Chapter 21

67.5K 3K 834
                                    


C H A P T E R 2 1

━━━━༺❀༻━━━━

Kinagat ko ang aking kuko sa aking hintuturo sa sobrang kaba na naramdaman ko. Ginalaw-galaw ko rin ang aking paa upang kumalma at intindihin ang sinabi ni Uno.

'Baron... he's dangerous.'

Hindi ko iyon maramdaman noong kasama ko siya.

"Si BaI mean si Zayn, pumunta siya kay Charles. What does it mean? Sabi mo may iba-iba silang pagkatao. Ang kaibigan ni Charles ay si Giov paano nalaman ni Zayn number two si Charles?" naguguluhan tanong ko kay Uno.

Uminom naman siya ng juice bago ako sagutin.

"Kagaya ng sinabi ko sa'yo kanina, si Zayn number two ang pinaka malaki ang percentage sa kanila kumbaga mas aware siya sa mga nangyayari kahit hindi siya ang lumabas. The awareness of one personality to the others is called "co-consciousness". Some may be totally unaware of the existence of the others. Katulad ng ibang personality ni Zayn hindi nila alam ang ginagawa ng iba habang hindi sila active. Some may be aware of the existence of others but not have any interaction with them. Only one personality interacts with the external environment at a given moment. Kaya alam niya ang mga nangyayari sa iba, mas tumatagal na siya ang active sa katawan ni Zayn, mas malaki ang chance na tuluyan ng mawala ang iba," seryosong wika niya.

Bawat salita na sinasabi niya ay tinatandaan ko kahit pa nga sobra-sobra na ang lahat ng impormasyon na ito para sa akin.

"Bakit ako?" bigla kong tanong.

Nagkatinginan si Uno at Mat, nakita kong nag-iwas tingin si Mat animong ayaw niyang magsalita ng kahit ano sa akin kaya bumuntong-hininga si Uno.

"Zayn likes you, he met you before. Iyon lang ang alam ko," wika niya.

Zayn? or Baron? May nabanggit noon si Zayn nang mag-usap kami rito sa library bago lumabas si Baron. Sabi niya kaya pala gusto ako niya. Sinong niya? Is it Baron?

Mariin akong pumikit. Si Zayn ang kailangan kong kausap kung gano'n.

"Paano ko malalaman kung sino na ang kaharap ko or may sign ba bago sila magswitch? Gaano kadalas nangyayari 'to?" sunod-sunod na aking tanong.

"Madali lang, si Zam kapag may tungkol sa past siyang nakita o bagay na nagpaalala sa kaniya ng pangbababoy sa kaniya. Si Gorge, tatlong beses ko pa lang siya nakita at iyon ay kapag nakakita si Zayn na mga sinasaktan bata, umiiyak na bata dahil pinalo mga gano'n. Si Giov, kapag sobrang stress ni Zayn sa trabaho bigla na lang lumalabas si Giov. Si Ji-hyeon, kapag nakakita siya ng dugo at huli si Zayn number two, kapag nakarinig si Zayn ng kulog at malakas na gidlat lumalabas siya."

Napaawang ang bibig ko, naalala ko na. Umuulan no'n nang lumabas si Baron o Zayn number two.

Tumango-tango ako.

Okay, I'll take note about that.

"I'm worried about him but I want to be honest here, I c-can't marry Zayn, alam kong may iba pang dahilan kung bakit ako ang napili niya. Madaming babae si Giov kaya bakit ako? Saka may k-kasintahan ako, si Charles. Handa kong tulungan si Zayn but I can't marry him," pag-aamin ko sa kanila.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon