10

1.7K 44 0
                                    

Deana's POV

Nagsisimula na ang UAAP Season 76. Kinakabahan na ako. Hindi naman kami part ng First six pero ako kasi ang counterpart ni Ate Jia. Halos pantay lang ang training namin at in case may injury siya ako lang naman ang papalit sa kanya. kaya todo dalangin talaga ako na sana hindi mag ka injury si Ate Jia.

Nasa bench lang kami ni Pauline. Rookie pa lang naman kami. Hindi pa yata kami kailangan, Sa training lang yata kami may silbi. Kasi kailangan kami sa training, kailangan kasi may Match up sa training at nasa Team B kami. Yun lang ang papel namin ang pag practisan ng nasa first six.

First time namin makikita ngayon si Jema after namin mahiwalay sa kanya last month. todo training na kasi para sa preparation ng seasson na ito kaya hindi na talaga kami nakapag bonding sa kanya. Ito na ang pagkakataon na makikita ko siya dahil magkalaban ang team namin ngayon.

Deana! Tawag ni Pauline sa akin. Puntahan natin si Jema sa Dug-out nila. Bulong sa niya.

Mapapagalitan tayo. Sabi ko sa kanya.

Saglit lang naman. Igugood luck lang natin siya. Pamilit ni Pauline sabay hila sa akin palabas ng dug-out namin.

Bago pa kami makaalis sa kinatatayuan namin may biglang yumakap sa amin mula sa likod. Guys!? 

Napalingon naman kami ni Pauline sa kanya. nanlaki na mata ko kasi nasa harap ko na ngayon si Jema. Jema?

Ako nga! Ano na kayo? namiss ko na kayo. Niyakap niya si Pauline ng mahigpit tapos niyakap niya rin ako.

Nagtilian pa sila ni Pauline. Nakangiti lamang ako sa kanya. Good luck sa iyo Jema. Sabi ni Pauline sa kanya. Sayang hindi kami makalaro ni Deana ngayon. kaya cheer ka lang namin ng patago.

Ano ka ba. magkakaroon din kayo ng time para makapag laro. Sige na. balik na ako. baka mapagalitan pa ako eh. mag wawarm - up pa. Paliwanag ni Jema

Iba talaga pag First Six. Sabi ko sa kanya sabay smirk. Binatukan naman niya ako.

Shunga! Sabi niya sabay tawa. Kita na lang tayo after ha. Nag wave na siya sa amin bago tuluyang bumalik sa team niya.

Nagsimula na ang laro. Nanonood lang kami ni Pauline sa mga team mates namin. Naghaharutan pa minsan minsan. Nasanay na rin kasi ako sa ugali ni Pauline kaya nasasakyan ko na rin mga trip niya. 

Pinanood ko rin ang laro ni Jema. Ang galing niya. kahit rookie pa lang kitang kita na talaga ang tapang niya sa court. Ang dami niya na rin puntos. ang hirap talunin ng team niya. magaling lahat sa floor defense. kahit si Jema nag didig na rin pag nasa likod siya. all around talaga. 

Umabot ng Fifth set ang laban namin sa kanila. pero maswerte pa rin kami kasi nasa team namin ang isang Phenom Alyssa Valdez.

Nagpuntahan na kami sa gitna para mag hand shake sa team nila ni Jema. Ngumiti siya sa akin. puno puno siya ng pawis pero mukhang fresh na fresh pa rin. ang ganda ganda niya. Hey Dean? Sabi nito. Bitaw na! may nakapila pa sa likod. Bulong niya. Binitawan ko na rin kamay niya at namula na ako at tinulak na ako ng tao sa likod, si Pauline.

Huwag pahalata Dean. Bulong niya rin sa akin. Hi Jema. Nice Game! Bati niya naman kay Jema.

Pagkatapos ng Handshake nagbihis lang kami ng shirt ni Pauline. Hindi naman kasi kami pinawisan, at niyaya niya rin akong puntahan si Jema. 

Hila hila na ako ni Pauline. Bilis Deans! At tumakbo na kami patungong dug-out ng Adamson.

.....

Jema's POV

Pinagsabihan muna kami ni coach bago niya kami hinayaan na mag shower na. wala akong ganang maligo kaya nag tuyo na lang ako ng pawis at pinalitan na ang damit ko.

Natalo kami dahil ang dami rin naming mga palpak na plays at errors. Minalas lang talaga kami. unang talo namin ngayon at sa team pa nila ni Pauline.

Hindi ka maliligo? Tanong sa akin ni Ate Fhen. Iwan ko ba pero dobleng alaga niya ako. hindi naman siya ganun ka bait sa iba. hinayaan ko na lang. ayaw ko rin kasing mag assume.

Sa dorm na lang ate. Sagot ko sa kanya.

Kung ganun puntahan mo muna mga kaibigan mo dun sa labas. Sabi niya pa na naka ngiti. Hinihintay ka nila. Kinuha niya na towel niya at pumasok na sa banyo.

Lumabas na rin ako para silipin kong sino ang naghihintay sa akin sa labas. Nakita ko si Pauline na nakangisi sa akin habang tulala naman si Deana. Hoy! Pinitik ko sa tenga si Deana. Okay ka lang. Tanong ko dito.

Oh ano? Tanong ni Pauline. Hindi ka ba sasama sa amin?

Sorry guys. Kasi hindi kami pinayagan eh. mag tetraining pa kami mamaya. sabi ko sa kanila.

Kakatapos lang ng laro auh. At saturday ngayon. Diing sabi ni Deana.

Talo kasi kami. kailangan ng dobleng training. Malungkot kong sabi.

Ay. Sayang naman. Nadismayang sabi ni Pauline. Pano yan? balik na lang kami sa team namin. Sabi nito sabay yakap sa akin. napayakap din ako sa kanya.

Sorry talaga ha. Inabot ko ang kamay ko kay Deana pero tinalikuran niya na ako at umalis. Hoy! Sigaw ko sa kanya at hinila ang buhok niya.

Aray! Ano ba Jessica! Reklamo niya.

Hindi ka pa nga nagpaalam sa akin, aalis ka na?! Inis kong sabi sa kanya.

Inirapan niya lang ako ng tingin at tumalikod ulit kaya hinila ko naman ang damit niya. Pumiglas pa siya kaya natumba kami pareho, napa ibabaw ako sa kanya kaya namula siya. 

Tumayo rin ako agad at pinatayo siya. hinila ko naman siya agad para yakapin. Sumpungin!

Sinungaling! Sigaw niya sa akin sabay kawala sa yakap ko.

At kailan ako nagsinungaling? Tanong ko. tahimik lang si Pauline sa gilid namin.

Hindi mo tinupad pangako mo. sabi mo mag bobonding tayo pagkatapos ng laro. Nakangusong sabi niya. natawa naman ako sa sobrang cute niya,

Bakit ka tumawa. Inis na tanong ni Deana sa akin.

Ang cute mo kasi. Sabi ko sa kanya. Ginulo ko na buhok niya. Ang dami pang next time Deans. huwag masyadong madrama. Kinurot ko na rin ang pisngi niya. Aysus Deana. Bibisitahin ko kayo sa dorm niyo bukas. sabay tayo magsisimba. okay ba yun? Sabi ko sa kanya.

Siguraduhin mo lang na pupunta ka. Banta niya sa akin.

Oo naman deans. Ako pa ba. 

Nagpaalam naman kami sa isa't isa bago sila bumalik sa team nila. Natawa na lang ako. Kasi kahit magkaiba kami ng Team, naging magkaibigan pa rin kami.

......

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now