Special Chapter 2

90.8K 4.2K 1.8K
                                    

Special Chapter 2

"Momma what happened to the beast and beauty? Nagkatuluyan po sila? Momma tuloy niyo na po!" excited na wika ng batang babae kay Lauren. She just smiled to her four years old daughter.

Hinimas niya ang ulo nito bago inayos ang kumot. "To be continued baby."

Kaagad ngumuso ang anak. "But I want to know what happened to them? Please momma!"

Napatawa siya ng mahina dahil sa kakulitan nito.

Umupo siya sa kama ng anak. "After they met again they—" pareho silang napatingin ng anak nang bumukas ang pinto.

Sumilip doon ang isang lalaki bago tuluyan pumasok. "Busy ata ang mag-ina ko."

"Daddy!" Napangiwi siya nang tumayo ang anak at sinalubong ang kaniyang asawa. Pinaka-ayos-ayos pa naman niya ang kumot tapos magugulong lang.

"Hey my princess. Bakit gising ka pa?" Inihiga ulit ng asawa ang anak bago tumabi ng upo sa kaniya sa gilid ng kama.

"Momma's telling a story." Masayang pahayag ng anak.

Nagkunwaring nagulat ang asawa. "Really? What story? Aw. Buti ka pa kinukwentuhan ng momma mo." kunwaring nagtatampong anito kaya natawa ang anak nila.

"A story about a beast and beauty. Not literally daddy. May sick po 'yong prince charming tapos love na love niya 'yung magandang princess. Tuwing gabi po nagbabago ng anyo 'yung prince charming. Akala po niya aayawan siya ng princess pero hindi po, they love each other po parang kayo ni momma. Kaso nagkaruon po ng problem daddy. Nailayo po sila sa isa't-isa." Ganadong kwento ng anak niya.

Ang magaling na asawa naman niya ay nakatutok ang atensyon sa anak, anak mong hindi pa hindi alam ang istorya na iyon.

"Then what happened next my princess?"

"Oh, ayon po nalayo sila. Hinintay po ng princess ang pagbabalik ng Prince charming niya. Tapos po nagkita po sila ulit daddy kaso po hindi na natuloy ni Momma kasi pumasok ka."

Natawa ang asawa dahil sa tono ng boses ng anak ay sinisisi nito ang Daddy nito. Kinuha ng asawa ang kamay bago iyon halikan.

"What happened next, baby?" Nangingiting tanong nito sa kanya.

"The princess waited to her Prince charming. Ang buong akala ng lalaki ay may iba ng mahal ang kaniyang reyna but no, the princess waited patiently. Nang magkita ulit sila, inayos nila ang lahat. Namuhay sila ng tahimik sa palasyo nila kasama ang mga tauhan at kawal." Nakangiting pagpapatuloy ni Lauren sa kwento.

Hinalikan ng asawa ang noo niya.

"But what happened to the prince charming momma? Nagiging beast pa rin po siya?" inosenteng tanong ng anak.

Sumulyap siya sa asawa bago sumagot, "Yes, may mga gabi na nagiging beast pa rin ang prince charming niya."

"Hala! Paano po 'yon Momma? Hindi sinasaktan ng beast ang princess?" takang tanong ng anak.

Nagulat sila ng may magsalita sa pinto. "Of course not! The beast loves the beauty so much!" usal ng panganay niyang anak.

Napangiti siya at sinenyasan ang lalaki niyang anak. "Zach!"

Lumapit ito sa kaniya at naglalambing na yumakap. "Kuya alam mo 'yong story na 'yon?"

Buong pagmamalaking tumango ang panganay nila kaya nagkatinginan sila mag-asawa. Paulit-ulit niya kasi itong kinukwento sa anak noon.

"Yes, alam ko syempre ako pa!"

"Wow, what happened next kuya?"

"They live happily and weird ever after." pagtatapos ng anak niya kaya natawa ang asawa.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon