Chapter 34

62.9K 2.7K 304
                                    


C H A P T E R 3 4
━━━━༺❀༻━━━━

Napatayo ako nang makita ang babae na pumunta sa bahay ni Zayn. Halos pagtinginan kami ng mga tao na nasa paligid namin. Akmang lalapit siya sa akin ay biglang tumayo si Zayn at hinarang ang katawan sa akin.

"Who are you?" matalim ang boses na tanong niya sa Ginang.

Hinawakan ko kaagad ang kanyang braso upang pakalmahin siya. Tumingin ang babae kay Zayn bago bumaba sa kamay kong nakahawak sa braso nito.

"Ano po bang kailangan niyo sa akin?" mahinahong tanong ko.

Umangat ang mata niya sa aking mukha at nakiki-usap akong tinitigan. "Gusto lang sana kitang makausap, please Lauren. Importante lang ang sasabihin ko."

Tumingin sa akin si Zayn na para bang tinatanong niya ako kung kilala ko ang babae kaya umiling ako bilang sagot.

"Ano po bang sasabihin niyo? I think this is not a right time for that. Burol ho ng daddy ko't hindi ko po kayo kakilala, kaya nagtataka ako kung bakit panay ang tawag niyo ng anak sa akin," deretsang sagot ko.

Bahagya siyang sumulyap kay Zayn na nakahalukipkip sa gilid. "Gusto kitang makausap, iyong tayo lang."

"No, that's not gonna happened. Misis-I-don't-know-who-you-are, If you want to talk to my fiancé spill it out now. I wont let you talk to her alone. Just making sure," kibit balikat sabi ni Zayn.

Kinagat ko ang ibabang labi.

Napapahiyang napayuko ang babae bago ako tingnan ulit. "O-Okay, I'll talk to you next time."

Nagmamadali itong umalis.

Nang mawala sa paningin namin ay umupo ulit kami. "Sino ba 'yon? Why did she called you anak?" tanong niya.

"Hindi ko rin alam e. Noong nakaraan pumunta rin iyan sa bahay mo."

Nalukot ang kaniyang mukha dahil sa aking sinabi.

"Why didn't you tell me?"

Napabuntong-hininga na lang ako. "Nawala sa isip ko, saka alam mo ba na sinampal niya si Mat" Napangiwi pa ako nang maalala iyon. Ibubukas ko pa sana ang bibig ko para sabihin ang tungkol kay Mat at sa gamot niya pero minabuti ko na munang tumahimik. Kakausapin ko muna si Mat baka mamaya, mali ang naiisip ko at mag-away pa sila.

Hanggang matapos ang gabi ay nanatili si Zayn sa tabi ko. Paminsan-minsan ay iniiwan ko siya para kausapin at asikasuhin ang ilang dumadalaw kay Daddy. Tuwing may pagkakataon at kaunti na lang ang tao ay uupo ako malapit sa kabaong ni Daddy at paulit-ulit na nagso-sorry sa kaniya, paulit-iulit ko rin sinasabi na pinapatawad ko na rin siya.

Kahit hindi siya humingi ng tawad, pinapatawad ko na siya.

Sorry Daddy, I can't leg go Zayn.

***

                   Mabilis lumipas ang limang araw hanggang nailibing na si Daddy. Hindi pa rin nakikita kung sino ang may kagagawan ng nangyari sa kaniya, sabi ng mga Pulis ay ini-imbestigahan pa.

Nagkita na rin kami ni Lily habang si Uno naman ay nasa ibang bansa. Nanatili ako sa bahay sa lumipas na araw, hindi na rin ako bumalik sa bahay ni Zayn pero araw-araw naman siyang bumibisita.

Kaya naman kahit gabi na ay napag-desisyunan kong lumabas at puntahan siya sa kanila, gusto ko rin makausap si Mat.

Pagpasok ko ng bahay ni Zayn ay tahimik ang buong lugar. Nasabi rin ng guard sa gate kanina na wala si Zayn at tanging si Mat lang ako naiwan.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon