marating na namin ang Rancho.

Bumaba ka na, bago pa kita kaladkadin. Ma authoridad kong sabi kaya napasunod ko siya.

Tahimik lang siya hanggang maka-pasok kami ng Rancho. Wala si Lolo't lola. ang kasambahay lang ang nandun dahil nag out of town sila.

Anong binabalak mo sa akin ha? parang natawa naman ako sa reaksyon niya kaso kinubli ko na lang at nilapitan siya. Tilang namumula na siya.

Binabalik lang kita sa nakaraan. Mahinahon kong sabi Ang panahon na na inlove ako sa'yo. Sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.

Napaiwas naman siya ng tingin. Hindi na yata ako yung taong iyon Deana. Napatingin siya sa mga bituin sa langit. Nasa Garden lang kami at umupo na ako sa bench.

Bakit ba kasi ang hirap Jem? Natanong ko sa kanya.

Ang dami na kasi nagbago Deans. Hindi na ako tulad ng dati. Sabi niya pa.

Bakit ba kasi kailangan mong mag bago? Lumingon ako sa kanya habang naka tingin siya sa taas. Hinintay ko ang sagot niya.

Para hindi na ako masaktan ulit. Tipid niyang sabi. Sorry Deans. Hindi pa talaga ako handa. Sabi niya sabay tayo. Please. Iuwi mo na ako sa dorm. Naglakad naman siya patungong kotse.

Ayaw ko man pero sumunod na lang ako. at pinagdrive siya pabalik ng Adamson.

Salamat. Nasabi ni Jema ng marating na namin ang dorm niya. At ng buksan niya na ang pintuan, hinila ko siya at pinaharap sa akin.

napalapit naman ako sa mukha niya. Kitang kita ko ang mga nag niningning niyang mga mata at ang mapupula niyang labi. Hindi ko alam kong ano nag udyok sa akin. Dahan dahan kong nilapit ang labi ko sa kanya at sa hinding inasahan napapikit siya ng mga mata kaya natuloy ang balak ko sa kanya. Nahalikan ko siya sa labi.

Tumagal ang halik na iyon. hindi tulad nung nasa dorm nila, hindi na niya ako sinampal. Hinayaan niya akong halikan siya at natikman ko ulit ang tamis nito. Napahawak ako sa batuk niya at diniin ang paghalik ko sa kanya. Dahan dahang kinagat ko ang lower lip niya. Sinabayan niya rin ako hanggang sa humabol na kami ng hininga. Napayuko naman ako habang nakahawak pa rin sa leeg niya. Magkadikit pa rin ang mga noo namin.

I'm sorry Deana. Basag niya sa katahimikan at lumabas ng kotse.

Napatingin na lang ako kay Jema hanggang nakapasok na siya sa Dorm. Ramdam ko pa rin ang pagmamahal niya sa akin. Ano ba kasing kinatatakutan mo Jema?

.......

Jema's POV

Napatakbo na ako palayo kay Deana. Nakaramdam na ako ng init sa katawan kaya kinabahan na ako.

Agad kong sinira ang pintuan at tumakbo patungong kwarto. Tamang tama wala si Joy. Doon siya natulog kasama si Flora at Perez para sa Project nila.

Napadapa ako sa kama. Shit Jema. Nagpadala ka naman.

Natatakot na naman ako. Sumikip ang dibdib ko. Bumaba na naman ako ulit para maka inum ng tubig.

Musta na kayo ni Deana? Nagulat ako sa nagsalita. Si Fhen. Kumakain ng sandwich sa may kusina mag - isa.

Paki mo ba? Sinungitan ko siya bago ko kinuha ang pitsel na tubig sa ref.

Nagsmirk naman si Fhen sa akin. Ang sungit mo naman. Meron ka ba? Biro pa niya sa akin.

Bakit kasi kailangan mo pa akong pakawalan eh. Sabi ko sa kanya at uminom ng tubig sa baso.

Para diyan. Itinuro ni Fhen ang puso ko. Para makaramdam ulit. Namanhid kasi dahil sa akin. Sabi niya pa.

What are you trying to say ba? Taka kong tanong.

Nakatulog kasi yang si Puso nung iwan ni Deana, Kaya binalik ko yan kay Deana para magising ulit. Sabi niya sabay wink sa akin kaya sinipa ko paa niya.

Iwan ko sa'yo Fhen. Ang labo mong kausap. Sabi ko dito at tinalikuran siya.

Ako ba talaga ang malabo? Sabi pa nito. O ikaw? Sinandal niya na likod niya sa upuan niya at kinain ang huling kagat ng tinapay niya. Just be yourself Jem. Take a risk hindi ganyan. Hindi ka naman duwag eh. Bakit ka natatakot? Para saan? Harapin mo na yan bago ka pa tuluyang mawalan at magsisisi sa huli. Tumayo na si Fhen at naiwan na akong mag isa sa kusina. 

Nakita ko ang isang supot ng Mcdonalds sa Misa. Ito yung natilapon nung winakli ko si Deana. May nakita akong note sa supot. 

To: Jema my Love, I will wait until you are ready. I love you. From: Deana, your Admirer.

Napaluha na ulit ako. Naguluhan na ako. Hindi ko na talaga alam kong paano pa takasan to.

.....

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now