Chapter 14

74K 2.9K 542
                                    

C H A P T E R 1 4
━━━━༺❀༻━━━━


            "Shit!" sunod-sunod ang aking mura habang mabilis na nagda-drive papunta sa bahay ni Charles.

Malakas ang ulan at halos lumalabo na ang paligid dahil sa malalaking patak ng ulan. I bit my lower lip, I could hear my own heartbeat. This is not good.

Pagkasabi ni Charles na nasa bahay niya si Zayn o Giov ay kaagad ko ng pinatay ang tawag para puntahan siya. What the hell is he doing there? Nagawa niyang saktan si Mat na matagal na niyang butler, paano pa kaya si Charles? Is he planning something against him?

Humigpit ang hawak ko sa manibela ng kotse.

Pagkaparada ay kaagad na akong bumaba, wala ng pakielam kung mabasa na ako ng ulan. If he did something bad to Charles, I don't know what will I do to him. I will skin him alive.

Malalaki ang hakbang ko papunta sa elevator, napasandal ako sa pader nito nang dahan-dahan sumara ang pinto.

"Come on! Move fast," bulong ko habang nakatitig sa mga numero, mas bumagal ang oras habang binabantayan ko ang pag-akyat ng numero.

Saktong bumukas ang pinto ay patakbo akong pumunta sa kwarto na ikinu-ukupahan ni Charles. Marahas kong pinindot ang doorbell, ilang sandali pa ay bumukas na iyon.

"Sweety . . ."

Napataas ang dalawang kilay ni Charles nang makita ako sa labas ng condo niya. Tumutulo pa ang buhok ko habang habol ang hininga na mahigpit siyang niyakap.

"Thanks God, you're okay." I whispered.

"What the? Bakit ka nandito? Nagpa-ulan ka pa?" Naguguluhan tanong ni Charles bago ako lumayo sa kanya.

Para akong nakahinga nang maluwag noong makitang wala siyang galos ni isa. Sinapo ni Charles ang mukha ko bago punasan ang basa sa buhok ko gamit ang likod ng kanyang palad.

"Miss na miss mo ba ako?" Natatawang aniya tapos ay biglang nagseryoso. "O may nangyaring hindi maganda? Nalaman ba ng fiancé mo ang tungkol sa atin? Sasabihin ba niya sa Daddy mo? Do you want me to talk to him? Let's go and—" Kaagad akong umiling bago pa man siya makapagsalita ng kung ano-ano.

"No, Charles. Everything's okay. Gusto lang kita makita," pahina nang pahina ang aking boses habang sinasabi ko iyon.

Napalunok pa ako dahil mas iniisip pa niya ang kalagayan ko kaysa sa kanya. Na lagi niyang iniintindi ang mga dahilan ko, parang siya pa ang naging sekreto ko na dapat nga ay pinagmamalaki ko siya.

Bumukas ang kanyang bibig para sana sumagot pa pero may sumigaw sa likod niya.

"Charles bro! Can I have more peanut butter?" Napa-awang ang labi ko nang maalala kung bakit nga ba ako nandito.

Hinawakan ni Charles ang kamay ko bago ako inalalayan pumasok sa kanyang condo papunta sa sala, naabutan ko si Zayn na nakataas ang paa sa may center table habang may hawak na kutsara na may peanut butter at tinapay.

Napakurap-kurap ako dahil doon.

"Sure Giov," sagot ni Charles bago bumaling sa akin. "Kukuha lang ako ng tuwalya at damit ha? Umupo ka muna." Wala sa sariling napatango ako.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon