Chapter 4

108K 4.5K 1.3K
                                    


C H A P T E R 4
━━━━༺❀༻━━━━

Pinasadahan ko ng tingin ang aking repleksyon sa salamin bago ko suklayin ang aking bahagyang kulot na buhok gamit ang aking kamay.

Ngayong araw ay ang araw na makikilala ko ang lalaking gustong ipakasal sa akin ni Daddy kaya naman naka-ayos ako dahil sa kagustuhan ng aking Daddy. Kahit ayokong pumunta at gusto kong tumakbo at magtago ay hindi ko magawa. I can't run away right now, for sure if I do that I might not be considered as his daughter anymore. I struggled a lot just to gain Daddy's trust I don't want to lose that by the wrong decision.

I just shook my head before looking at my neck, I can clearly see the red mark made by Charles.

Hindi ko na dapat iniisip iyon sa ngayon dapat ay umalis na ako para matapos na itong gabing ito.

Tama, I don't need to entertain him. Siguro ay kakain ako nang madami para ma-turn off siya o kaya naman ay tapunan ko siya ng alak sa damit.

Napabuntong hininga ako bago lumabas sa banyo sa isang kilalang restaurant. Sampong minuto na kami rito ni Daddy kasama ang kapatid niya at asawa nito na kasorsyo niya sa negosyo.

Pakiramdam ko ay ang liit-liit ko nang marinig ko ang mga pag-uusap nila tungkol sa business nila. Nakakapanliit dahil alam kong wala akong alam sa bagay na iyon.

Nandito lang ako kumbaga ay parang pain sa malaking isda na bibingwitin nila.

Pagbalik ko sa aming lamesa ay wala pang ibang tao. Tahimik akong umupo sa isang gilid, mukhang balewala naman sa kanila ang pag-alis ko kanina. Mukha ngang wala naman nakapansin na umalis ako.

Tahimik na pinaglalaruan ko ang isang slice ng cake sa platito nang marinig ko ang langitngit ng upuan ni Daddy nang bigla siyang tumayo.

"Mr. Coster," masayang pahayag ni Daddy, tapos ay tumayo rin sina Tito at Tita para salubungin ang bagong dating.

Napatigil ako paglalaro sa pagtusok sa cake at nanigas ako sa kinakaupuan ko lalo ng marinig ko ang boses ng binati ni Daddy.

"Mr. Trios," ani ng isang baritong boses.

Nagsi-tayuan ang aking balahibo habang napatulala sa itaas ng lamesa,  ni hindi ko magawang lingunin ang bagong dating.

Mula sa gilid ng aking mata ay nakita kong pumunta si Daddy sa likod ko at nang bumalik sila sa upuan ay napatuwid na ako ng upo.

"Have a seat," ani Dad at iminuwestra pa ang kamay sa upuan sa aking tabi.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa ni Daddy, bakit dito? Doon na lang sa kabila!

Gano'n na lang ang pagtaas ng kaba sa buo kong katawan nang tuluyan kong makita ang isang bulto sa gilid ng aking mata, hindi ko pa man nakikita nang buo ay alam kong matikas ang pangangatawan nito dahil halos matabingan ang buo kong gilid.

Unti-unti kong itinaas ang aking tingin sa bagong dating, nais ko sana siyang salubungin ng masungit na mukha pero natigilan ako nang magtama ang aming mata.

I dropped my jaw when I saw his greek god face. His perfect chiseled jawline, his thick eyebrows were shaped into a deceivingly perfect arch that followed his deep dark green eyes.

Nahigit ko ang aking hininga nang dahan-dahan bumaba ang tingin niya sa kabuuan ng aking mukha.

Umupo siya sa aking tabi. Nakatupi hanggang siko ang kaniyang suot na dark blue na longsleeve kaya kitang-kita ko ang tattoo niya sa magkabilang braso.

Naging malalim ang aking paghinga habang nakatingin sa blanko nitong mukha habang taimtim ang mata nito na nakatingin din sa akin.

He looked at me intently like he's studying every corner of my face.

Nakapaghilamos naman ako, siguradong wala akong muta. Baka naman may kulangot ako? Ay teka, bakit ko ba iniisip ito? Hindi ako dapat nagpaapekto rito.

"Nice breast."

Napakurap-kurap ako at hindi makapaniwalang napatingin sa lalaking may berdeng mata, hindi na siya nakatingin sa akin kung hindi sa lamesa.

Tama ba ang narinig ko? Ako ba? Is it my boobs? What the fuck?

Napatingin ako kay Daddy na parang naging maamong tupa sa harap ng lalaki na ito walang bumasag ng katahimikan hanggang magsalita ang isang lalaki na kasama ng lalaking may berdeng mata.

"Mr. Coster, you only have thirty minutes. You still have a meeting in Taiwan at ten pm and tomorrow in Korea," mahinang wika nito sa lalaking katabi ko kaya napamaang ako.

Wow. Just wow! Ginawang Bulacan to Pampanga lang ang Taiwan at Korea?

Tumukhim si Daddy tapos ay bumaling sa lalaking katabi ko na hindi ko na alam kung bakit hindi ko maalis ang tingin sa kaniya, tila ba kakilala ko siya. Nakita ko na ba siya?

"This is my daughter. Lauren Trios," pagpapakilala ng ama ko sa akin.

Kung nasa ibang pagkakataon kami ay matutuwa akong tinawag ako niya akong 'daughter' pero sa ngayon parang kinakapos ako ng hininga lalo na nang naamoy ko ang bagong katabi ko.

Pamilyar ang amoy niya, suminghap ako.

"Lauren Trios," ulit ng lalake sa pangalan ko. Ang uri ng pagbigkas niya ay parang musika sa akin. Shit ano bang iniisip ko? Musika, really Lauren? You don't like music from now on.

Nahigit ko ang aking hininga ng bumaling ang lalake sa akin nahuli niya akong nakatingin pa rin sa kaniya.

"I'll gladly change your name from Miss Lauren Trios to Mrs. Lauren Coster."

Napa-awang ang aking labi dahil sa sinabi niya. My name sounds so good to his lips.

Hindi ako makapagsalita kaya nag-iwas na lang ako ng tingin hanggang naglahad ng kamay ang lalake sa aking tabi. Bakit ako nakakaramdam ng ganito sa kaniya? Ano bang nangyayari sa akin? Naiilang ba ako? O baka sa sobrang inis ko sa kaniya ay ganito.

Napatitig ako sa nakalahad niyang kamay. Kahit ayaw kong tanggapin dahil pakiramdam ko ay mapapaso ako sa kamay niya ay kailangan kong gawin dahil nakatingin sila sa amin.

"I'm Quvenzhane Coster. Nice to see you, fiancé," aniya sa kakaibang accent.

Napatitig ako sa kaniya at sa maputi niyang kamay. Quvenzhane Coster ulit ko sa pangalan niya sa isip ko.

"Lauren!" Nagising ako sa pag-iisip ko nang tinawag ako ni Daddy.

Nanginginig ang kamay na tinanggap ko iyon.

"L-Lauren," usal ko.

The corners of his lips turned up. I immediately let go of his hand, especially when I feel that he slightly squeezed my hand.

Akala ko ay iaalis niya ang tingin sa akin pero gano'n na lang ang kabog ng puso ko nang bumaba ang mukha niya papunta sa akin.

Napakurap-kurap ako ng ilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tainga, ramdam na ramdan ko ang init ng kaniyang hininga.

"I really want to kill someone right now. Yah know, It's not appropriate to show your red scars on your neck to your future husband especially if he's not the fucking one who damn marked you," madiin usal niya dahilan para kumabog ang aking puso sa sobrang kaba. Shit nakita niya ang leeg ko!

Mas nahigit ko ang aking hininga ng maramdaman kong bahagya niyang kinagat ang aking tainga sa harap mismo ng aking ama. Oh gosh!

"I'm mad really, really mad and I'm sure you don't wanna see my beast inside. Be a good girl Lauren, be a good fiancé," he warned me.

Akala ko ay lalayo na siya pero nagkamali ako lalo nang bumulong ulit siya na dahilan kung bakit nabitawan ko ang hawak kong tinidor.

"By the way, you smell good. Fucking sweet, baby."


_

_______
SaviorKitty

PRONUNCIATION:
Quvenzhane : Kuh-ven-Zeyn

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon