Chapter 38

64.1K 2.8K 833
                                    


C H A P T E R 3 8
━━━━༺❀༻━━━━

"Hayop ka! Sino ka sa tingin mo ha?!" sigaw ng Ama ni Zayn sa akin, pilit niya akong inaabot habang nasa loob siya ng kulungan.

Hindi ako nagsalita, blanko lang ang aking mukha. Wala akong maramdamang awa sa kanya. Sa lahat ng nalaman ko, kulang na kulang pa ang mabulok siya sa kulungan. Kung pwede lang mang-agaw ng baril sa Pulis at barilin siya sa ulo ay ginawa ko na sa sobrang galit na nangingibabaw sa dibdib ko.

"Sinabi ko naman sa inyo, bastos ako sa bastos sa akin. You and your sister raped my fiancé, akala mo porket matagal na iyon makakawala ka pa rin? Lumipas man ang panahon, babalik pa rin sa inyo ang ginawa niyo, you stole Zayn's childhood. Bukod pa roon ninanakawan mo ang kompaniya na pinaghihirapan niya! And oh, you killed my father!" sigaw ko.

Naikuyom ko ang aking palad, gusto kong buksan ang selda at sugurin siya.

Tumawa siya ng malakas. "Bagay lang sa kaniya iyon! May usapan kami! Inutusan ko siyang paghiwalayin kayo ng magaling kong anak pero wala siyang silbi! Alam mo kung anong sabi niya? 'My daughter is happy with that man. I can't do anything about it. Just kill me because I can't hurt my daughter anymore.' Putragis na lalaki na 'yon! Kaunting drama mo lang bumigay naman! Wala siyang kwenta." humalakhak pa siya.

Sunod-sunod na tumulo ang luha sa aking mata dahil sa sinabi niya. Kasalanan ko kung bakit wala na si Daddy. Kaya gano'n ba siya kadesperadong paghiwalayin kami no'n? Bakit hindi niya sinabi sa akin, dapat ay sinabi niya. Why they need to keep it a secret, for fuck's sake I'm affected too.

Napahikbi ako.

"H-Hindi ako makakapayag na makawala ka sa kulungan na 'to! Pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo sa lahat ng taong mahal ko!"

Nanlaki ang mata niya. "Fuck you bitch! Malandi ka! Gusto mo lang ng pera ng anak ko! Bakit ka mananatili sa lalaking madumi na ha?! Syempre sa pera!" sigaw niya.

"You know nothing, old man. Nandito ka pa pero sinusunog na ang kaluluwa mo sa impyerno."

Tinitigan ko siya sandali bago tumalikod. Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan hayop ka. Hindi ko alam may taong gano'n kasama.

Sinulyapan ko si Mat at tinanguan niya lang ako bago igiya papunta sa dulong selda. Nang huminto ako doon ay kaagad kong nakita ang Tita ni Zayn at babaeng nagpapanggap na ina ko.

Nang makita ako ng babae ay kaagad itong lumuhod. "Patawarin mo ako! Napag-utusan lang ako! Binayaran nila ako para paghiwalayin kayo ng kasintahan mo. Maawa ka may mga anak ako!" sigaw niya habang umiiyak.

Napabuntonghininga ako, hindi maibabalik ng sorry niya ang buhay ni Daddy, ang mga ginawa nila kay Zayn.

"Kailangan niyo pagbayaran ang lahat ng mga ginawa niyo. Ikaw rin ang nagbigay ng inumin sa Daddy ko na may lason. H-Hindi ko alam kung paano kayo patatawarin sa ginawa niyo. Hindi man perpekto ang ama ko p-pero hindi niya deserve ang ginawa niyo," madiin kong usal.

Napahagulgol siya.

Samantalang tumawa naman si Esmeralda.

"Where's my Zaynie?" tanong niya sa akin.

Naikuyom ko ang aking kamay.

"Hindi ka ba nandidiri sa ginawa mo? Pamangkin mo iyon!"

"We enjoyed it."

Mariin akong pumikit. "You abused him, hindi niyo alam kung anong naging epekto no'n sa kaniya na dinadala niya hanggang ngayon." Mas lumapit ako sa selda. "Matagal ko na 'tong iniisip." Pinasadahan ko siya ng tingin, gulo-gulo na ang damit niya at kalat-kalat ang eye liner. "Kung inuuod ba ang mga higad?"

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon