Hidden Chapter

103K 4.4K 1K
                                    


Hidden Chapter

"Hindi ko ba pwedeng bisitahin si Zayn? Kahit isang beses lang," halos magmaka-awa na ako sa harap nila Charles, Mat at Uno.

Napailing si Uno sinabi ko. Narinig ko naman ang malakas na buntong-hininga ni Charles. I need to see my fiancé baka hanggang ngayon sinisisi pa rin niya ang sarili niya dahil sa nangyari sa amin ilang buwan na ang nakaraan. I want to talk to him pero ayaw nila akong payagan.

"Hindi pwede, hindi pa stable si Zayn ngayon. Paano kung makita niya saka iyang tiyan mo," nguso ni Uno sa tiyan kong malaki na. "Tingin mo ba hindi iyon tatakas kapag nalaman buntis ka? Mas mahirap na 'yon pigilan." Umiiling-iling pa siya.

Nanlata ako sa sinabi niya at napahawak sa tiyan ko.

Gustong-gusto ko na siyang makita pero bawal.

Hinimas ni Charles ang likod ko, hindi ko alam na naluha na ako. Mabilis ko iyon pinunasan. "He needs me," bulong ko.

"Are you not mad at him after all? Muntik ng mawala ang anak niyo dahil sa kaniya, sinaktan ka niya. Mahal mo pa rin siya?" takang tanong naman ni Mat.

Tipid akong ngumiti.

"The more the dangerous he is, the more he needs me. Paano kung iwan ko rin siya? Edi mas lalala siya. Minahal ko si Zayn kung ano siya, hindi niya sinasadya 'yong nagawa niya at kung mangyari ulit 'yon kapag dumating ang panahon. Tatanggapin ko siya ng buong-buo," para akong sinasakal sa sinasabi ko.

Napabuntong-hininga si Charles. "Alright, we will let you see him." Nanlaki ang mata ko.

"But you can't go near him, hindi pa pwede sa ngayon," iling ni Uno.

Mabilis akong tumango, ayos na sa akin iyon. Okay na ako doon.



***

"How is she Uno?" narinig kong tanong ni Zayn kay Uno habang magkaharap sa lamesa.

Napahawak ako sa pader, hindi niya kami nakikita pero nakikita namin sila. Parang magpumiga ng puso ko dahil laging ganito, bawal namin pa siyang makita pero lagi kaming bumibisita.

Naramdaman ko ang kamay ni Charles sa braso ko upang alalayan ako.

"I miss my brother, hindi man lang kami gano'n nagkakilala," bulong ni Charles.

Bahagya ko siyang sinulyapan. Kita ko ang lungkot sa kaniyang mata. Tuwing bibisita kami ay nandito lang kami, kung pwede ko lang takbuhin ang pagitan namin ay ginawa ko na.

"D-Don't cry baby," bulong ko ng makitang pinunasan ni Zayn ang mata niya at tumingala habang kausap si Uno.

Pahikbi rin ako.

Bumaba ang tingin ko sa Limang buwan na anak namin na karga-karga ko.

"That's your father baby, he's a good man," bulong ko.

Hinalikan ko ang noo niya, ang himbing ng tulog niya at kamukang-kamuka niya niya si Zayn.

I promise baby, I will wait for you.


***

Humugot ako ng malalim na hininga bago ako lumabas ng pinto ng bahay. Inihanda ko ang ngiti sa aking mukha. Ngayon ay nasa labas ng bahay ko si Zayn, iyon ang sabi ni Mat. Kaya kailangan kong magpanggap na ayos lang ako.

Sinalubong ako ni Lincoln. Isa sa mga naging kaibigan ko at kasorsyo ko sa cafe. Isa siyang bakla, iyon ang sabi niya pero ngayon ay pormang-pormang lalaki siya pati ang lakad niya dahil kinausap namin siya nila Charles.

Nakaplano ang lahat.

Kinagat ko ang ibabang labi ko habang nasa sasakyan kami, tumingon ako sa likod at nandoon ng kotse kung saan nakasakay si Zayn.

"Gosh, baka mapatay ang ng bebe mo," ani Lincoln habang nagdadrive.

Natawa ako sa kaniya. Gwapo siya sa totoo lang, para siyang isang modelo.

"Basta umarte ka lang, kailangan ko 'tong gawin para sa kaniya rin naman."

Nang makababa kami ay pinagbuksan pa ako ni Lincoln. Bumulong siya sa akin. "Nararamdam ko 'yong titig niya sa akin kahit malayo," bulong niya habang papasok kami sa cafe.

Natawa ako sa kaniya habang pinipigilan kong lumingon sa gawi nila Zayn. I need to push him. Kailangan niya munang unahin ang sarili niya, kailangan wala ako. Para masabing gumaling siya dahil sa sarili niya.

Bago umupo ay pasimple ko siyang nilingon sa kotse. Bahagyang nakabukas ang bintana.

"I love you baby," bulong ko.

***

"Quvenzhane, do you take Lauren to be your lawfully wedded wife?"

I looked at Zayn. Mahigpit ang hawak niya sa aking kamay habang nasa harap kami ng altar. Pakiramdam ko ba ay ano man oras ay matutumba na siya sa sobrang saya. Nakikita kong bahagya rin namumula ang kaniyang mata habang nakatitig sa akin.

He gasped and nodded.

"I do."

Nanginig ang ibabang labi ko, sa dami ng pinagdaanan namin, sa tagal niyang nawalay sa akin hindi ko alam na aabot pa kami sa ganito.

"Lauren, do you to take Quvenzhane to be your lawfully wedded husband?"

Tumulo ang luha ko hinigpit ang hawak sa kamay ni Zayn.

"I do."

I was shocked when Zayn instantly fell to knees and began crying into my hands. Napaawang ang aking labi habang nakatingin kay Zayn na napaluhod sa harap ko. Dahan-dahan akong lumuhod upang pantayan siya.

I lifted his head. Tears had already streamed down to his face.

Mahigpit ko siyang niyakap.

"I-I can't believe baby," nanghihinang aniya.

Narinig ko rin ng iyak sa paligid namin. Sinapo niya ang aking mukha.

He didn't wait for the permission from the Priest. He kissed me passionately. Napangiti ako at ginantihan ang halik niya kasabay ng palakpakan sa buong paligid.

***


"THANK YOU FOR READING ENGAGED TO A PSYCHOPATH"

Current Title: "The Beast He Became"

- SaviorKitty

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon