Chapter 25

67.9K 3.1K 747
                                    


C H A P T E R 2 5
━━━━༺❀༻━━━━

Nagising ako nang may naramdaman akong masuyong humahaplos sa aking pisngi. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at kaagad naman nagtama ang mata namin ni Charles.

Masuyo niya akong ngitian. Kinusot ko ang kaliwa kong mata bago napahika, bahagya rin akong umupo sa kama.

"What time is it?" I asked him.

"Dinner time, I didn't wake you up because you looked so tired. I cooked sinigang," masuyong usal niya.

Napatitig ako kay Charles. Bakit wala akong maramdaman? Dapat maging masaya ako kasi magkasama kami ng lalaking mahal ko pero habang tumatagal na kasama ko si Charles parang lalong hindi ako makahiya.

I'm not comfortable.

"Iinitin ko muna ulit saka maghahain na ako, sunod ka."

Ngumiti ako at tumango, sinundan ko siya ng tingin hanggang makalabas sa kwarto.

Isang linggo na kami ni Charles sa Pangasinan. Sa resthouse ng pamilya niya, iniwan namin parehas ang trabaho namin. Simula no'n ay hindi ko pa ino-open ang phone ko, simula nang makatanggap ako ng tawag mula kay Baron.

I was shocked and scared.

I don't know how they switched again. Is he okay? I know he's stress, I hope he's doing fine now.

Inabot ko ang phone ko sa lamesa bago iyon buksan. Maybe my Dad called me, paniguradong nakaabot na sa kaniya itong ginawa ko. Gusto ko lang naman pagbigyan ang sarili ko.

Gusto kong malaman kung anong mararamdaman ko kapag sinunod ko ang nasa isip ko at hindi ang nasa puso ko.

Sunod-sunod dumating ang mga text pero hindi ko iyon binuksan, kaagad kong tinawagan si Lily.

Wala pang tatlong ring ay sumagot na siya.

"Hello? Lauren? Oh my God? Magkano kailangan ransom money ng kidnaper? Sinaktan ka ba? Nasaan ka? Anong ginawa nila sa'yo? Buo ka pa--" histerikal na wika niya na sunod-sunod na tanong kaya pinutol ko iyon.

"I'm fine Lily. Kasama ko si Charles. We're okay."

Narinig kong napamura siya bago tumahimik sa kabilang linya.

"Akala ko napano ka na, gaga ka isang linggo kang walang paramdam tapos si Charles naman hindi ko rin nakikita. Bwiset ka nagpost pa ako sa facebook ng long message para sa'yo," nagtatampong sumbat niya sa akin kaya napangiwi ako.

"Sorry hindi ako nakapagpaalam, may nagtanan bang nagpaalam?" biro ko bago humalakhak.

"Oh God!" Ang oa talaga nito mag-react. Naiimagine ko na napatalon pa siya.

"Nasaan kayo? Jusko, hindi ko kinakaya..." natahimik siya sandali. "Paano kapag nakarating iyan sa daddy mo? Paano 'yong fiance mo?" nag-aalalang aniya.

Mapapikit ako, bukas na ang engagement announcement namin ni Zayn.

"Hindi ko na alam Lily, anong gagawin ko? Tama ba ang ginawa kong pagsama kay Charles?" medyo hinanaan ko ang aking boses, baka marinig ni Charles.

"Gaga, pakiramdaman mo ang sarili mo. Kung masaya ka naman dyan—"

"Masaya akong kasama si Charles."

"Iba ang masaya sa nagsasaya-sayahan lang." Hindi ako nakasagot kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Kung nandyan ka nga pero 'yong isip mo lumilipad papunta rito abay mag-impake ka na. Kung masaya ka naman at hindi ka nakakaramdam ng panghihinayang sa ginawa mo edi go lang magstay kayo dyan at pagpakarami, baka naman kapag umuwi ka ritong malaki na ang tyan mo ay hindi ka na pilitin ng Saddy mo sa kabaliwan niya," biro niya pero hindi ako natawa.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon