Chapter 36

65.5K 2.8K 461
                                    

C H A P T E R 3 6
━━━━༺❀༻━━━━

Parang tumigil ang aking buong paligid at tanging paghinga ko nang malalim na lamang ang aking naririnig. Nangilid ang luha ko habang nakatingin kay Charles na blanko lang ang mukha.

Nang tuluyan tumulo ang aking luha ay natawa ako nang walang buhay.

I feel like choking. It hurts. I felt nothing and betrayed. The reality was too shocking. My head become heavy and my eyes are blurred.

Kakatapos pa lang ng isang problema tapos ito na naman. Hindi ko alam kung bakit napunta sa ganitong sitwasyon.

"W-What's the meaning of t-this?" I inhaled only a shallow breath and then struggled for another.

Pakiramdam ko ay pinagkaisahan ako ng lahat ng taong nakapaligid sa akin. Si Zayn, my fiancé used me. Baron, he planned all of this because of me. Mat, he knew about this and yet he remained silent. Charles, the first man that I trusted, he betrayed me. What about Uno? How about my Dad? May alam din ba sila? 'Yong babaeng lumalapit sa akin, kasali ba siya sa laro na ito? At ako, ako ang taya sa larong ito.

This is all their games.

Tinabig ko ang kamay ni Baron na naka-akbay sa akin bago nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.

Hindi na ako nag-abalang punasan pa ang luha ko.

"C-Charles? Anong ibig sabihin nito?" tanong ko sa kanya.

Bumuntonghininga siya bago ilagay ang dalawang kamay sa kaniyang bulsa.

"Quvenzhane Coster is my older brother. My biological mother's son," wika ni Charles.

Mariin akong pumikit, gusto kong magmura! Tangina!

Nanginginig ang kamay ko, puot para kay Baron at pagka-dismaya kay Charles.

"Kailan mo pa alam?"

"Before your engagement party. Zayn—I mean Baron told me everything, about Giov and other alters." Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niya.

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Matagal na niyang alam, napaupo ako sa gilid ng kama dahil sa sobrang panghihina ng tuhod.

"K-Kaya mo ba ako binigay kay Zayn, kaya ka ba nagpaubaya dahil kapatid mo siya?" wala sa sariling tanong ko kay Charles.

Sumipol naman si Baron.

Umiling si Charles. "F-For Baron..."

"He's a good brother, isn't he?" tanong ni Baron hindi ko siya nilingon.

Naikuyom ko ang aking palad.

"P-Pero hindi iyan ang kapatid mo Charles! Baron is manipulating you!" sigaw ko.

Hindi man lang nagbago ang mukha ni Charles. Bakit ba ganyan siya? Anong nangyari?!

"No! I want this! Hindi niya ako pinilit! Ayaw na kitang mapunta kay Zayn! He didn't deserve you!" sigaw ni Charles.

Kaagad naman sinenyasan ni Baron ni Charles na tumahimik, nilagay pa ng mokong ang hintuturo sa kanyang labi.

"Shh... Brother. Don't raise your voice at my woman. Geez, I don't like it." parang batang pangaral nito kay Charles.

Kaagad nagbaba ng tingin si Charles.

"Sorry Kuya."

Lumapit si Baron kay Charles at tinapik ang balikat nito. "It's okay, sige na pwede ka ng umalis. Dinala mo ba lahat ng binilin ko?"

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon