PROLOGUE

180K 5.5K 940
                                    


Please read the author's note first before proceeding with the story. You've been warned. Read at your own risk!


P R O L O G U E
━━━━༺❀༻━━━━


I fixed my hair into a bun while looking at my car's rearview mirror before I got off and walked into my favorite coffee shop.

The sun beamed upon my face; my gaze was locked onto the cloudless sky, a shining blue that could allow me to feed off of its beauty and live forever. This day could make everyone live off of its beauty forever.

Kahit tirik ang araw ay hindi masiyadong masakit sa balat kaya naisip kong ayos lang ang suot kong sandong itim dahil alam kong sandali lang ako sa labas.

Napakunot ang aking noo nang may mahagip ang aking mata na isang lalaki na naka-jacket na itim na bumaba rin ng kotse, hindi kalayuan sa aking kotse. Hindi kaya siya naiinitan sa suot niyang 'yan?

Napabuntong-hininga ako bago nagkibit-balikat na lang. I should mind my own business, dapat ay hindi na ako mangielam pa sa buhay ng iba.

Nakangiting pumasok ako sa cafe, pamilyar na ang mga mukha ng mga emplayado sa akin kaya nang makita nila ako ay agad nila akong sinalubong ng isang ngiti.

"One caffè mocha please," sabi ko sa babae sa counter. Ni hindi na ako nag-abala pang tumingin sa itaas kung nasaan makikita ang menu order dahil ito lang naman ang lagi kong ino-order tuwing pupunta ako rito.

Palihim akong suminghap, hmm smell of coffee!

Hawak ko ang aking pouch sa kanan kong kamay habang nasa kabila naman ang aking cellphone. I looked around the cafe while waiting for my coffee. My eyes landed on the last table in the corner because I saw the same man outside. The man with a black jacket.

Nag-iwas tingin na lang ako ng akmang magtataas ito ng tingin sa akin. Sa totoo lang ay hindi ko nakikita ang kaniyang mukha dahil sa suot niyang jacket, nakatabing ang hood nito sa kaniyang mukha pero base sa tangkad at pangangatawan niya ay lalaki siya.

I'm not like this all the time. I'm just curious dahil parang takot ata sa araw at sa tao ang lalake. Hindi naman din siya umo-order, baka naman may hinihintay? Ugh. I really hate being curious all the time. Ito ang pinaka ayaw ko sa ugali ko, iyong gusto kong alamin lahat kaya ako napapahamak.

Napabuntonghininga na lang ako nang dumating na ang aking order. Mabilis ko 'yong binayaran bago lumabas.

Habang naglalakad ay kinagat ko ang aking ibabang labi dahil parang may nakamasid sa akin, o baka naman dahil 'to sa napanuod ko noon nakaraan na movie.

Tumingin ako sa pinanggalingan ko at dahil glass wall ay kita ko ang loob nito. Wala naman nakatingin sa akin mula sa loob at wala na rin doon ang lalaking naka-jacket.

Nagkibit-balikat na lang ako.

Lauren you're acting paranoid.

Napailing na lang ako sa naisip bago bumaling ulit sa aking harap, gano'n na lang ang gulat ko nang makitang nakatayo na ang lalaking naka-jacket sa mismong harapan ko.

"Holy shit!" I exclaimed.

Mabilis kong nasapo ang aking dibdib sa gulat dahilan para mahulog ang hawak kong pouch at cellphone. Mabuti't hindi ko nabitawan ang kape ko, napangiwi pa ako dahil doon.

I saw him tilted his head.

I couldn't see his face because he was still wearing a hood and a black mask. What the fuck? Bakit ba bigla itong sumusulpot?

Bubugahan ko na sana siya ng apoy pero bigla siyang yumuko dahilan para mapa-atras ako. Pinanood ko siyang kunin ang aking wallet at phone, bahagya pang napa-awang ang labi ko nang makita ang mahahabang daliri at maputi niyang kamay.

Nang mag-angat siya ng tingin ay sa kamay niya pa rin ako nakatitig.

"S-Salamat," naiilang na wika ko dahil hindi ko nga alam kung dapat ba akong magpasalamat kung siya naman ang may dahilan nito.

Doon pa lang nagtaas ng tingin sa kaniyang mukha, nagtama ang aming mata.

I gasped when I saw his deadly brown eyes. They we're almond shaped. He had a bristly eyebrows and a long formed eyelashes. Mas mahaba pa ata ang sa kaniya kaysa sa akin. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatitig sa kaniyang mata niya na tangi kong nakikita dahil sa kaniyang suot.

Nagising lamang ang aking diwa nang kunin niya ang aking pulsuhan at siya na mismo ang naglagay sa aking palad ng wallet at phone ko bago siya namulsa siya. Halos tingalain ko siya dahil hanggang dibdib niya lang ako. Maybe he masturbate everyday sabi sa nabasa ko nakakatulong iyon sa pagtangkad. I don't know if that's true.

"Close your mouth," he commanded me with a low dangerous baritone voice.

His voice was cold but it was normally mellifluous. Ginawa ko ang sinabi niya, isinara ko ang bibig kong kanina pa pala naka-awang.

Tumikhim ako para takpan ang pagkapahiya. Tangina mo Lauren hayok ka ba sa lalake umayos ka! I'm not like this. You're not like this, okay? Behave.

Tumango lamang siya kaya nilagpasan ko na siya kahit pa parang nanlalata ang aking tuhod. I should run away from him iba ang epekto niya sa 'kin.

Hindi nakalagpas sa pang-amoy ko ang natural na amoy niya nang daanan ko siya. A manly scent swirled around him.

Nakaka-ilang hakbang pa lang ako ng magsalita siya ulit.

"Stop wearing that damn piece of fabric." Nalukot ang aking mukha sa sinabi niya.

Humarap ako para tanungin kung anong pakialam niya pero nakita ko siyang naglakad na palayo, mga sampong hakbang pa lang ang layo niya sa akin ay huminto siya animong may nakalimutan sabihin.

He didn't look back, but I heard what he mumbled. "But it suits you... you look great... as always."

Mabilis siyang sumakay sa kaniyang kotse at pinaandar iyon paalis, napatitig na lang ako sa papalayo niyang sasakyan.

"Weird guy," bulong ko bago sumakay sa aking kotse. I hope I won't see that guy again, I don't like his presence.


__________
SaviorKitty

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon