Chapter 10

87.7K 3.6K 706
                                    

C H A P T E R 10
━━━━༺❀༻━━━━

Mabilis kong pinatay ang tawag nang masabi sa akin ni Butler Mat kung saan ko siya pupuntahan. Pasakay na sana ako sa kotse ng may humawak sa aking pulsuhan kaya napatigil ako.

"Sweety, where are you going? Aalis ka na?" hinihingal na usal ni Charles.

Natigilan ako at doon ko naisip kung anong gagawin ko. I will leave Charles just like that, without any words.

Suminghap ako. Ano bang nangyayari sa akin?

"I need to go Charles." Binigyan ko siya ng makahulugan tingin, alam ko naman na maiintindihan niya ako.

Kumunot ang kaniyang noo, bahagyang hinawakan ang aking braso. "May nangyari ba? Samahan na kita?" he offered.

Kaagad akong umiling. "Hahanapin lang namin si Zayn tumawag kasi 'yong Butler niya na nawawala raw siya," pag-aamin ko sa kaniya.

Naisip kong wala naman dahilan para magtago ako kay Charles. Nakita ko kung paano nagsalubong ang kilay ni Charles dahil sa aking sinabi.

"Zayn? 'Yung gustong ipakasal sa'yo ni Daddy mo?" malumanay ang boses ni Charles.

Tumango ako.

"Don't worry, we will see each other again and I'll message you after this, baka kasi hanapin din ako ni Daddy. Thank you for this dinner Charles, Pasensya ka na kung hindi tayo masiyadong nakapag-enjoy," malumanay na usal ko.

Napabuntonghininga siya bago ako yakapin at halikan sa nuo, hindi ako gumalaw at hinayaan siya.

"Sige, mag-iingat ka ha? Kapag kailangan mo ng tulong magtext ka sa akin, kapag naka-uwi ka na magtext ka ah?" bilin niya sa akin.

Pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng kotse. Tipid akong ngumiti kay Charles, ni hindi na ako makangiti ng totoo. Hinalikan pa ulit ako ni Charles sa gilid ng aking labi bago niya isara ang pinto.

Mabilis na pina-andar ko iyon paalis sa lugar, bago pa ako lumiko palabas sa parking lot ay dinungaw ko sa salamin si Charles sa likod.

He's smiling and waving at me.

Parang may pumiga sa puso ko sa tagpong iyon, kinagat ko ang aking ibabang labi habang nagda-drive palayo sa kaniya. Siguro ay kapag naka-usap ko na nang masinsinan si Zayn ay masasabi ko na sa kaniya ang totoo, na may iba akong mahal.

Nagsalubong ang aking kilay pagkahinto ko ng sasakyan sa parking lot sa labas ng isang bar. Nakita ko kaagad si Butler Mateo at ilang lalaki na nasa gilid ng isang itim na kotse.

Kaagad nila akong sinalubong pagkalabas ng kotse.

"What happened? Ano pong nawawala? Nakita ko pa lang siya kanina sa restaurant malapit lang dito," kaagad na imporma ko sa kanila.

I can see uncomfortable emotions in their eyes especially to his butler. I feel like he's hiding something.

Napabuntonghininga ako.

"Kailangan niyo po sabihin sa akin kung anong nangyayari kasi hindi ko ho kayo matutulungan kung wala man lang akong ideya kung anong nangyayari. Nalilito na rin ho kasi ako," pag-aamin ko sa kanya tapos ay sinuklay ko ang sariling buhok gamit ang aking daliri.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon