Chapter 30

67.8K 2.8K 851
                                    

C H A P T E R 3 0
━━━━༺❀༻━━━━

Pagkatapos ibaba ng babae ang tawag ay napatitig lang ako sa phone ko. Aminin ko man o hindi ay kinabahan ako dahil sa sinabi niya. Isang tao lang naman ang pumasok sa isip ko dahil doon.

Zayn.

Anong ibig sabihin niya ro'n? Kinagat ko ang aking ibabang labi bago ibulsa iyon. Sakto naman ay dumaan si Uno sa may pintuan ng kusina, tanaw ko siyang palakad-takbo paakyat sa hagdanan.

Sinulyapan ko pa ang basurahan bago sumunod sa kaniya.

Naabutan ko siyang pumasok sa isang pintuan, hindi pa ako nakakapunta doon no'n bukod sa library at kwarto ni Zayn ay hindi pa ako nakakapasok sa ibang kwarto. Nang makarating ako sa tapat no'n ay bahagya akong sumilip. I saw Zayn and Mat playing cars on the carpet, they looked so good actually. Ang sarap nilang pagmasdan kasi alam kong totoo 'yong ngiti ni Zayn, kumikinang din ang mata niya habang naglalaro.

Bahagya akong napangiti pero kaagad din nawala nang mapunta ang paningin ko kay Mat na nakatitig din kay Zayn.

"Lauren." Napabaling ako kay Uno na nasa gilid may inaayos na gamit sa lamesa.

Tuluyan akong pumasok at ngumuti sa kanila, inilibot ko ang paningin sa kwarto. Isang ironman bed sa gitna ng kwarto, puro laruan na panlalaki.

Siguro ay rito ang kwarto ni Zam tuwing lumalabas siya.

Tumayo lang ako sa gilid, lumunod naman si Uno para kunin ang atensyon ni Zam.

"Hey Zam buddy how are you?"

"I'm fine kuya Uno," sagot ni Zayn habang patuloy lang sa paglalaro, pinagbabangga niya ang mga kotse. Gumagawa pa siya ng tunog na parang nagsasalpukan.

Hmm. Cute.

"That's good, but may I ask why are you here?" malumanay na tanong ni Uno, bilib ako sa paraan ng pagkakausap niya kay Zayn.

Ibang-iba sa pagkakausap niya kay Zayn na puro pang-aasar. Habang kausap niya si Zam para talagang bata ang kausap niya.

Sumulyap sa akin si Zam bago ngumuso. "Ate Lauren brought me here."

Napangiwi ako, bahagyang tumawa si Uno. "No, I mean bakit ka lumabas? Hmm. Ano sabi ni Zayn?" malumay pero seryoso na ang boses niya.

Nakangusong nagpapalit-palit sa amin tatlo ang mukha ni Zam bago nangilid ang luha. "You don't like Zam, do you?" kitang-kita ko kung paano manginig ang labi niya habang tinatanong iyon.

Nataranta ako dahil baka bigla magwala si Zam pero nang makita kong kalma naman si Uno at Mat ay pinilit kong kumalma sa gilid. Mas kilala nila si Zam, alam na nila ang gagawin.

"We like Zam, of course. Kuya Uno is just curious. I told you before, curiousity is one of the most common traits of an intelligent mind." Bahagya akong lumapit pa sa kanila, umupo ako sa kama ni Zam.

Sandaling natahimik si Zam na parang nag-iisip kung sasabihin niya ba sa amin o hindi.

"Don't get mad at me promise me Kuya? Ate?" nagmamakaawang boses niya.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon