Chapter 19

70.4K 3.5K 1K
                                    

C H A P T E R 1 9

━━━━༺❀༻━━━━

"How to be myself when I don't know who I am."

Parang may pumiga sa aking  dibdib sa sinabi niya. This man, oh God. Hindi ko maisip kung anong mga pinagdaanan niya upang maging ganito ang kahantungan niya ngayon. I know, he's suffering too much, I'm scared because I know to myself that I want to help him even though I don't like him romantically.

Magsasalita pa sana ako nang sunod-sunod na may pumalakpak sa gilid namin, napatingin ako kay Uno.

"All right! Enough being cheesy. Galing pa ako sa Batanes nang tawagan ako nitong si Mat so please, I want to work." Lumapit siya kay Zayn.

Kaagad akong nilagay ni Zayn sa likod niya animong pinoprotektahan ako. Tumama ang paningin ko sa hubad niyang likod, doon ko napansin ang na tattoo niya ro'n papunta sa batok na hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin.

"What do you want Uno?" matigas na usal ni Zayn.

"I'm talking to you not as Zayn's Psychiarist. I'm talking to you as your friend. This is me, Uno. Your very handsome and trustworthy bestfriend that you—"

"Shut up Uno! You're not my bestfriend!"

Similip ako upang makita si Uno na nakangisi. "Really? But I thought you are Quvenzhane? Meaning you are my bestfriend." Kitang-kita ko ang peke niyang pagkagulat. "Oh, or else you're not my besyfriend. Zayn. Then who the fuck are you?"

I know, hindi ako tanga para hindi ma-gets. He's trying to manipulate Zayn through his words. Parang ginagamit niya mismo ang mga salita ni Zayn pabalik. Damn Psychiatrist! He's playing mind games.

"I am Zayn!"

Bumuntonghininga si Uno bago ako silipin sa likod ni Zayn. "Yeah okay. Zayn, your fiancé looks afraid. Kung ikaw talaga si Zayn hindi mo gugustuhin iyon, ikaw rin . . .  baka tumakbo iyan palayo."

No, I'm not really afraid. Curious ako sa mga nangyayari pero hindi ako natatakot. Naguguluhan, Oo.

Nagbaba ng tingin si Zayn sa akin parang apektado siya sa sinabi ni Uno.

"No, hindi niya ako iiwan."

Umigting ang panga niya bago hawakan ang braso ko, "Hindi mo naman ako iiwan Love 'di ba? You'll stay to me right?" tanong niya.

Sasagot na sana ako nang bigla magsalita na naman si Uno. "See? Kasi tinatakot mo siya. You are creeping her out. Stay your shit together Zayn. Nako, kapag iyan natakot ng husto baka manlalaki—"

"Shut the fuck up!"

Ngumisi si Uno. "Best friend, what I'm trying to say is we are helping you. So now, will you help us? Bring Zayn back. Magpahinga ka na."

Nakita kong sunod-sunod ang pag-iling ni Zayn sa sinabi ni Uno.

Kinagat ko ang ibabang labi ko, this is too much for a day. Masiyado ng madaming nangyari buong araw. Hinawi ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay, gulat siyang napatingin sa akin at bago pa siya makapagsalita ay hinarap ko si Uno at Mat.

"Please leave us alone," binigyan ko ng makahulugan tingin si Mat at Uno.

Ayokong pilitin nila si Zayn ngayon, gusto ko silang magpaliwanag pero hindi ngayon. Nakita ko kung paano siya nagbreakdown sa loob ng banyo kanina, hindi ko alam kung ano pang pwedeng mangyari sa kanya kung nagkataon. I just want to rest, even just for today.

Mukhang nakuha naman nila ang gusto ko mangyari. Tumango si Uno bago tumalikod, si Mat naman ay malungkot na tumingin kay Zayn bago rin lumabas at isara ang pinto ng condo.

Nanghihinang napaupo ako sa pinaka malapit na sofa.

Nilagay ko ang nanlalamig kong palad sa dalawa kong tuhod bago ko ibagsak ang ulo sa sandalan ng sofa.

Naramdaman kong lumuhod si Zayn sa harapan ko kaya umayos ako ng upo at hinarap siya.

"Thank you."

"For what?"

"For sending them away, hindi na ako makahinga sa kanila," pag-aamin niya. Nagugulat pa rin ako sa pagiging totoo niya sa akin sa nararamdaman niya.

"Zayn, siguro hindi naman lingid sa kaalaman mo na alam ko ang sakit ni Zayn I mean sakit mo," naguluhan din ako sa sinbi ko. Alam ko kasing hindi talaga si Zayn ang kausap ko pero Zayn din ang pakilala niya kaya naguguluhan ako. "And I know you are one of them," malumanay kong usal.

Gusto kong ipahiwatig sa kaniya na may alam ako, na hindi niya kailangan itago kung sino ba siya like Giov and Ji-hyeon.

"B-But I'm really Zayn..." mahinang aniya.

Hindi na ako nakapagsalita, ano ba tawag dito? Kailangan ko talaga makausap ang psychiatrist niya kung anong klase itong pinagdadaanan ni Zayn at kung bakit ako? Why me? I don't know about this shit.

Kinuha niya ang dalawa kong palad na nasa aking tuhod habang nakaluhod pa rin siya sa sahig. Dinala niya ang mga kamay ko sa labi niya at hinalik-halikan iyon.

Napaawang ang labi ko sa ginagawa niya.

Nanikip ang dibdib ko, bakit ba ganito? Bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon. I don't like being here in this kind of situation.

"I know, iniisip mo na papakasalan lang kita kasi dahil sa negosyo. No Love, fuck that business. I want you, I need you. You are the only one who can back my senses." Tumitig siya sa aking mata, nanuyo ang aking lalamunan.

Hindi ganyan ang sinabi niya kanina roon sa library. Sinabi niya dahil sa negosyo at dahil matalino ako. Ngayon iba na? Now, who are you?

Nagpalinga-linga si Zayn sa buong sala ko. Tumayo siya para kunin ang tissue sa itaas ng lamesa at bumalik sa akin.

Pinanuod ko ang ginagawa niya sa tissue. Lumuhod siya ulit sa harap ko but this time, isang tuhod lang.

Napakamot siya sa batok. "I know, Lauren. You deserves everything, you deserve a gold, a diamond ring. But I don't have that now..." nahihiyang aniya bago kunin ang kamay ko. "I wanna spend my life with you Lauren. I wanna be a better person, a good father and a loving husband with you, only you."

Nanuyo ang lalamunan ko ng dahan-dahan niyang sinuot sa daliri ko ang inikot niyang tissue na parang maging hugis singsing.

Napaawang ang labi ko ro'n.

"I don't want to ask you if you want to marry me because I'm afraid to hear you say no to me, so I'll leave this to you without any choice. You will marry me Lauren." Hindi ako makapagsalita.

"Simula ngayon sa akin ka na, wala ng puwedeng lumapit sa'yong iba. Hell, akin ka. Simula ngayon, sa akin ka tatawa, sa akin sa iiyak, sa akin ka uuwi, sa akin ka magiging masaya, sa akin ka uungol, sa akin ka."

Madamdamin aniya, hindi ko alam bakit parang may bumabara sa lalamunan ko sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa ginawa niya. He just proposed to me using a tissue! Just wow.

Hinalikan niya ang daliri ko na sinuotan niya ng kunwaring singsing.

Nagulat ako, wala pang segundo ay tumulo na ang luha niya habang nakahalik pa rin sa daliri ko.

"Z-Zayn..."

Nag-angat siya ng tingin kitang-kita ko ang luha sa kaniyang mata.

"Damn, love. Sorry. I can't help it. Akala ko hindi ko ito magagawa sa'yo though I imagined myself proposing with a diamond ring and to a beautiful place." Pinunasan niya ang kaniyang pisngi tapos ay tumayo nakatulala ako ng sapuhin niya ang pisngi ko bago ako halikan sa noo bago bumulong.

"I love you Lauren, I really do. By the way. My name is Baron," he whispered.

•••

SaviorKitty

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon