17

1.3K 43 0
                                    

Jema's POV

Kakatapos lang namin maghapunan ng may kumatok sa pintuan ng Dorm.

Jem? Ikaw na nga magbukas ng Pintuan please. Pakiusap sa akin ni Ate Amanda.

Agad ko naman binuksan ang Pintuan at laking gulat ko sa taong bumungad sa akin. Si Pauline.

Pau? Gabi na. anong nangyari sa iyo. Namumugto ang mga mata nito at tila Lasing ito.

Jema. we need to talk. Seryoso niyang tugon.

Lumabas ako ng Dorm. Ayaw ko kasing makita siya ng iba kong kateam na lasing. Baka anong issue pa yun sa kanila.

Naglakad ako sa Bench malapit sa dorm namin at naupo. sumunod naman si Pauline at naupo sa tabi ko.

Agad naman siya nag salita. Tumahimik lang ako habang nag sasalita siya.

Jem? May Gusto ka ba kay Deana? As in gusto. Yung crush. Alam kong straight ka pero mag kaka chance ba na mainlove ka sa kapwa mong babae. kung meron ba. may pag asa sa iyo si wong sakaling ligawan ka niya?

Uhm... Hindi ako sure sa sabihin ko. Alam kong may namumuong ano sa puso ko na hindi ko naman talaga ma explain dahil first time ko iyon maramdaman.

Nakita ko si Deana kanina. Bumili siya ng cup cake para sa iyo. sabi niya pupuntahan ka lang niya. pero pag balik niya ng dorm hindi ko na siya kinakausap? Ayaw mo ba kay Deana ha? Mabait naman siya auh. at mahal ka niya. Sabi niya ito habang naluluha.

Hindi naman pumunta dito si Deana auh. Sabi ko sa kanya ng biglang malala ko si Cy. Baka nga naabutan ni Deana si Kuya Cy dito sa dorm kaya hindi siya natuloy. Baka nag selos kay Cy. Napakamot naman ako ng ulo.

Sana naman mapagbigyan mo siyang mahalin ka. Tapos yumuko na ito at hinawakan ang dibdib niya.

OKay ka lang? Alalang tanong ko sa kanya. 

At bigla na siyang nahimatay. Napayakap na ako sa kanya at agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagin si Deana.

Dean? Agad kong tawag kay Deana pagsagot niya sa Telepono.

em? Napatawag ka? Sabi nito.

Dean? You have to come here. Taranta kong sabi.

Saan? Tanong niya.

Pauline needs you? Puntahan mo kami dito malapit sa dorm ko. Paki bilisan. Paliwanag ko sa kanya

Okay. Darating ako. Papasama lang ako kay Ate Bea kasi may kotse siya. Ramdam ko na rin na nataranta siya

Hihintayin ko kayo dito. Sabi ko sabay end ng call.

Inayos ko si Pauline at pinahiga sa Bench. Nilagay ko sa uluhan niya ang Jacket ko para maging unan niya. nakatulog na siya pero pumapatak pa rin ang luha niya.

Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat na meron akong nasasaktang tao. mahalaga ang mga kaibigan ko sa akin.

Alam ko sa loob looban ko may nararamdaman na ako para kay Deana. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakalimutan ang maamo niyang mukha, ang bango ng hininga niya, ang malaanghel niyang tinig at ang mga malalambot niyang labi. nanginit ang katawan ko ng malala ko ang halik naming dalawa. Baka nga siguro mahal ko na siya. Pero hindi pa ako handa sa ganitong relasyon. ayaw ko namang makita din si Deana na matulad kay Pauline dahil lang sa akin.

Dumating na rin si Deana at tumakbo tungo sa AKIN.. Anong nangyari diyan? Tanong niya.

Dean? dumating siya dito ganyan na siya. Sagot ko.

What's the problem kiddo? Natanong naman ni Ate Bea .

Wala talaga akong alam Ate? Diin kong sabi.

How about you? di ba lagi naman kayong magkasama. Tanong sa ni Ate Jhoana kay Deana.

Nakatitig na kaming lahat sa kanya.I'm sorry. hindi ko rin alam. Tanging nasabi niya.

I guess we have to wait for pauline to wake up then. Tinap naman  Ate Bea si Deana sa balikat. Ikaw na bahalang magtanong sa kanya bukas. magkasama naman kayo ng kwarto.

Binuhat na ni Ate Bea si Pauline at dinala sa sasakyan. tinulungan naman siya ni Ate Jhoana.

Naiwan na kami ni Deana. Sige Jem. Alis na kami. salamat sa paghihintay. Paalam niya at ng tumalikod na ako.

Pauline is in love with you Deana. Pabulong kong sabi. Parang may bumabara sa aking lalamunan. Ang sikip sa dibdib.

Hinarap niya ako at pinilit kong hindi lumuha. Be kind to her Deans kasi mahal ka niya. Sobra.

Yan ba ang sinabi niya sa'yo? Natanong niya na nakakunot ang noo.

Tumango lang ako. Before siya mawalan ng hininga inaway niya muna ako dahil nasaktan daw kita. I'm sorry kung ganun man.

Wala naman talaga. Sabi niya at parang nagpipigil din ng luha.

Just take care of Pauline, Deans. kaya ko sarili ko. i'll be okay. Pilit kong sabi at nakita ko na pumatak na ang mga luha niya. Hindi pa ako handang ipaglaban si Deana. Kung Magiging kami man sa huli. Diyos lang ang nakakaalam.

We are still friends right? Natanong niya, sumabay na rin ang mga luha ko.

Of course we are. Pinilit kong ngumiti habang lumuluha.

Alam ko na ramdam ni Deana ang naramdaman ko that time. Masyado pa talaga kaming bata. Hindi pa namin kakayanin. Dadating rin ang panahon natin Dean. Habang wala pa, sana magiging magkaibigan pa rin tayo.

.....

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now