Chapter 18

68.6K 3.2K 402
                                    


C H A P T E R 18
━━━━༺❀༻━━━━

Humigpit ang hawak ni Zayn sa aking baywang habang ang isa niyang kamay ay naka-hawak sa aking batok upang hindi ako makalayo sa kaniyang labi. Wala na akong naisip kung hindi tugunan ang kaniyang halik, ni hindi ko alam kung gaano kami katagal sa gano'n posisyon hanggang magising ang aking diwa dahil sa malalakas na katok galing sa labas.

Para akong napaso at binuhusan ng malamig na tubig dahil sa realisasyon, nanlalaking matang napadilat ako, tuluyan akong tumigil sa paghalik kay Zayn, naramdaman kong mas dinidiin niya ang kamay sa batok ko upang humalik ulit ako.

"Zayn stop," hingal na sabi ko, kaagad ay tumigil siya, tinulak sa ang kanyang balikat.

"T-This is w-wrong..."

Kita ko ang gulat sa kaniyang mukha dahil sa ginawa ko. Hindi ko siya matingnan ng buo dahil sa kahubadan siya, nag-init ang aking mukha at mabilis na tumayo para makalabas.

He called my name, but I ignored him.  I fixed my hair before I finally open the door.

Tumikhim ako buksan iyon.

"Mat..."

Hindi na nagulat si Mat nang makita akong nandoon.

Tumango siya bago sumilip sa likod ko animong may hinahanap siya. "Where's my master?" he asked.

Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pintuan at iminuwestra kong pumasok siya, doon ko napansin na hindi siya nag-iisa. May isang lalaki siyang kasama na sa tingin ko ay kasing edad-dan lang ni Zayn.

"He's here," malumanay kong usal.

Napa-iwas ako ng tingin dahil nakita kong pinasadahan ako ng tingin ng kasama ni Mat, alam kong basa na rin ang suot kong damit.

"Is he okay?" tanong ni Mat sa mababang boses. I don't know but I feel thankful because Zayn has a good Butler. Kita ko talagang nag-aalala siya sa kanyang amo.

Tumango ko sa sinabi niya.

"This is Lauren Trios, Master Zayn's future wife," lahad ni Mat sa akin sa lalaking kasama niya.

Nagulat ako sa paraan ng pagpakilala ni Mat sa akin sa kasama niya, ayoko rin ng tingin sa akin ng lalaki para bang pinag-aaralan niya ang bawat galaw ko. Oh what now? This is awkward.

Inilahad ng lalaki ang kamay sa akin bago tipid na ngumiti. "Nice to finally meet my bestfriend's fiancé. I'm Uno, Zayn's bestfriend slash psychiatrist."

Bahagyang napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niya dahan-dahan kong inabot ang nakalahad niyang kamay.

Mas nagulat ako na imbes na makipag-kamay ay dinala niya ito sa kaniyang labi upang halikan, bago pa man lumapat ang likod ng kamay ko sa kaniyang labi ay may nagsalitang baritong boses galing sa likod ko.

"Try and say goodbye to your teeth," malamig na usal ni Zayn tapos ay naramdaman ko na lang ang kaniyang braso na pumulupot sa aking beywang.

Nakangising binitawan ni Uno ang aking kamay bago tumingin kay Zayn. "Hello there bestfriend," ramdam ko ang mapaglarong tono sa boses nito.

Bahagya kong nilingon si Zayn sa gilid ko, nakasuot na siya ng boxer habang tumutulo pa ang buhok.

"You're not my bestfriend," he said firmly.

Seryoso ang kanyang mukha animong walang nangyari sa banyo, parang may pumipiga sa puso ko habang naiisip 'yong nadatnan ko kanina. What if I was not here? Paano kung mag-isa lang siya kanina?

"Yeah, yeah, I miss you too bestfriend." Umambang yayakap si Uno kay Zayn ng ipinakita nito ang gitnang daliri.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila, gano'n din si Mat.

"Fuck off, motherfucker. Don't go near me," inis na usal nito kay Uno bago bumaling sa akin. Kaagad lumamlam ang kaniyang mata nang magtama ang mata namin.

"I'm sorry..." bulong niya habang nakatitig sa akin.

Bahagya pa niyang pinisil ang baywang ko. Hindi ko alam bakit nagso-sorry siya sa akin? Why are you sorry, Zayn? Are you Zayn? Who are you?

Ang dami kong tanong pero hindi ko magawang itanong sa kaniya.

Napatingin ako kay Uno na parang gulat na nakatingin sa amin. "Wow... you actually said sorry," wika niya na para bang hindi kapani-paniwalang nag-sorry sa akin ang kaibigan, kung magkaibigan nga talaga sila.

Bahagya kong hinawi ang kamay ni Zayn sa beywang ko pero ibinalik lang ulit niya iyon doon. Tumikhim si Mat na nakaagaw ng atensyon namin.

"We need Mr. Coster now," madiin usal nito kay Zayn.

Nakita kong napa-irap siya sinabi ni Mat. "Why you need me jackass?" he arrogantly asked his butler.

Hindi ko maiwasan pagpalipat-lipat ng tingin sa kanila, nakakuyom ang kamao ni Mat animong handang sumugod kahit anong oras habang si Uno naman ay may kinang ang mata animong batang nanunuod ng away ng grade one students.

Napangiwi ako.

"Hindi ikaw ang amo ko! You're not him!" madiin usal ni Mat.

Zayn laughed, 'yon bang parang ang sarap niyang sakalin dahil iniinis pa niya si Mat. Baka nakakalimutan niyang pinukpok niya ng baril ang ulo nito kanina.

"Really, Matheos? Are you that loyal? Oh sweet Jesus! Quvenzhane never treated you as his friend. He only treasures this fuck ass," turo nito kay Uno na nanlaki ang mata para bang nagulat ito na pati siya ay nasama sa usapan. "You treated him like a friend pero in the end for him, you are just his butler. Alalay. Utusan. Bayaran."

Napahiyaw ako nang hatakin ako ni Uno palayo kay Zayn tapos ay mabilis na sinapak ni Mat si Zayn sa mukha dahilan upang mapatumba ito sa sahig.

Mas lalo akong natulala ng imbes na gumanti ay humalakhak pa siya na parang may nakakatawa roon.

"Fuck you!" sigaw ni Mat halatang galit sa sinabi ni Zayn. Si Zayn nga ba ito? Damn. Hindi ko alam kung sino talaga siya.

Nanginginig ang tuhod ko nang makita ang dugo na tumulo galing sa ilong ni Zayn. Nakita ko kung paano niya punasan iyon bago paikutin ang leeg animong hinihilot.

"Oh, you punched hard. Impressive," may panunuyang usal niya.

Tumingin siya sa amin ni Uno, kaagad binitawan ni Uno ang braso ko bago pumito. Gago.

"Love help me..." parang batang aniya sa akin. Nagulat pa ako sa bilis ng pagpapalit niya ng mood.

Tumingin ako kay Mat tumango siya bago tumalikod nakita kong tinapik ni Uno ang balikat nito bago sila magbulungan.

Napapailing na lumapit ako kay Zayn na nakadipa ang braso sa akin na parang naghihintay ng tulong ko upang itayo siya.

"Kaya mo naman tumayo," inis na usal ko pero inabot ko pa rin ang kamay niya.

Mabilis niyang tinulak ang sarili para nakatayo at ngumiti sa akin.

"I can, but I need you. Gusto kong lagi mo akong tutulungan. Gusto kong lagi kang nandyan sa akin," bulong niya.

Napatitig ako sa kanyang mata. I don't know what to do anymore. In less than a day, I feel like I'm already going crazy with what I found out, I will not be surprised if that will be happen.

"Ayos ka na ba?" mababang tanong ko.

Ang tinutukoy ko ang nangyari sa banyo kanina. I don't want to see him like that again, mas okay ng makita ko siyang magyabang o landiin ako gamit ang salita kaysa gano'n.

"Oo naman!" mabilis na sagot niya at ngumiti sa akin.

Napailing ako, "Stop faking your happiness. If you can't smile, if you feel down, if you feel tired. Please be yourself. Be who you truly are."

Unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang labi at napalitan ng malungkot na ekspresyon.

Napalunok ako, sa isang araw lahat ng emosyon ay napakita niya sa akin. This Zayn in front of me is different from others. Malaya siyang pinapakita kung galit, malungkot, inis, tampo o natatakot siya sa akin.

"How to be myself when I don't know who I am."

•••

SaviorKitty

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon