87

1.5K 63 3
                                    

Deana's POV

Masayang natapos ang klase ni Jema. Sa wakas ningitian niya na rin ako. Siya ang nagtuturo sa mga bata ng mga terms sa volleyball at ako naman ang nag dedemo sa mga bata.

Salamat Deans. Sabi ni Jema pagkatapos ng klase at napayakap pa sa akin sa sobrang tuwa.

Napayakap din ako pero naalis niya agad ang yakap niya sa akin, sa hiya siguro. Nakita ko naman namumula siya kaya napangiti ako. Kinikilig pa rin siya sa akin. Alam ko iyon. Ramdam ko naman na hindi nawala ang pagmamahal ni Jema sa akin. Kailangan ko lang talagang ibalik ang tiwala niyang hindi ko na talaga siyang iiwan at hindi na hahayaan na masaktan pa siya.

Tuwang tuwa na bumalik na ako ng dorm. Parang ang gaan gaan lang sa kalooban.

Nagpahinga muna ako saglit dahil napagod din ako sa pag demo sa mga bata. Ginawa ko lahat ng mga pinagawa sa akin ni Jema. Ilang beses ako natumba, natamaan ng malakas na bola at napagod  sa kakahabol ng mga natapong bola ng mga bata. Kahit naman nahirapan ako naging makabuluhan ang nangyari sa akin. Sa wakas nakasama ko ng matagal si Jema.

Anong ngiti yan? Sabi ng taong pumasok sa kwarto ko. Nababaliw ka na ba? Natatawang sabi ni Jules sa akin at tinapon ko lang yung unang bitbit ko sa kanya. Naupo naman siya sa kama niya na nakaharap sa akin. Ngayon lang ulit kitang nakitang ganyan ka saya. Seryoso niyang tugon kaya napangiti na lang ako. ANong nangyari ha? Magkwento ka naman. Dagdag niya pa.

Jules. Gagawin ko ng tama ang lahat. Sabi ko sa kanya. Mahal na mahal ko si Jema, hindi ko na kakayaning mawala siya sa buhay ko ulit.

Hindi siya mawawala. Maniwala ka. Mahal ka pa rin nun. Sabi pa nito at niyakap ako. Masaya ako at bumalik ka na rin Deana.

Napaiyak naman ako sa tuwa. Kinekwento kay Jules ang nangyari buong araw ng may biglang pumasok sa kwarto namin.

Hindi mo ba kami isasali sa kwentuhan? Rinig kong tanong ni Ate Bea kaya napalingon ako sa nakabukas na pintuan.

Kunot noo kong tiningnan ang mga tao sa labas ng pintuan na iyon. Mga taong kay bilis akong binitawan. Mga taong nang-iwan sa akin sa panahon kailangan ko ng kausap.

Pagod na ako mag kwento. Sabi ko at agad akong nahiga sa kama at tinalikuran ang lahat.

Alam mong hindi kami nawala sa iyo Deana. Ikaw ang nagtulak sa amin palayo. Sabi naman ni Ate Jhoana sa akin.

Bigla ako napatayu sa hinihigaan ko para umalis palabas ng dorm subalit pinigilan ako ni Jules. Huwag ka ng lumayo pa Deana. Kung gusto mong ayusin ang sa inyo ni Jema, simulan mo na sa mga kaibigan mo. Bulong pa sa akin ni Jules bago lumabas ng kwarto ko.

Niyakap ako ni Pauline ng isara na ni Jules ang pintuan. Hindi ko alam pero kahit na wala sa amin ang nagsalita, parang naintindihan na lang namin ang isa't-isa. Napayakap ako kay Pauline at lumapit na ri sina Ate Jho at Ate Bea sa akin. Naluha na ako. Parang nabunutan ako ng tinik pagkatapos ng tagpo nun. Lalong gumaan ang kalooban ko at lalong lumakas ang loob kong magpapatuloy ang kwento ng pagmamahalan namin ni Jema.

....

Jema's POV

Nakakatuwa ang ginawa namin ni Deana maghapon. Parang nawala lahat ng pangamba at takot ko sa kanya. Nasa Apartment na ako ant naka-upo lang sa sala at nagpapanggap na nanood ng tv, para hindi ako mapaghalata ni Mafe. Iniisip ko magdamag si Deana.

Sa bawat titig niya sa akin ramdam kong may pagmamahal pa siya sa akin. Tama bang pagkatiwalaan ko ulit ang puso ko? Ilang beses na ako naiwan at nasaktan ng iisang tao. Para ang tanga ko naman kung tatanggapin ko pa siya.

Ate!!! Sigaw ni Mafe sa akin. Napalingon ako sa kanya. May sekreto ka sa akin noh? Sabi ko nga eh. May something talaga sa inyo ni Ate Deana.

Huh? Ano ba ang pinagsasabi mo? Taka kong tanong kay Mafe na nakatayo na sa harapan ko.

Ito hu. Inabot sa akin ni Mafe ang isang sun flower. Galing yan kay sa crush ko. Nakakainis ka Ate, HMP!. Sabi pa nito sabay smirk. Nasa labas lang siya kaya puntahan  mo na.

Nalilito man ay lumabas ako ng pintuan. Pagbukas ko naka bungad sa akin ang nakangising si Bea.

Hi Jema dear. Bati niya sa akin. Lalo akong nalito.

Bei? Anong ginagawa mo dito? Taka kong tanong.

Tama na satsat sama ka na sa akin. Bigla naman akong hinila ni Bea. Bitbit ang sunflower na bigay niya sa akin, sumama ako sa kanya.

Iwan ko ba, hindi ko siya mahindian. Parang sumunod na lang ako sa agos ng tubig at nagpadala sa hangin.

Andito na tayo. Biglang hininto ni Bea ang kotse niya sa harap ng BEG.

Bakit tayo nandito? Tanong ko kay Bea pero sa halip na sagutin niya ako ningitian niya lang ako at may bumukas ng pintuan ko.

Hi?! Bati sa akin ni Pauline. Labas na diyan. Kanina ka pa namin hinhintay. Hinila na naman ako ni Pauline papasok ng Gym.

Nagulat ako sa kaharap ko. Nakatalikod siya sa akin. Jia?! Ano ba to?! Inis kong tanong sa kanya kaya napalingon na siya sa akin.

Huminahon ka Jem. Ngiting sabi niya sa akin. Unti unti siyang lumapit sa akin at nilapit ang bigbig niya sa tenga ko. Sundin mo lang ang laman ng puso mo. Kasi sigurado kaming may sasalo sa iyo. Sabi niya pa at piniringan ang mata ko.

Biglang tumunog ang kanta narinig ko na dati. Ang kantang kinanta sa akin ng iisang taong minahal ko. 

Gusto kita
sa puso ko'y ikaw lang ang mahalaga
pilitin mang limutin ka ay hindi ko magagawa
Parang alipin mo ang isip at
damdamin koGusto kita
pagkat ang kilos mo'y
sadyang ibang-iba
mahinhin at malambing pa,
katangiang di mo sadya
pag-ibig kong ito'y hindi na
magbabago pa .Kahit sa-bihin na mali ako
alipin mo o bihag mo, ako'y iyong-iyo
kung pag-ibig ang pag-uusapan,
di ko na ililihim pa
ang damdamin ko sa'yo
sa akin ay gusto kita.Kahit sa-bihin na mali ako
alipin mo o bihag mo, ako'y iyong-iyo
kung pag-ibig ang pag-uusapan,
di ko na ililihim pa
ang damdamin mo sa'yo
sa akin ay gusto kita.Gusto kita
pagkat ang kilos mo'y
sadyang ibang-iba
mahinhin at malambing pa,
katangiang di mo sadya
pag-ibig kong ito'y hindi na
magbabago pa.....


Ramdam kong pumapatak na ang luha ko. Kilala ko yung boses ng kumakanta. Alam ko na siya yung nagpapatibok ng puso ko.

May biglang umalis ng piring sa mga mata ko. Kaharap ko si Fhen. Tinignan ko ang paligid. Walang ibang tao dun. Kahit si Pauline at Jia wala.

Nadismaya ka ba? Tanong ni Fhen at hinawakan ang kamay ko. Gusto ko sana ako na lang eh. Kaso baka magalit girlfriend ko. Ngiti niyang sabi kaya napangiti naman ako. Inalayan na ako ni Fhen papuntang gitna ng court. ng makatayo na ako dun biglang dumilim at mga kandilang nakapalibot sa kintatayuan ko ang nagsilbing ilaw.

Binitawan na ni Fhen ang kamay ko kaya kinabahan na ako pero hindi na ako makakilos. Biglang umulan ng petals ng rosas sa kinatatayuan ko kasabay ng intrumental music. Pumatak na rin ang mga luha ko. Hindi ko sila mapigilan.

Nakikita ko ng lumalapit si Deana sa akin at naka ngiti dala dala ang isang boquet ng bulaklak.

Ilang segundo lang ay nasa harap ko na siya.

Jem. Tawag niya sa akin. Alam kong ang dami ko ng ginawang kasalanan sa iyo kaya hindi kita mamadaliin. Mahal kita, noon pa man hangang sa ngayon hindi na nagbago iyon at mananatiling ganun habang buhay.

Pst. Pinatahimik ko siya at hinila palapit sa akin. Hindi ko alam kong anong naghudyat sa akin pero hinalikan ko siya. Hinalikan ng buong pagmamahal.

......

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now