Chapter 15

75.1K 2.9K 502
                                    


C H A P T E R 1 5
━━━━༺❀༻━━━━

            Napakurap-kurap ako dahil sa sobrang kaba. I could feel sweat beading on my forehead. I looked at Charles eyebrows. Salubong ang mga ito habang nakatingin sa aking likod animong iniisip pa niya kung anong nangyayari.

Punyeta!

Tumikhim ako bago naglakad papalapit sa kanya at huminto sa harapan niya.

"Galing ako sa labas tapos pumasok ako akala ko nasa kusina ka e, baka nagkasalisi tayo." Napalunok ako dahil nakatingin sa mata ko si Charles. It's like he's trying to understand what I just said.

I don't want to lie, but I can't tell him the truth. Mas gusto ko ng magsinungaling kaysa masaktan si Charles ngayon. Sasabihin ko naman pero hindi ngayon.

Bumuntonghininga siya bago tumango at ngumiti kaya bahagyang naalis ang bigat sa dibdib ko. Hindi na siya nagtanong basta inakbayan niya ako bago humarap kay Zayn na nakahalukipkip.

"What happened, Giov?" tanong niya sa lalaking tinuturing niyang kaibigan.

Napangiwi si Zayn. "I think I need to go, thanks for the peanut," malamig ang boses niya wala na iyong mapaglarong tono kanina.

Dire-deretsyong naglakad si Zayn sa pintuan at walang lingon-lingon na isinara ito. Ilang segundo kaming binalot ng katahimikan ni Charles.

"Baka masama talaga lagay ng tiyan niya." Narinig kong bulong niya.

Sa buong relasyon namin ni Charles ay ngayon pa lang ata ako naglihim sa kanya ng malaki. Ang hindi pagsabi na ang lalaking gustong ipakasal sa akin ay ang tinuturing niyang kaibigan. It's a big lie that I can't tell him right now. Not now.

Hindi ko nga alam kung anong itatawag ko sa relasyon namin ni Charles.

"Are you hungry? Gusto mong maligo muna? Dito ka ba matutulog? Maligo ka na muna habang nagluluto ako," malumay na ani Charles.

Parang may kumukurot sa puso ko. Bakit hindi ko kayang maging masaya na kasama siya? Kapag iniisip ko ang gustong mangyari ni Dad, nasasaktan ako para kay Charles.

"Anong lulutuin mo?" pinasaya ko ang tono ng aking boses.

Tumingin siya sa itaas animong nag-iisip. "Hmm, what about nilagang baboy?"

Tumango ako habang may ngiti sa labi. "Sure!" I said with fake enthusiasm.

Napakurap-kurap ako nang halikan ako sa sentido ni Charles bago nagpakawala ng malalim na hininga.

"I love you so much, Lauren," bulong niya sa noo ko bago dampian ulit iyon ng halik.

Kumibot ang aking labi dahil sa sinabi niya, nanuyo ang lalamunan ko.

"You know, I love you too."

Lumayo siya sa akin bago dinungaw ang mukha ko, tipid siyang ngumiti. "I hope so," bulong niya.

Sasagot pa sana ako ng tumunog ang aking phone. Tumingin ako kay Charles na hinihintay naman ang gagawin ko, hindi ako lumayo sa kanya bago ko kunin ang phone ko.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon