Chapter 31

66.1K 2.8K 744
                                    


C H A P T E R 3 1
━━━━༺❀༻━━━━


"Anak..."

Anak?!

Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa Ginang na nasa aking harapan. Hawak siya ng dalawang guwardya sa magkabilang braso habang ang isa ay nakaharang sa harap niya upang hindi makalapit sa akin.

Wala akong naramdaman sa sinabi niya, ni hindi ako kinabahan o man lang o ano.

"A-Ahm... Anak?" kunot-noong tanong ko.

Nagulat pa ako nang biglang humagulgol ang Ginang, isinara ko ang pintuan dahil baka magising si Zayn. Pilit niya akong inaabot, hindi ko alam ang mararamdaman ko habang nakatingin sa kaniya.

Sino ba 'to? Baka nagkakamali siya ng bahay na pinuntahan?

"Ako 'to anak! A-Ang i-ina mo! Anak Lauren, si Mommy 'to!" wika niya habang umiiyak.

Natigilan ako sa sinabi niya at sandali pang napapatitig. Mommy ko? Kinabahan ako sa sinabi niya pero hindi ako kumibo, hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko, umiyak ba ako? Yakapin siya? Sabihin miss na miss ko siya? Na saan siya galing? Na bakit ngayon lang siya nagpakita dahil buong akala ko patay na siya.

Nakatitig lang ako sa kaniya.

May parte sa akin na gustong maniwala dahil sa mangungulila ko sa ina, na kahit sinong magpakilala sa akin ay tatanggapin ko pero may isang parte rin sa akin na hindi naniniwala.

Kung totoo ang sinasabi niya, bakit ngayon lang?

"Kuya bitawan niyo po siya," utos ko na kaagad naman sinunod ng mga bantay.

Nang wala ng humaharang sa kaniya ay mahigpit niya akong niyakap habang humahagulgol na siya nang malakas.

"Baka po nagkakamali kayo, matagal na po kasing patay ang ina ko," malumay na sabi ko.

Bahagya ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat upang tingnan ang mukha niya. Bata pa ako nang mapunta ako kay Daddy kaya hindi ko na maalala kung anong itsura ng aking ina. Bakit hindi ko maramdaman ang lukso ng dugo? May gano'n ba? O sadyang itinatak ko lang sa isip ko na patay na ang ina ko kaya kahit may lumuhod pa sa harap ko ngayon at magpakilalang ina ko ay balewala sa akin.

Napalunok ako nang yapusin ng Ginang ang aking kanang pisngi. Kita ko ang pangungulila sa kanyang mga mata.

"Sasabihin ko sa'yo lahat anak," mahinang wika niya.

Sasagot pa sana ako ng may maghiwalay sa amin.

Gulat akong napatingin kay Mat. Blanko ang kaniyang mukha, bago ako ilagay sa likuran niya at harangan sa ginang. "Who are you?" tanong niya rito.

Nakita kong nagbaba ng tingin ang Ginang kaya inulit ni Mat ang kaniyang tanong. "Who are you?"

Gano'n na lang ako kilabutan nang dahan-dahan nag-angat ng tingin kay Mat ng babae. "Nandito ka pala."

Nagpalit-palit ang tangin ko sa kanila. Magkakilala ba sila?

"Mat..." tawag ko rito.

"Pumasok na po kayo sa loob Miss Trios, ako na pong bahala. Baka magising si Master at wala ka, hindi natin alam ang mangyayari."

"Pero--"

Hinawakan ako ni Mat sa braso bago buksan ang pinto, bahagya pa akong napatitig sa kanila bago tuluyan pumasok. Hindi ako kaagad umalis sa pinto kaya rinig na rinig ko ang boses nila.

"Don't come back here," madiin wika ni Mat.

"Bakit ba ganyan ka?! Kakausapin ko lang si Lauren! Wala kang karapatan pagbawalan ako rito! Sino ka ba sa tingin mo ha?!" boses iyon ng babae.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon