51

1.5K 43 3
                                    

Jema's POV

Back to Training na ako. After 2 months saw akas makapag training na rin ako. Buong 2 months ako sinasamahan ni Deana hanggang makapag recover ako. Malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya binawasan ko na ang pag susungit ko sa kanya.

Pero hindi ko pa rin siyang pinapayagang ligawan ako. Hindi ko alam pero hindi ko pa kasi iyon priority sa ngayon. Mas kailangan ako ng team. Dala dala ko sila sa mga balikat ko.

Last Uaap Season wala kaming panalo. Parang drain na drain ako. Kaya babawi ako ngayon. Gagawin ko ang lahat para makaabot man lang kami sa final four.

Hindi iyon madali kaya ayaw ko munang idagdag ang love life sa mga iniisip ko.

So wala pa talagang official ganap sa inyo ni Deana. Tanong ni Fhen habang nag hahanda kami sa training.

Huwag muna. Hindi pa ako handa para dun. Sabi ko naman sa kanya.

Mas naging close kami ni Fhen ngayon dahil kailangan. Siya kasi ang karamay ko sa court. Setter siya at spiker ba ko. Kailangan naming magkaroon ng magandang connection sa laro.

Anong iniisip mo. Pagbasag ni Fhen sa katahimikan.

Napabuntong hininga ako. Natatakot ako para sa team. Paano kung talunan pa rin tayo sa huli? Sabi ko. Anon a mangyayari sa atin?

Tinap naman ni Fhen ang likod ko. Huwag mo ng isipin yun. Ang mahalaga we did our best. Gawin lang natin lahat ng makakaya natin para walang regret.

Tumango naman ako sa kanya. Ang hirap din kasi kapag naka-asa ang lahat sa iyo. Parang wala ka ng karapatang magkamali. Bahala na. Kakayanin ko naman to lahat. Sana.

.....

Deana's POV

Malapit na mag start ang UAAP Season 80. Nakakapagod ngayon ang training. After 3 years ko dito sa school ngayon lang talaga akong kinakabahan ng ganito. Ang laking kawalan sa team si Ate Jia. Ang lakas makapressure ang sumunod sa yapak niya.

Sa sobrang busy hindi ko na tuloy nabibisita si Jema sa kanila. Wala naman akong napapala pag mag tetext ako sa kanya kasi for sure busy din siya sa team niya. Todo kayod din naman sila kasi bago ang coaching staff nila at malaking improvement ang kailangan nila. Hindi sila nanalo kahit isang game nung last season kaya alam kong masyadong pressured din si Jema tulad ko.

Hindi pa nga siguro panahon para sa amin. Busy kami pare-pareho sa kanya kanya naming buhay.

Paano yan Deans? Aalis muna ako. You know naman may press conference lang naman lahat ng Team Captain at coaches para sa dadating na UAAP. Pagmamayabang sabi ni Ate Maddie sa akin ng matapos na ang training naming.

Eh ano naman yun sa akin ha. Sarcastic kong tanong sa kanya.

Well, for your information si Jessica, Aka Jema Galanza lang naman ang team captain ng Adamson. Sabay smirk sa akin. And I will meet her today. Nanunuyang sabi nito kaya inirapan ko na lang siya ng mata.

Napaka bully talaga ni Ate Maddie. Hindi ko nga alam kong bakit siya yung piniling maging Team captain namin. Sana si Ate Jho na lang.

You are lucky naman Mads, Ma memeet mo si crush, saying sana ako din. Dagdag pa ni Ate Bea na nakangisi.

Anong sabi mo? Saway ni Ate Jhoana at pinagdilatan ng mata si Ate Bea.

Bakit ba? Crush lang naman eh. Sabay akbay ni Ate Bea kay Ate Jhoana. Ikaw pa rin naman ang ultimate crush ko. At nag wink kay Ate Jhoana pero tinulak lang siya nito at natumba na siya sa sahig.

Best Of FriendsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant