Chapter 23

66.7K 2.9K 1.2K
                                    


C H A P T E R 2 3
━━━━༺❀༻━━━━

Napabalikwas ako ng bangon dahil hindi pamilyar ang kwarto na bumungad sa akin pagkadilat kom Kaagad akong napabuga ng hangin nang maalala ko ang kagabi.

Nag-uusap kami ni Zayn sa kwarto niya, after we had a deal, we talked about random things. Puro tungkol sa akin hanggang makatulog ako.

Inilibot ko ang paningin sa paligid, naalala kong naabutan na ako ng antok sa kama niya.  Dito na ako nakatulog? Dahan-dahan akong bumangon.

Pumikit ako at huminga ng malalim bago bumuga naman. Paulit-ulit.

Exhale. Inhale. Exhale. Inhale.

"What the fuck are you doing baby?" napaigtad ako ng marinig ko ang natatawang boses ni Zayn.

Kaagad akong napalingon sa pinanggalingan no'n at kaagad din napa-iwas ng tingin dahil nakasandal siya sa gilid ng pintuan ng banyo habang nakakrus ang mga braso sa dibdib at hindi lang iyon, nakapalibot lang ang tuwalya sa kalahati ng katawan niya.

"P-Pwede bang magbihis ka na?!" inis na usal ko.

He chuckled. "Sorry, hindi mo pa nga pala ako nakitang nakahubad."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, hindi niya ba naaalala nakita ko na ang buo niyang katawan? Buong-buo at tayong-tayo pa!

Sabagay si Baron iyon, baka nga hindi niya maalala.

"Let's go? Baba na tayo." Humarap ako kay Zayn at nakahinga nang maluwag nang makita na bihis na siya.

Binuksan niya ang pintuan, pa-simple ko naman nilinis ang mata ko baka may muta pa ako, nakakahiya naman sa kaniya. Ang bango niya ako amo'y asong gala.

"Bakit mo tinatakpan ang bibig mo?" Natatawang tanong niya habang naglalakad kami sa hagdanan.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi pa nga kasi ako nagmumumug e!"

Inakbayan niya ako, hindi ko alam pero napaigtad ako dahil sa hawak niya. Lagi naman e, para akong napapaso sa mga hawak niya.

Hinalikan niya ang sentido ko. "Ang bango mo nga sa umaga e."

Siniko ko siya. "Paano mo nasabi?"

"Inamoy kita kanina noong nagising ako."

Hindi ako makapaniwala napatingin sa kaniya, nasa ibaba na kami ng hagdanan.

"Ano?!"

"Inamoy kita kanina. Sobra nga yakap mo sa akin kagabi, hinayaan na lang kita chumansing sa akin." ngingising-ngising aniya.

Kumabog ang dibdib ko. "Gago ka ba? Bakit ko naman gagawin 'yon? Bakit ka tumabi sa akin?"

"That's my bed baby. Ikaw ang tumabi hindi ako, mabait lang talaga ako't hinayaan kita." Kibit-balikat na wika niya na para bang iyon na ang sagot kaya tabi kami matulog.

Pumasok kami sa kusina, naabutan namin si Uno roon na umiinom ng juice habang may lollipop. Weird.

Si Mat naman ay nakasuot ng pink na apron habang nagluluto ng hotdog. Bakit siya ang nagluluto? May mga kasambahay naman sila ah.

"Woah, ang bango natin ah bestfriend," wika ni Uno ng mapansin kami.

Pinaghila ako ni Zayn ng upuan bago umupo sa tabi ko.

"Lagi naman ako mabango, ugok."

Humalakhak lang si Uno. "Edi wow, check up mo mamaya ah?" aniya bago uminom.

Tumango lang si Zayn bago nakangiting nilagyan ng kanin ang pinggan ko.

"What do you want baby? Egg? Fried chicken or ham?" tanong niya.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon