Chapter 28

65.3K 3K 699
                                    


C H A P T E R 2 8
━━━━༺❀༻━━━━

Napalingon ako sa pintuan sa library ni Zayn sa kanyang bahay, dahil hindi siya umaalis ng bansa ay online na lang siya nakikipag-meeting sa mga ka-business niya.

Sa gabi ay hinahatid niya ako sa condo ko at sa umaga ay sinusundo niya ko.

Nakakataba ng puso ang sinabi niya sa akin noong nakaraan. Nakakatuwa rin na lumipas ang araw na magkasama kami at walang lumalabas na alters niya. Ano 'yon? Nabawasan ang stress niya dahil lagi kaming magkasama?

Napa-angat ako ng tingin nang maglapag ng kape si Mat, napangiti ako.

"Thank you Mat."

"Welcome." Tumingin siya sa pinto sa library. "Matatapos na siguro si Master, may gusto ka bang gawin o kainin habang naghihintay?" kaagad akong umiling.

"Wala, okay na 'tong kape saka lalabas din naman kami baka doon na lang kami kumain sa labas," sagot ko.

Napatitig siya sa akin sandali animong binabasa ng iniisip ko bago ngumiti. "Thank you Miss Trios for staying, salamat kasi kahit alam mo na ang kalagayan ng amo ko ay hindi mo iyon ginawang dahilan upang iwasan. Ang iba ay kinakatakutan sila." Nakayukong aniya.

"Hindi ko nga rin alam Mat bakit nananatili ako sa kanya kahit na may isang daan dahilan ako para tumakbo palayo sa kanya." Tumabingi pa ang ulo niya.

"Masaya ako dahil dumating ka at napapasaya mo siya. Mr. Coster needs a woman that can fight for him, stay for him and take care him. Sana hindi ka magsawa na tulungan siya kahit ano pang malaman mo tungkol sa kaniya," makahulugang aniya.

Magtatanong pa sana ako pero mabilis siyang yumukod at tumalikod papunta sa kusina. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang mawala siya sa aking paningin.

Ano pa bang dapat kong malaman?

Napatingin ako kay Zayn na lumabas sa library, kaagad nag tama ang aming mga mata. Natawa ako kaunti nang makitang nakasuot siya ng tuxedo sa itaas habang boxer lang ang pang-ibaba.

"Ganyan ba makipag-meeting?" Natatawang tanong ko.

Lumapit siya sa akin at katulad noon ay hinalikan niya ako sa noo bago tumabi ng upo sa mahabang sofa. "Tss. Hindi naman nila makikita e, mukha ko lang naman ang nasa screen."

"Hmm, sabi ko nga."

Humigop ako ng kape. Halos mabuga ko ang nasa bibig ko nang bigla sapuhin ni Zayn ang mukha ko at halikan ako. Gamit ang kamay ay pilit niyang ipinabukas ang bibig ko, gano'n na lang ang kalabog ng aking puso nang kunin niya ang hinigop kong kape sa bibig ko at nilunok iyon tapos ay nakangising humiwalay sa akin.

"I'm starting to love coffee." Nakangising wika niya habang nakatingin sa akin.

Gulat pa rin ako sa ginawa niya. Kingina 'to. Bigla na lang sumusunggab. Malakas ang kabog ng puso ko at pasalamat na lang ako kasi nakaupo ako, kung nagkataon na nakatayo ako ay baka natumba na ako sa sobrang panglalambot ng aking tuhod.

"A-Alam mo ang manyak mo."

Humalakhak siya bago tumayo. "Sayo lang naman ako manyak baby. Dyan ka lang ha, magbibihis lang ako tapos aalis na tayo!"

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon