84

1.4K 57 2
                                    

Deana's POV

Pagkatapos akong pag tripan nina Jules at Dani, naiwan na ako kasama si Jema. Wala akong choice kundi sumabay sa kanya pauwi dahil wala akong dala kahit wallet lang.

Naka-upo lang ako sa backseat ng kotse habang nag-uusap naman sina Jema at si Kyla sa front seat habang nag dadrive si Jema papuntang Ateneo. Hindi ko ng binalak alamin kung ano ang pinag-uusapan nila.

Napa-isip na lang ako sa tatlong bata kanina na pinangakuan ko na turuan ng volleyball. Mapapasabak naman ako nito. Hindi ko rin alam kung anong nagtulak sa akin para pumayag sa gusto ng mga batang iyon. Parang cool ng dating ko kanina pero ng maisip ko ulit kinakabahan na ako. Ibig sabihin lang nito magkikita kami ulit ni Jema. Tsk. Ang lakas ng tibok ng puso ko sa tuwing iniisip kong magkakalapit pa rin kaming dalawa.

Dean? Okay ka lang? Nilingon ako ni Kyla. Kanina pa kita tinatawag pero parang tulala ka diyan. Sabi niya pa kaya napabuntong hininga na lang ako. Mapaghahalata na ako nito eh. Dapat cool lang. Parang wala lang. Sabi ko mauna na ako, nandito na tayo sa harap ng bahay ko. Lipat ka dito sa front seat. Utos nito sa akin. Naging magkaibigan din kami ni Kyla dahil kay Jema nung kami pa. Marami kasi talagang kaibigan si Jema. minsan pinagseselosan ko pa siya sa sobrang lapit niya sa Ex girlfriend ko.

Dapat cool lang ako kaya kahit kinakabahan pinilit kong lumabas ng kotse at lumipat sa tabi ni Jema. Pinagbuksan ko si Kyla ng kotse at lumabas na siya kaya ako naman ang pumasok sa loob.

Nagpaalam na si Kyla sa amin kaya tahimik lang kami ni Jema habang tinatahak ang daan patungong Katipunan. Napaka Trapik pa. Tila ang tagal tagal ng oras. Nanginginig na ang laman ko. Parang sumisikip na ang dibdib ko. Grabe ang tibok nito. Napa sandal ako sa upuan at pinikit ko ang mata ko. Relax lang Deans. Huwag kang pahahalata. Sabi ko sa sarili ko.

Dean? Okay ka lang? Napatingin ako sa nagsalita. Napatingin ako sa mga mata ni Jema. Kitang kita ang pag-alala niya. Mas bumilis ang tibok ng puso ko ng Makita ko siyang nakatitig lang sa akin.

O-Okay la-lang a-ako. Utal utal kong sabi. Shit!!!! Nahahalata na ako.

Huwag kang mag-alala hindi kita kakainin ng buhay. Iuuwi lang kita sa inyo. Nakangiting sabi niya sa akin at agad binaling ang sarili sa pag dadrive.

Jem. Tawag pansin ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nag tulak sa akin para tawagin ang pangalan niya.

Yes? Sagot niya sa tugon ko habang naka focus pa rin sa pag dadrive.

Na miss kita. Bigla kong nasabi. Hindi ko na mapagilan ang sarili sa pag sabi ng tatlong salitang nabanggit. Miss ko nga talaga siya.

Tinabi niya at napahinto niya ang sasakyan. Hinarap niya ako. Nagkatitigan kaming dalawa. Nakita kong may namumuong luha sa mga mata niya. Nagulat ako ng bigla niya na akong niyakap. Miss na miss na rin kita Deana.

Napayakap na rin ako ng mahigpit sa kanya. Unti-unti na rin nagsibabaan ang mga luha ko sa mata. Tahimik lang kami habang nagyayakapan sa loob ng kotse. Sinusulit ang konting sandali na binigay sa amin ng tadhana.

......

Jema's POV

Pagkatapos naming mag iyakan ni Deana. Huminahon na rin ako at tinuloy na ang pag dadrive patungong Ateneo. Wala ni isa sa amin ang nagsalita hanggang marating naming ang dorm niya.

Salamat Jem. Tipid niyang sabi sa akin at binigyan ako ng Masarap na ngiti.

Ningitian ko rin siya. Okay lang kung hindi mo ituloy yung pagtuturo ng volleyball sa mga bata. Sabi ko sa kanya ng maalala ko yung pag-uusap naming kasama yung tatlong bata.

Ano ka ba? Minsan nga lang ako nangako eh. Hindi naman ako ganun ka busy next week kaya makakaturo ako Sabi niya. Well ano ba ang bago. Lagi naman napapako ang mga pinangako mo. Parang gusto koi yon isumbat sa kanya kaso ayaw ko nan g gulo kaya nanahimik na lang ako. Hey Jem? Ba't tahimik ka lang diyan?

Wala lang akong masabi. Sabi ko sa kanya.

Siguro iniisip mo na lagi naman napapako ang mga pangako ko noh? Sabi niya sa akin habang nag smirk.

Hindi ako ang nag-isip niyan. Pasinulingan ko.

Napangiti na lang siya. Don't worry Jem. Hindi naman lahat ng pangako ko ay napapako. May mga tinupad din ako.

Ano k aba. ANg dami mong sinabi eh. Halatang guilty ka. Asar ko pa sa kanya.

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Tinitigan niya ako sa mata. I'm sorry Jem. I know I cause you a lot of pain.

Wala nay un. Tapos nay un. Hindi na natin maibabalik pa yun. Direkta kong sabi.

Mahal pa rin kita. Nagulat ako sa sinabi ni Deana. Nanikip ang mga dibdib ko. Parang gusto ko ring sabihin sa kanya na mahal ko rin siya kaso may pumipigil sa akin sabihin yun. Napayuko na lang ako sa kotse. Ang sakit sakit. Kung totoong mahal niya ako, bakit natiis niya ako ng limang buwan. Limang buwan niya ako iniiwasan. Ang sakit sakit sa dibdib.

Dean, I'm sorry but I have to go. Sabi ko habang nakayuko . Ayaw kong Makita niya ang mga namumuong luha sa mga mata ko.

Sige jem. Ingat ka pauwi. Tanging nasabi niya at bumaba nan g sasakyan. Ng narinig kong sinara niya na ang pintuan agad ko ng inistart ang kotse at umalis nan g Ateneo.

Akala ko okay lang ako, pero hindi pa rin pala nawawala ang sakit. Hindi ko alam kung hanggang kalian koi yon makakayang itago kay Deana.

........

Best Of FriendsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora