Chapter 32

64.8K 2.8K 653
                                    


C H A P T E R 32
━━━━༺❀༻━━━━

"I love you too, Zayn."

Pinalo ko siya sa balikat dahil sa sobrang gulat niya sa sinabi ko ay nabitawan niya ako at muntik na ako mahulog sa teresa.

"Jusko! Zayn muntik na ako mahulog!" histerikal na wika ko bago bumaba doon. Bahagya pa akong napa-hawak sa tapat ng puso ko sa sobrang kaba. Hindi na ulit ako mauupo do'n. Kapag talaga nahulog ako baka paglagpak ko sa ibaba mukha na akong butiki na pipit.

"W-What did you say, b-baby? Tell me before I freak out here." Hinawakan pa niya ang balikat ko upang humarap sa kaniya.

Ngumuso ako.

"I love you," ulit ko.

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Zayn nang napaka higit, 'yong tipong lumuwa ang mata ko sa higpit.

"I love you too! I love you Lauren! Hahaha. Darn." Natatawang wika niya niya napangiti na rin ako bago gantihan ang kaniyang yakap.

Hindi ko alam na ganito pala siya kiligin.

Nang maghiwalay kami sa pagkakayap ay ngiting-ngiti siya habang kumikinang pa ang mata na nakatitig sa akin.

"You didn't know how much I want to hear that, ilang beses kong inimagine na sasabihin mo iyan pero hindi ko alam na ganito mo ako mapapasaya," wika niya bago ako halikan sa noo. "I love you so much, thank you for being my fiancé, for accepting me, for taking care of me," masuyong sabi niya.

Parang may kumurot sa puso ko, simpleng bagay pero sobra ang epekto sa kanya.

Nasa gano'n kaming posisyon ng may biglang kumatok.

"Master!"

"I love you baby," hindi niya pinansin si Mat. Hahalikan pa dapat niya ulit ako sa noo ng mas lumakas ang katok.

"Master!!"

"Fuck!" malutong na mura ni Zayn bago samaan ng tingin ang nakasarang pinto. "If he's not loyal to me I will strangle his neck."

Loyal...

Natawa ako sa sinabi niya bago lumayo. Pumunta ako sa gilid ng kama at naupo ro'n habang si Zayn naman ay binuksan ang pinto habang salubong ang kilay.

He's pissed.

Padaskol niyang binuksan ang pinto, "What?!" singhal niya.

Bahagya kong sinilip si Mat na tumingin muna sa akin bago sumagot kay Zayn.

"You have a schedule today master, lunch meeting at BGC. You need to be present there."

Narinig kong malakas na buntonghininga ni Zayn.

"Hindi ba pwedeng isa na lang sa mga nasa kompaniya ang papuntahin doon? O kaya naman ikaw na lang," inis na wika ni Zayn.

"Hindi po pwede Master. Kailangan kayo roon, hindi pwede ng representative lang. Kung hindi kayo pupunta ay baka kunin din 'yon paraan ng ama mo para kunin ang kompaniya mo," mahabang paliwanag ni Mat.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon