47

1.4K 42 2
                                    

Deana's POV

Nagsiuwian na lahat kaya ako na lng natira para mag bantay kay Jema. Binigyan siya ng pampatulog dahil sobrang kirot ang nadarama niya sa paa niya.

Sana nga hindi na fracture yung paa niya. Ang sama kasi talaga ng pag ka dislocate ng boto niya. Ramdam na ramdam ko ang lungkot niya. Naawa naman ako sa kanya kasi alam kong kung gaano niya ka mahal ang volleyball.

Gaya lng yan ng pagmamahal ko sa kanya. Ayaw niya rin yun iwan.

Nakatitig lang ako sa kanya habang natutulog siya. Bakit ba sobra ang ganda mo? Jema is one of a kind. yung tipong ganito, wala siyang ginagawa pero nahuhulog ka lang sa kanya.

Nakatulog din ako sa sobrang pagod at katahimikan ng lugar. Nagising na lng ako ng may nag tap sa ulo ko. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at inangat ang ulo ko.

Gising ka na pala? Ngiti kong bungad kay Jema. Nakatulog pala ako ng nakasubsub ang ulo sa tabi ng kama niya habang naka-upo.

Bakit diyan ka natulog? Doon ka sa sofa. May pag-alala niyang tugon.

Okay lang ako Jem. Sabi ko sa kanya. Nakaramdam ako ng tuwa dahil nag alala siya sa akin.

Wala ka bang training ngayon? Tanong niya.

Kakarating lang namin galing Japan. Sabi ko. Kaya next week pa ulit kami mag tratraining.

Salamat sa pagbabantay. At binigyan niya ako ng ngiti. Ang ngiting na miss ko sa kanya for the past 3 years. Ang ngiting nag pa inlove sa akin.

Tumayo na rin ako paratignan ang injured niyang paa. Kumikirot pa rin ba? Tanong ko sa kanya.

Konti. Pero manageable na. hindi tulad kahapon. Paliwanag niya.

Hindi naman yata tu na fracture. Namaga lang naman siya. Sabi ko sa kanya.

Maya maya pa dumating na rin ang Doctor. Madaming binilin na gamot at maraming tinanong sa kanya. Sinagot niya naman lahat kaya naghintay na kami ng sasabihin ng doctor.

Well, Miss Galanza, there is nothing to worry about. It was a miracle na hindi na fracture paa mo sa nangyaring dislocation. Buti na lang naagapan agad ng Medical team at nabalik ang mga boto mo sa tamang lokasyon. Just rest your foot. don't over work it muna. Konting kirot lang yan dahil sa pamamaga in two to three weeks time magiging okay ka na. Mahabang salaysay ng Doctor. Natuwa naman kami sa narinig namin.

Eh doc? Pwede na ba ako makapagtraining in two weeks time? Tanong ni Jema. Nakikita ko ang pagkasabik sa mga mata niya.

Yes, you may continue the training pag nawala na ang maga ng paa mo but as much as possible dont over work your foot. okay? Paalala ng Doctor niya sa kanya. Tumango lang siya dito na nakangiti.

Nang umalis na ang doctor, nagtitili na si Jema sa sobrang tuwa. Ningitian ko lang din siya.

Halika nga dito. Sabi niya at lumapit ako sa kanya. Lapit pa. Kaya yumuko ako para makalapit sa kanya, at agad niya akong niyakap ng mahigpit. Ang sarap ng mga yakap na iyon. Parang ayaw ko ng bumitaw kaso may kumatok sa pintuan kaya kailangan ng bumitaw.

Pagbukas ko ng pintuan bumungad sa harap ko ang mga magulang ni Jema kasama ang kababata niyang kapatid na si Mafe.

Good Morning ija. Bati sa akin ni Tita at bumeso sa akin. Sakit sa ulo ba tung baby namin. Sabi ng mom niya.

Ma naman eh. Saway niya naman sa mama niya at namumula na.

First time kong makilala ng personal ang mga magulang ni Jema kaya kinakabahan ako. 

O ija, Mag agahan ka na. Sabi ng Dad niya sabay angat ng supot ng mga pagkain sa mga tupperware. 

Kinuha ko naman ang supot at hinahain sa misa para makakain ang lahat. 

Sino ba siya Ate? Tanong ni Mafe kay Jema habang naka upo sa kama niya.

Ayan ang Best friend ko, si Deana. Pakilala ni Jema sa akin. Natuwa naman ako kasi Best friends na kami ulit. Agad naman akong Pinuntahan ni Mafe at niyakap ako kaya napayakap naman ako sa kanya.

Hindi ko inasahan na ganito pala kasaya na maging bahagi ng pamilya ng pinakamamahal mo. That time ramdam na ramdam ko ang pagtanggap nila sa akin.

.....

Jema's POV

Kumain na kami ng Agahan. Nagluto si Mama ng lahat ng paborito ko. Pancit Lomi, Adobong manok at ang paborito kong Dessert ang Mango Float.

Sa ilang taong nagdaan ngayon lang ulit kami naging kumpletong pamilya, Kulang na lang si Kuya Kobe. Pero naintindihan ko naman siya. Parang blessing in disguise naman ang pagka ospital ko kasi parang bumait si Dad.

Hindi na umiinum si Dad 'te. Sumbong sa akin ni Mafe. Binabantayan ko siyang mabuti.

Ay talaga. Ginulo ni Dad ang buhok ni Mafe. Nagbago na ako anak. Sabi ni Dad

Aysus. Hindi pag sang-ayon ni Mom. Nangbabae pa rin yang daddy mo. Sumbong ni Mom sa akin. Napatitig ako kay Dad. Kinabahan ako baka kasi mag away na naman sila dito. Mapapahiya ako kay Deana.

Nilapitan ni Dad ni Mom at inakbayan. Ano ka ba naman. Eh kahit naman marami akong babae, Sa iyo pa rin ako umuuwi. Dahil mahal kita.

Ay iwan. Sabi ni Mom at niyakap na siya ni Dad ng mahigpit.

For the first time hindi sila nag sagutan sa harap ko. Siguro nahiya sila kay Deana.

Kinailangan na rin ni Deana na umuwi pero sabi niya babalik din naman siya agad. Hinatid naman siya ni Dad at ni Mafe sa baba kaya naiwan kami ni Mom sa kwarto.

Ang lagkit naman ng tinginan niyo. Sabi ni mom na kinagulat ko. Nakangiti lang siya sa akin.

Saan ma? Inocente kong tanong.

Hindi lang yun bastang bestfriend lang nuh? Pag iintriga ni Mom sa akin. Napayuko na lang ako. Kahit kailan naman hindi ako makapag sinungaling sa kanya.

I'm your mom Jessica, I know you well enough. Alam ko may kakaiba sa inyong dalawa. Sabi niya pa kaya lalo akong kinabahan.

Lumapit naman siya sa kama ko at naupo sa tabi ko. Sa inyong magkakapatid, sa iyo ako takot. Masyado ka kasing matapang. Ginagawa mo lahat ang gusto mo pero ayaw mong ipaalam sa akin. Gaya na lng ng pagsali mo sa varsity, Hindi ko ito alam hanggang nagpaalam ka na lang na aalis ka na ng bahay.

Napatingin ako sa kanya. Anong pinupunto mo ma?

Bakit ka ba natatakot sabihin sa akin ang gusto mo anak? Sabi niya habang hinahimas himas ang ulo ko. 

Napayuko na lang ako. 

Dahil ba masyado akong mahigpit sa'yo? Tumango naman ako sa kanya bilang tugon. Napangiti naman siya sa akin. Tandaan mo anak. Kahit ano pa ang gawin mo sa buhay mo, ina mo pa rin ako. Tatanggapin pa rin kita ng buong-buo.

Niyakap ako ni Mom at hinalikan sa bulbunan. Napayakap naman ako sa kanya at napaluha. Hindi ko pa alam kung paano aamin sa kanya. Pero nawala ang mga tinik sa dibdib ko dahil alam kong mahal ako ng mga magulang ko....

.....

Best Of Friendsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें