88

1.5K 71 5
                                    

Deana's POV

Ano ba best? Bilisan mo nga, Naku naman baka isipin ng mga tao tatakasan mo na naman siya! Sigaw ni Pauline sa labas ng room ko. Naghahanda ako para sa pinaka importanteng pagdiriwang ng buhay ko.

Dali dali kong binuksan ang kwarto at lumabas na. Hindi ako tatakas noh. Alangan naman na lalabas akong parang bago lang gising. Sabi ko kay pauline sabay irap sa kanya.

Matagal pa ba kayo diyan! Tawag pansin ni Dani sa amin.

Bababa na. Sabi ko sa kanila at bumaba na kasama si Pauline.

Nakahanda na raw ang venue Deans. Sabi naman ni Ate Bea sa akin.

Kamusta na ba sila Jema? Tanong ko.

Sabi ni Jho, malapit na raw sila matapos. Sabi ni Bea sa akin,

Tara na. Excited kong sabi.

.....

Flashback

Hinanda ko lahat para mag propose ulit kay Jema. Tinawagan ko lahat ng kaibigan namin ni Jema. Ang dami niya palang kaibigan.

Siguraduhin mo lang. Banta pa sa akin ni Fhen. Alam mong si Jema ang una kong minahal.

Parehas lang tayo. Si Jema lang ang tangi kong minahal. Sagot ko naman.

Okay tama na yan. Pagpahinto sa amin ni Kring. Pwede ba gawin na natin to ng tama para kay Jema.

Guys! Sigaw ni Ate Maddie. Pumunta na tayo sa mga pwesto natin. Nag text na si Bea. Papunta na sila dito. 

Oy Jules. Ready na ba ang sounds? Tanong ko kay Jules

Opo teh. Nakahanda na ang sounds. Sagot naman ni Jules.

Dani yung mga petals andyan na? Tanong ko kay dani.

Ayos na teh. Madami kaming hinandang petals ni  Vanie.

Inilawan ko na ang mga kandila. Si Fhen na ang magsisignal sa akin kung papatayin ko na ang mga ilaw ng Gym. Sabi naman ni Ate Kim. Si Kat na at si Jhoana bahala sa foods natin mamaya pagkatapos ng pag oo ni Jema.

Sana nga teh. sana nga. Sabi ko. Kinakabahan na talaga ako pero salamat sa mga kaibigan ko maiituloy ko na rin ang naudlot kong love story.

Nangyari ang lahat ayun sa plano. Kinanta ko ang ulit ang kinanta ko noong nanliligaw ako sa kanya. Manliligaw ako ulit...

yun ang akala ko. Nagulat ako ng halikan ako sa labi ni Jema. tumugon ako sa mga halik. Nagpalakpakan ang mga nandun sa Gym kaya napahinto kami. Pareho kaming umiyak sa tuwa.

end of flash back 

....

Ngayon ang araw na hinihintay ko. Ipakilala na ako ni Jema sa pamilya niya. Sa kasal mismo ni Cy. Iwan ko ba pero kinakabahan ako kaya pilit na sinamahan ako ng mga kaibigan ko kahit hindi naman sila kasama sa event.

Talaga bang ikakasal na si Cy sa pinsan ni Jhoana? Ang bilis naman. Sabi ni Bea ng papunta na kami ng Venue.

Buti nga at hindi si Ate Jho ang napakasalan niya. Baka nabaliw ka pa. Tukso naman sa kanya ni Ate Kim kaya napatahimik siya.

Nasa Venue na kami kaya lalo na akong kinabahan. Hinawakan ni jema ang mga kamay ko. Tara na. Sabi niya sa akin at hinila ako.

Ma? Pa? Mafe? Si Deana nga pala. Sabi niya ng nakangiti sa akin. Girlfriend ko.

Kinabahan ako pero lalong hinigpitan ni Jema ang pagkahawak ng kamay ko.

So ikaw pala yung nagpapangiti dito sa dalaga ko. Sabi ng Tatay ni Jema sabay abot ng kamay ko. Nice meeting you. Hindi na nga yata ako magkaka-apo sa mga anak kong babae.

Pa? Saway naman ni Jema sa tatay niya.

Mas importante naman ang ngiti ng mga anak ko kesa sa mga apong hindi na mabubuo. Sabi niya pa at inakbayan si Mafe at Jema.

Naguluhan naman ako pero hindi ko na tinanong.

Mas naunang nagladlad si Mafe kaysa sa akin. Bulong naman ni Jema sa akin.

Ang unfair. Yun lang yun. Sabi naman ni Mafe. Ako na bugbug pero si Ate ganyan lang. Tanggap agad?

Natawa naman ang tatay ni Jema at ginulo ang buhok ni Mafe. Akala ko dalawa ang prinsesa ko. Hindi ko akalain na prinsesa rin pala ang mga hanap nila. Pero mahal ko yung mga anak ko. Kahit ano pa sila. Tanggap ko sila. Kung sino man ang gusto nilang mahalin, mahal ko na rin.

Ay. Ang corny mo pa. Reklamo naman ng nanay ni Jema. Basta alagaan mo yang Jema namin wala tayong magiging problema Deana. Anak ka na rin namin. Sabi niya at niyakap ako. Napangiti na lang kami ni Jema sa isa't-isa.

Ngayon sigurado na ang forever namin ni Jema. Hindi na kami kailanman maghihiwalay.

......



Best Of FriendsWhere stories live. Discover now