69

1.5K 54 1
                                    

Deana's POV

Tahimik lang kami sa byahe. Malapit lang naman ang apartment nina Jema kaya nakarating kami agad.

Huminahon na rin si Ate Jho kaya naiwan na kami ni Jema sa sala kasi maghahanda raw siya ng hapunan naming tatlo.

Sorry Dean ha. Sabin i Ate Jho habang nanood kami ng TV sa sala.

Gusto mo bang pag-usapan? Tanong k okay Ate Jho at nilapitan siya.

Umiling lang siya at ngumiti sa akin. Kilala ko na talaga si Ate Jho, Siya kasi yung hindi talaga makwento sa team. Napangiti na lang din ako sa kanya. Alam mong handa akong making kong ready ka ng pag-usapan. Sabi ko sa kanya sabay tap ng likod niya.

I know. Tipid na tugon niya sa sinabi ko. Sorry hindi mo na naman masosolo ngayon si Jema.

Ano k aba naman 'te. Wala yun. Habang buhay na kami ni Jema noh. Kaya madami pa akong pagkakataong masolo siya. Ngiti kong sabi sa kanya.

Wow. Confident ha. Natatawa na rin si Ate Jho.

Syempre noh. Ang tagal na kaya, pero siya lang talaga ang laman nito. Sabi ko pa sabay turo ng kanang dibdib ko.

I wish you all the best. Sabi niya pa. Huwag kayong matulad sa amin ni Bea. Napayuko na rin ito.

Okay lang yan the, Magiging maayos din kayo ni Ate Bea. Sabi ko pa sa kanya.

Napangiti na lang siya at tumutok na sa pinapanood naming sa TV.

Deans! Tawag pansin sa akin ni Jema.

Lumapitnaman ako sa kanya, Ano yun Bi. Sabi ko sa kanya sabay wink. Namiss mo ako noh.

Duh!!!! Sabi niya sabay irap ng mata. Uutusan lang naman kitang bumili ng Ice sa tindahan at maiinum na rin. Sabi niya. Naubusan kasi tayo ng tubig eh. May bilihan dun ng tubig malapit sa Ateneo.

Binigay ni Jema ang Susi ng kotse niya at yung wallet niya. Akon a lang ang bibili. Sabi ko sa kanya. May pera naman ako dito.

Huwag na. Akin. Libre mo na lang ako next time. At binigyan ako ng pinakamatamis na ngiti ni Jema. Nang gigigil talaga ako sa kanya pag ganito siya. Lalo na akong nahuhulog sa kanya. Kinuha ko yung susi at wallet niya, Napahalik ako ng mabilis sa labi niya at tumakbo na palayo.

Ate Jho. May bibilhin lang ako. Sabi ko sa kanya at dumiritso na sa kotse ni Jema.

Habang papuntang tindahan napadaan ako sa Ateneo, Nakita kong nakatayo lang dun ang pamilyar na mukha sa gilid ng gate. Alam kong si Ate Bea yun kaya hininto ko muna ang kotse at tinawag siya. Ate Bei?

Lumapit ito malapit sa akin. Dean? Sabi nito. Nasaan na si Jhoana? Mahinahong sabi nito. Kitang kita ang lungkot sa mga mata niya.

Nandun sa Apartment ni Jema. Sagot ko sa kanya.

Saan ka pupunta? Tanong niya.

Nautusan ako ni Madam Jema. May bibilhin lang sa tindahan.

Dean? Can I talk to you. Sabi niya tumango lang ako at pinagbuksan siya ng pintuan. Naupo naman siya agad sa front seat kaya pina andar ko na ang kotse.

Ano ba ang problema? Tanong ko habang naka focus din sa pag dadrive.

Iiwan na ako ni Jhoana. Sabi niya. Alam kong umiyak siya dahil sa boses niya. Hindi ko na rin alam kong ano pa ang sasabihin ko para gumaan ang loob niya kaya tumahimik na lang ako at naghintay ng mga sasabihin niya pa.

Best Of FriendsKde žijí příběhy. Začni objevovat