83

1.4K 57 3
                                    

Jema's POV

Kakatapos lang ng klase kaya napagod ako. Umupo muna ako sandali sa faculty at nagpahinga saglit. 

Galanza! May bisita ka. Sigaw naman ni Kyla kaya nagising na naman ako sa ulirat ko. Hindi na yata ako makakabawi ng tulog dahil sa bunganga ni Kyla. Kung pwede lang pumatay ng tao nagawa ko na at si Kyla talaga ang uunahin ko.

Grabe ka naman makasigaw. Akala mo naman may sunog. Reklamo ko sa kanya at nilapitan siya para batukan.

Hi Jem. Tawag sa akin ng familiar na boses sa labas lang ng Faculty baka iyon nga yung sinasabi ni Kyla na bisita ko. Napalingon ako at nakita kong nakangisi sa akin si Jules.

Uy Samonte? What brings you here. Taka kong tanong.

Wow ha. Pag Atenista ang kausap umiEnglish. Suya pa sa akin ni Kyla kaya nabatukan ko ulit.

Pumasok naman ng faculty si Jules at may binulong sa akin. Jem. May emergency kasi i need your help.

Ano yun. Gulat kong tanong. Pero hindi niya ako sinagot sa halip ay hinila niya na ako palabas ng room na yun.

Parang kinakabahan ako pero masyado na akong mahina para makipag buno pa kay Jules. Pagod na pagod na talaga ako.

Narating na namin ang labas ng school at nasa harap na kami ng gate ng makita ko ang tatlo kong estudyante sa labas at may kina-usap na stranger kaya nilapitan ko. Baka kid napper pa yun.

Girls! Tawag pansin ko sa dalawang bata. Kilala niyo ba siya. 

Nakangisi ang tatlong bata habang nagtitinginan. Yes teacher. Kilalang kilala. Sabi pa ng isa.

Tinitigan ko yung nakatalikod pang tao sa akin. Sing tangkad ko lang siya. Hinintay ko pa siyang lingunin ako.

Nagulat ako ng mapalingon na siya. Deana? Bulong ko sa sarili ko. Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan after 5 months na iniiwasan niya ako.

Okay Guys. mauna na kami. Sigaw ni Jules sabay pasok sa kotse sa tabi lang namin ni Deana.

Nataranta si Deana at pilit na binuksan ang pintuan sa driver's seat pero naka lock na ito. Dani!!!! Galit na sabi niya sa tao sa loob ng kotse niya. Open this door now! Utos niya dito pero parang walang naririnig ang mga tao sa kotse niya dahil inistart na ni Dani ang kotse at naiwan na kami ni Deana kasama ng tatlong bata. Shit! Dani!!!!! Tawag ni Deana sa palayo niyang kotse.

Your mouth miss Wong. May nakikinig na mga bata sa iyo. Saway ko sa kanya.

Napakamut na lang siya ng ulo sa ginawa nina Jules sa kanya. Nag he hysterical pa ito habang pabalik balik ng lakad sa harap ko.

Mag relax ka nga. Mahinahon kong sabi. Tatawagan ko si Jules. Sabay kuha ng cell phone ko at tinawagan si Jules. Pero parang walang balak sagutin ng ugok na yun ang telepono niya. Ayaw sagutin eh. Sabi ko kay Deana na nakakunot noong naghihintay sa akin.

Wala akong dala kahit wallet dito. Nakakainis talaga. Inis na sabi niya sa akin.

Ihahatid na lang kita. Madadaanan ko naman ang dorm papuntang apartment ko. Suggestion ko sa kanya. Nakita ko naman nanlaki ang mga mata niya na parang may gustong ipahiwatig na iba. Kasama naman natin si Kyla kaya no worries. Dagdag ko pa para mawala ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

Atienza? Tanong niya.

Yep. Nag teteach din siya dito kasama ko. Sabi ko sa kanya. Hintayin mo na lang kami dito. Kukunin ko lang ang gamit ko. Sabi ko sa kanya at binaling ang tingin sa tatlong bata na nandun pa at nakita ang lahat.

So girls? Saan kayo uuwi. Gusto niyo bang sumabay kay Teacher. Tanong ko sa mga bata.

Nag ngitian lang at umiling. Susunduin po kami ni Tatay dito teacher. Baka magtampo yun pag naiwan siya namin. Nakangiting sabi ng isa sabay yakap sa akin. Kaibigan niyo po pala si Lodi Deana po. Pwede po bang sumama siya sa pagtuturo mo sa amin ng Basic Volleyball. Sige na po please. Nakatitig lang ako sa bata at parang hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.

Sige na po teacher. Dagdag pa ng dalawang bata kaya lalo akong nataranta. Pano ko sasabihin sa kanila na hindi kami close ni Deana.

Okay. Sabi ni Deana sa gitna ng pagpilit ng mga bata sa akin. Darating ako. Tuturuan ko kayo kasama si Teacher Jessica. At ningitian niya ako. Parang nanikip ang dibdib ko. Tumigil sandali ang oras. Nagkatitigan lang kami ng matagal ni Deana hanggag napayakap na rin ang mga bata sa kanya. Ningitian niya ako tulad ng unang ngiti niya sa akin. ANg ngiting minahal ko at ginusto kong mapapasa-akin lang.

......

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now