Chapter 22

66.7K 2.9K 765
                                    


C H A P T E R 2 2
━━━━༺❀༻━━━━

Nakatitig ako sa aking daliri kung nasaan ang binigay na singsing ni Zayn. It's beatiful diamond ring but it feels empty for me, wala akong naramdaman ng isuot niya iyon sa akin. Hindi ako sumagot kanina basta tumitig lang ako sa palad niya kaya hindi na niya hinintay ng sagot ko't siya mismo ang nagsuot no'n.

Do I have a choice?

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto kung nasaan ako nang bumukas iyon at sumilip si Zayn.

Napataas ang kilay ko at napaayos ng upo sa kama.

"Can I come in?"

"Bahay mo 'to."

Napangiwi siya bago buksan ng malaki ang pinto at pumasok, sinundan ko ang galaw niya nang isarado niya ulit ang pintuan bago naglakad papalapit sa akin habang nakapamulsa sa gray na sweater pants niya.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ni Zayn. His face is serious but his voice, punong-puno iyon ng emosyon.

Hindi na niya ako pinauwi kaya sa bahay niya ako matutulog ngayon. Unang pagkakataon matutulog ako sa ibang bahay na may lalaki bukod sa bahay ni Charles.

"Can't sleep," simpleng sagot ko at nag-iwas tingin sa kaniya.

"I can see that, but why? Gusto mo bang umuwi? Ihahatid ba kita? Are you not comfortable?"

Sunod-sunod ang tanong niya. So this is the real Zayn.

Umupo siya sa gilid ng kama habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Hindi lang ako inaantok pa," sandali akong tumigil sa pagsasalita at pinagmasdan ang bawat sulok ng kaniyang gwapong mukha.

Hindi ko naman iyon itatanggi. He's really handsome. A freaking adonis.

"Don't look at me like that baby." Natatawang aniya.

"Like what Zayn?"

"Like you like me too."

Lumunok ako, gano'n ba ang dating sa kaniya ng pagtitig ko? Alam ba niya na mas nakakapanghina kung paano siya tumitig.

"Iyon nga Zyan e, bakit ako? Why you choose me? Nasabi mo na ito sa akin noon, pero bakit gano'n? Bakit hindi pa rin ako naniniwala na iyon lang ang dahilan?" Hindi ko mapigilan magtanong sa kaniya.

Nakita ko ang paggalaw ng kanyang adam's apple. Inalis niya ang tingin sa akin bago napatitig sa dingding ng kwarto.

"I need you Lauren."

Napailing ako, "Iyon na 'yon? Kailangan mo ako? Because you're asking me to be your wife. Pang habang buhay na desisyon iyon Zayn." I pointed out.

"I know..."

Pumikit ako, pagdilat ko ay nagtama na ang aming mata.

"I deserve an explanation Quvenzhane. My Dad ordered me to do this, but I have a boyfriend Zayn and... I l-love him. I really can't marry you. Please enlighten me, what's your plan?" medyo madiin pero mahinang usal ko.

Nakatitig lang siya sa akin habang nagsasalita ako tapos ay bumuntong-hininga siya bago ilahad ang kamay sa akin harapan.

"I'll tell you, come on."

Nagdalawang-isip pa ako abutin ang kamay niya pero bandang huli ay kinuha ko rin iyon.

Mainit ang kaniyang palad at higit na mas malaki sa akin. Iminuwestra niya ako palabas ng kwarto, sumunod ako sa gusto niya dahil gusto ko rin naman malinawan.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon