Chapter 37

64K 2.7K 428
                                    

C H A P T E R 3 7
━━━━༺❀༻━━━━

DALAWANG araw na simula nang magising ako sa bahay na ito. Ilang beses ko na sinubukan lumabas pero laging nakabantay si Baron sa akin. Ang mga bintana ay may mga harang na kahoy sa labas.

Sa lumipas na araw ay lagi lang ako nasa kwarto.

Araw-araw rin bumibisita si Charles pero hindi kami nakakapag-usap. Dahil kung papapuntahin siya ni Baron ay para lang sa pagkain namin. Nakakapagtaka na hindi kami hinahanap nila Mat. Anong akala nila nasa bakasyon lang kami? Ni hindi ko nga alam kung alam nilang si Baron ang may hawak sa katawan ni Zayn ngayon.

Pasalamat na lang ako at hindi na ulit nangyare iyong ginawa niya sa akin, sa tuwing naiisip ko iyon ay nanlulumo ako.

I know, this is not right forgiving him after what happened. Alam kong mali, alam kong kasalanan iyon pero bakit gano'n, kahit sabihin kong mali, kahit sabihin kong masama ang ginawa niya sa akin. Bakit hindi ko siya magawang iwan?

Naisip ko ng lumayo noong una, na kapag nakatakas ako ay lalayo na lang ako pero naisip ko rin na hindi ko iyon kayang gawin sa kanya.

Gano'n nga siguro kapag nagmamahal ka. Mali na pero ginagawa mo pa rin para sa kanya. Love is the most scary thing in this world.

Napatigil ako sa paglalakad pababa sa sala nang marinig ko ang boses ni Baron na parang may kausap. Kumunot ang aking noo dahil maaga pa, karaniwan ay mamayang tanghali pa dadating si Charles.

Dahan-dahan akong bumaba hanggang makarating ako sa kusina, bahagya akong sumilip nang makita ko si Baron na nakaharap sa oven.

"Hmm, I think I need more minutes," salita niya.

Mas lalong kumunot ang noo ko dahil wala naman ibang tao at mas lalong wala naman siyang kausap sa phone.

Sino kausap niya?

Tahimik ko siyang pinanuod na parang may bine-bake sa oven. Nang kuhanin niya iyon ay parang batang tinikman niya ang parang cupcake. Hindi ko sigurado dahil para naman kutsinta. Hindi siya naka-alsa kaya hindi ko sigurado kung ano.

Napangiwi si Baron ng malasahan iyon.

"Ugh! Why it tastes so fucking bad? My Lauren can't eat this monster cupcake!" napakamot siya sa batok bago napatitig sa ginawa niya.

Para sa akin iyon? Kinakausap ba niya sarili niya?

"What should I do? What should I do?" paulit-ulit na bulong niya.

Hindi ko napigilan pumasok na ako sa kusina. "What are you doing?"

Nagulat pa siya nang marinig ang boses ko, bahagya siyang napanguso bago tinuro ang cupcake sa tray.

"Ahm... I made you a—ahm... cupcake... I think," pahina nang pahina ang kanyang boses.

Napangiti ako bago tumusok ng isa. Kaagad bumagsa ang pag-aalala sa mukha niya ng kumagat ako doon.

"Holy shit! Love, spit it out!"

"Aray! Teka!" angal ko nang ipasok pa niya ang daliri sa bibig ko para kunin ang sinubo ko.

Natatarantang inabutan niya ako ng tubig. "Are you okay? Why did you eat that? Paano kung malason ka?! Nakakainis ka naman!" sigaw niya.

"Sabi mo gawa mo para sa akin malamang kakainin ko 'yon!"

"O-Oo nga gawa ko pero hindi naman masarap baka malason ka pa." Kunot-noong usal niya.

Gamit ang dulo ng damit niya ay parang batang pinunasan niya ang bibig ko.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon