Chapter 27

69.9K 3K 427
                                    


C H A P T E R 2 7
━━━━༺❀༻━━━━

I'm officially engaged.

Sinong mag-aakalang mapapapayag din ako? Na kusa pa akong pupunta para samahan siya. Nakakatawa mang isipin pero hindi ako nagsisisi sa naging desisyon ko.

I know Charles will understand. Hindi ko siya kayang harapin ngayon dahil alam kong nasaktan ko siya, pero naisip kong mas masasaktan ko siya kung ipinilit namin ang isa't-isa. Kasalanan ko, nasa akin ang problema at alam ko naman iyon.

Naisip kong may mga bagay tayong hindi inaasahan na wala sa plano.

Ilang araw na simula ng gabi na iyon, hindi ko na mabilang kung ilang beses kong nakitang umiyak si Zayn sa harapan ko.

At katulad ng mga nauna ay sumisikip pa rin ang dibdib ko sa tuwing makikita ko 'yon. Nakakainis din dahil mababaw rin ang luha ko na kapag nakakakita ako ng umiiyak ay nakikisali ako. Tsk.

Malinaw na sa akin ang lahat.

Nagkita na kami ni Zayn noong bata kami, I helped him. I can't remember it clearly though. After years, naging lihim niya ang sakit niya, pilit niyang itinago sa ibang tao dahil takot siyang husgahan ng mga ito kahit na biktima lamang din siya.

Biktima ng mapaglarong mundo.

Gusto niyang mahanap ang kapatid niyang babae na hanggang ngayon ay wala siyang ideya kung nasaan dahil tanging ang Ina at Ama lang niya ang nakakaalam at dahil wala na ang ina ay tanging ang demonyo niyang ama na lang ang nakakaalam.

Napag-alaman ko rin na furniture business ang hawak niya, nag-e-export at import sa bansa.

Iyon na nga ang problema, gustong kuhanin iyon ng ama niya. Kaya kailangan niyang mag-ingat dahil sa oras na makakita ng butas ang ama niya at tiyahin tungkol sa kalusugan niya ay siguradong gagamitin ng mga ito iyon upang makuha raw ang business na iniwan ng ina niya na pinalago niya.

Kaya kailangan niya ako, kailangan niya ng tutulong sa kaniya. Dahil sa oras na makita ng ibang tao na ikakasal na siya, iisipin ng mga ito na wala naman problema sa kaniya.

At kung meron man mahanap na butas lalo na ang sakit niya, may tutulong naman sa kanya, at ako iyon ang mapapangasawa niya. Iyon ang papel ko rito.

Masakit sa akin isipin 'yon, pero sa tuwing naiisip kong sinasabi niyang mahal niya ako at gusto niya ako bukod pa roon sa plano na 'yon pumapatag ako.

Kung gugustuhin niyang may magpanggap na kasintahan niya ay madali siyang makakuha pero ako pa rin ang hinanap niya. That's the reason why I'm trusting him more than I should.

"Babyyyyyyyy!!"

Halos mapaigtad ako nang marinig ang malakas na sigaw na 'yon. Nakangiwing bumaling ako sa lalaking kakapasok lang sa pintuan. Halos lahat ay napatingin sa kanya dahil sa lakas ng boses niya.

Ngiting-ngiti siyang lumapit sa akin.

Pinanood ko kung paano gumalaw-galaw ang ilang takas ng buhok niya habang naglalakad. Mabuti naman at mukhang ayos lang siya.

"Hi, beautiful."

"Hey. Hush, huwag ka masyadong maingay." Sinenyasan ko siya na huwag maingay.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon