22

1.4K 44 2
                                    

1 Year Later...

Deana's POV

Naghahanda na kami para sa opening ng Season 77. Unang laro namin ngayon at kalaban namin ang National University. Mabilis lang natapos ang game kaya punta na kami ng CR para mag shower at makabihis na rin.

Tumakbo ako bago pa kami manalo sa third set para maka una sa CR at naabutan ko dun ang ibang Taga Adamson na nag wa warm-up na sa dug-out. Dali dali na akong pumasok ng CR bago ko pa makita ang alam kong ayaw kong makita.

Ateneo wins the Third set!! Congratulations!  Rinig kong sabi ng Announcer.

Naramdaman ko rin na may pumasok sa CR kaya inoff ko muna ang shower. May sumunod na pumasok, at narinig ko na silang nag-uusap. Hindi yata nila alam na nandito ako kaya tumahimik lang ako.

Ano ba kasi Fhen!! Di ba sabi ko nga sa iyo, wala akong balak makipag relasyon! Mahirap bang intindihin iyon. Sigaw ng isang boses.

Siya pa rin ba?! Sagot nung isa. 

OO. Siya pa rin! Diin na sabi ng isa. Kahit anong gawin mo hindi na iyon mababago.

Payag naman akong maging panakip butas ha. Pamilit ng isa.

Ay iwan!!!! Ang kulit mo. Bahala ka nga! Basta sinasabi ko sa iyo. masasaktan lang kita kasi hindi ko kayang palitan siya sa puso ko. Inis na sabi ng isa.

Hayaan mo na ako. Maghihintay naman ako eh.

Wala kang hihintayin. Masasaktan ka lang. Mahinahon ang sabi ng isa. At narinig kong sumira na ang pintuan. Siguro lumabas na siya ng CR.

Narinig kong parang may umiyak. Sinilip ko kung sino. Si Fhen Emnas. Ramdam ko ang sakit. Parang familiar sa akin. Sino Kaya yung nagpa-iyak sa kanya.

Ate Fhen? May tumawag sa kanya sa labas ng CR. Bilisan mo na diyan. Tawag ka na ni Coach Sherwin.

Mylene?! Sige. Susunod lang ako. Nakita ko siya na binuksan ang Faucet at nag hilamos. Kaya mo to Fhen. Rinig kong sabi niya sa sarili at agad ng lumabas ng CR.

Nagsidatingan na rin ang mga ka team ko kaya binilisan ko na ang pagliligo.

Dean? Hintayin mo lang ako sa labas ha. May pupuntahan lang ako. Paalam sa akin ni Pauline ng palabas na kami ng MOA. Pumasok pa siya sa court. Alam ko naman kong sino ang pupuntahan niya pero this time hindi niya na ako kinulit na samahan siya. Nag Away na kasi kami dahil doon.

Tinignan ko si Pauline papasok ng court. Break pa yata. Kakatapos lang siguro ng first set. Nakita kong may tumakbo papunta kay Pauline at niyakap siya nito. 

Bigla naman tumibok ang puso ko nung maaninag ko kung sino iyon. Si Jema. Maganda pa rin walang kupas. Umitim ng konti dahil siguro sa Beach Volleyball. Pumayat din siya at ang lungkot ng mga mata niya. Namiss ko nga si Jema. Pero ayaw ko muna siya makita. Alam ko kasi sa loob looban ko na siya pa rin talaga ang sinisigaw ng puso ko. Kahit na parang MU na kami ni Pauline. Hindi pa rin maalis sa isipan ko si Jema at alam ko nararamdaman iyon ni Pauline kaya hanggang ngayon hindi niya pa ako sinasagot. Kitang kita ko pa rin lahat ng detalye ng mukha niya kahit nasa malayo.

Gustong gusto ko siyang lapitan pero hindi ko pa kaya. Natatakot ako. Baka mahulog pa ako lalo sa kanya.

So hanggang tingin ka na lang? Nagulat ako sa bumulong sa akin. 

Ate Bea?! napalingon ako sa kanya. What are you talking about?

Don't me Wong!? Sabi nito at binatukan ako. Ako pa ba ang lulukuhin mo? Bakit ba kasi dinidiskartehan mo yan si Pauline kung yang laman ng puso mo si Jema pa rin ha?

No. I like Pauline. Diin kong sabi.

Yeah right Wong! You just settled with someone na alam mong hindi ka masasaktan. Sabi nito sabay smirk. You're rude. At bago pa ako makapagsalita tinalikuran niya na ako.

Maybe ate Bea is right. Alam ko naman kasi na may gusto na si Pauline sa akin kaya confident akong hindi niya ako sasaktan. Angrude ko nga sa kanya. I like naman Pauline but I love Jema. Sigurado naman ako dun, kaya ko nga siya iniyakan di ba? Bakit kasi ang hirap ng sitwasyon eh?

......................

Jema' POV

Paalisna kami papuntang MOA pero naiinis na talaga ako kay Fhen. Sabi niya sa akin huwag ko na raw siyang tawagin Ate kasi nakakatanda raw eh isang taon lang naman ang tanda niya sa akin.

We became close kasi siya lang naman ang nakaka-alam sa team about sa nangyari sa amin ni Deana. At alam niya rin kung gaano ka halaga si Deana sa akin.

However, hindi ko mawari kung anong trip nito kaya ako niligawan. Mga limang buwan na rin ng nagsimula na siyang mangulit sa akin. at hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko na siya binasted.

Hindi pa ako handa. Hindi pa nga humihilum ang sugat na dulot sa akin ng una kong pag-ibig. Ayaw ko pa. Kahit ba alam ko na nakapag move on na si Deana sa akin.

Nabalitaan ko kay Jules na nanliligaw na si Deana kay Pauline. Mga Syam na buwan na rin daw pero hindi pa siya sinasagot ni Pauline.

Nahiya naman akong magtanong kay Pauline kung bakit hindi niya pa rin sinasagot kahit alam ko naman na may gusto naman siya kay Deana dati pa.

Jess? Wala ka ba talagang balak sagutin yang si Fhen? Tanong sa akin ni Ate Mylene

Wala. Tipid kung sagot.

Ang sama mo naman kay Fhen? Inirapan ko lang siya ng tingin.

Tumawa naman si Joy sa akin.

Ang ganda kasi ni Ate Jema? Biro pa ni Joy.

Tigilan niyo nga ako. Mga higanteng higat! Tukso ko naman sa kanila at bumaba na ng Bus.

Sumunod naman ang lahat sa pag baba at pumasok na kami ng Dug-out kasi mag wawarm-up muna kami bago magsimula ang game.

Jess? Tawag sa akin ni Fhen. Nilingon ko naman siya. Pwede ba tayo mag-usap saglit?

Hindi ba ito pag-uusap sa iyo Fhen? Insulto ko dito.

Suplada naman. Please naman hu. Usap tayo. Pakiusap niya.

Pwede ba Fhen. Huwag ngayon. Ayaw ko masira araw ko. Sabi ko dito at tinalikuran na siya. Tumungo na ako kay Ate Amanda para sa warm-ups.

Ateneo wins the Third set!! Congratulations. Narinig ko ang sabi ng announcer kaya napatigil ako. 

Okay! Break muna. Papasok na tayo sa court. Utos sa amin ni Ate Amanda.

Nagtungo muna ako ng Cr para maghilamos. Jem? Kalimutan mo na si Deana please. Sumikip na naman ang dibdib ko ng malala ko si Deana.

Biglang bumukas ang pintuan ng Cr kaya napalingon ako. Si Fhen.

Ano ba kasi Fhen!! Di ba sabi ko nga sa iyo, wala akong balak makipag relasyon! Mahirap bang intindihin iyon. Sigaw ko sa kanya. Naibuhos ko naman lahat ng galit ko sa kanya. 

Siya pa rin ba?! Tanong niya sa akin.

OO. Siya pa rin! Diin kong sabi. Kahit anong gawin mo hindi na iyon mababago.

Payag naman akong maging panakip butas ha. Pamilit niya pa.

Ay iwan!!!! Ang kulit mo. Bahala ka nga! Basta sinasabi ko sa iyo. masasaktan lang kita kasi hindi ko kayang palitan siya sa puso ko. Inis kong sabi.

Hayaan mo na ako. Maghihintay naman ako eh. Kinalma ko na ang sarili ko kasi nakikita ko na ang pamumuo ng mga luha sa mata niya.

Wala kang hihintayin. Masasaktan ka lang. Mahinahon kong sabi at agad ng lumabas ng Cr.

Alam ko kung gaano kasakit iyong mga ginawa ko kay Fhen. Naawa naman ako sa kanya. Pero hindi naman sapat iyon para sagutin ko siya. Ayaw ko naman kasi maging unfair sa kanya. Alam ko kasi na sa loob loob ko, si Deana pa rin talaga ang laman ng puso ko.

.....

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now