Chapter 16

75.1K 3.2K 920
                                    


C H A P T E R 16
━━━━༺❀༻━━━━


                 Pagpasok namin sa café ay mabilis akong pinaghila ni Zayn ng upuan bago siya umupo sa harapan ko. Sinusundan lamang siya ng tingin, nagtaas siya ng kamay upang tawagin ang waiter.

Inilapag nito ang menu sa harapan namin. Hindi ako kumilos at pinanuod ko lang si Zayn, hindi rin niya binuksan ang menu pero nagsalita siya animong alam na alam kung anong o-order niya.

"One caffé mocha and caramel Macchiato. Two pancakes with chocolate and two slice of yema cake." Tapos ay bumaling siya sa akin. "Pasta, love?" bahagyang nagsalubong ang kilay ko sa pagtawag niya sa akin ng love.

Umiling ako.

"Okay." Bumaling siya sa waiter na naabutan niyang nakatingin sa akin. "Wala na, iyon lang," matigas na usal niya.

"O-Okay Sir, how about you Ma'am? May gusto pa po ba kayo?" magalang tanong nito kaya tipid akong ngumiti at umiling.

Hindi naman kasi ako gutom.

"Are you deaf? I said, wala na! Order ko, order na rin niya iyon, order na rin ng fiancé ko!" inis na wika niya sa waiter na mabilis na humingi ng paumanhin bago umalis.

Sinundan pa niya ito ng nakakamatay na tingin bago ako tapunan ng tingin.

"Why are you smiling at him? I asked you too but you didn't smile," parang batang puna niya kaya bahagya akong napa-irap.

"Para kang ano, kawawa naman parang natakot kasi sinigawan mo nagtatanong lang naman."

Umirap siya sa akin bago humalukipkip.

Nang dumating ang order namin ay tinapunan niya ulit nang masamang tingin ang kawawang binata hanggang makaalis ito.

"Who are you?" tanong ko pagkalipas ng mahabang katahimikan, malapit ko na rin maubos ang kinakain ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Zayn," simpleng sagot niya bago sumimsim ng kape. He looked me intently.

Kumunot ang noo ko, iba 'to sa iba kong nakilala. Is he really Quvenzhane?

"Really?" mapagdudang tanong ko sa kaniya. Pinanuod ko kung may mababasa ako sa kanyang mata, kung makikita kong nagsisinungaling siya pero wala akong makita.

"Really. I'm Zayn."

Tumango lang ako, pero hindi ako naniniwala. Imposibleng siya si Zayn. Bakit naman gano'n ang iaasta ni Butler Mat kung gano'n nga?

But I couldn't understand. I met Giov and Ji-hyeon. Tanging ito lang kaharap ko ang inaakong siya si Zayn. Why is that? Si Giov ayaw niyang aminin siya si Zayn at gano'n din si Ji-hyeon. Para sa kanila ay ibang tao sila, pero itong nasaharap ko. He claimed that he is Zayn.

That's unusual.

"Who are you?" tanong naman niya sa akin kaya napataas ang kilay ko.

"Nang gagago ka ba?" inis na tanong ko.

Humalakhak siya. "See, 'di ba nakakainis kapag tinatanong ka ng bagay na obvious naman."

"Hindi naman kasi ako katulad mo na—" Naitikom ko ang aking bibig. Shit!

Sumandal si Zayn sa upuan niya at pinagkrus ang braso sa harap ng dibdib.

"Like me? What like me, Lauren?" His voice was cold.

Nag-iwas tingin ako, hindi ko alam pero naaawa ako kay Zayn. Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Akala ko noon sa mga pelikula lang makakasalamuha ng ganito, iyon bang parehas ng mukha ang kausap mo pero ibang tao, ibang pag-uugali iba kung paano magsalita.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon