Chapter 1

147K 4.8K 898
                                    


C H A P T E R 1
━━━━༺❀༻━━━━

Inisang lagok ko ang kulay pulang inumin sa aking harapan na para bang kapag naubos ko iyon ay mauubos na rin ang aking problema. Bumaling ako sa kaibigan kong si Lily na nasa aking na nakaupo sa harap ng bar counter.

"So what's your plan now?" tanong niya sa 'kin habang iniikot ang alak sa kaniyang baso.

We are at the bar with some friends but they are nowhere to be found. Madami kasi ang tao at halos hindi ko na sila makita dahil sa patay sinding ilaw sabayan pa ng malalakas na sigawan at tawanan sa paligid. Hindi naman dapat ako sasama rito dahil maaga pa ang aking alis bukas pero dahil kaarawan ng isa sa mga kaibigan ko ay napasama na rin ako bago pa ako makarinig ng sumbat.

"I don't know yet, Ly." I confessed to her. I raised my voice so she could hear.

"Baka nakakalimutan mong tatlong araw na lang," aniya sa nananakot na tono tapos ay ngumisi sa 'kin kaya naman mapasimangot ako.

She's pissing me off, she doesn't need to remind me that over and over again. I know, three days from now I'm going to be the fiancé of . . . I really don't know. Oh, fuck life.

Mag-iisang buwan na simula nang sabihin sa akin ni Daddy ang isang balita na parang bomba sa akin. He wants me to marry his friend's son.

Ni hindi ko nga alam kung sino iyon o kung ano ang itsura dahil hindi naman sinabi sa 'kin nila. Kahit na magtanong ako ay sasabihin na malalaman ko rin kaya huwag na akong magtanong pa. Nice right? I don't have a right to know my future husband's name. Fuck, husband? Parang hindi ko ata kaya. Hindi ko talaga kaya, patalunin na lang ako sa building huwag lang 'to.

Yes. Kahit papaano ay tinatanggap ko na sa sarili na kailangan ko talagang ipakasal sa kung sino man iyon pero kahit anong pilit kong tanggapin ay hindi ko kayang ikasal sa lalaking hindi ko mahal.

Sumisikip ang dibdib ko kapag naiisip ko iyon, kapag naiisip kong wala akong takas sa bagay na ito.

"I can't believe, hindi naman kayo Chinese para sa mga kasunduan na ganyan at saka anong taon na ba? Uso pa ba iyang ganyan arrange marriage? Para kasing hindi na appropriate 'yan ngayon," mahabang komento ni Lily at tinungga ang kaniyang alak.

Hindi naman kami pala inunom ng alak kapag may okasyon lang at saka kailangan ko iyon ngayon sa sobrang dami ng iniisip ko ay baka sa mental na ako iuwi nito.

"Alam mo naman hindi ko matatangihan si Daddy, I don't want him to be disappointed," mariin akong pumikit tapos ay nagpakawala ng buntong-hininga. "Ano na lang ang sasabihin niya kung tumanggi ako? That I'm a bad and disrespectful daugther, na wala akong utang na loob, gano'n ba? Siksik na nga ako sa pamilya na iyon kaya ayaw ko ng mas lalong ipamuka sa akin na wala akong silbi. I want to help them," mahabang paliwanag ko kahit na sa bawat salitang aking binibitawan ay mas sumisikip ang dibdib ko.

Narinig kong nagpakawala ng lalim na hininga si Lily kaya napatingin ako sa kaniya. "Hindi mo kasalanan na maging anak ka sa labas, Lauren. Sila ang nagpakasarap no'n, nag-eutan tapos sa'yo ibubunton ang pagkairita sa mundo ngayon? Nako! Mga matatanda nga naman," aniya tapos ay tumirik pa ang mata kaya hindi ko maiwasan mapangisi sa itsura niyang mukhang tarsier.

"Tapos ano? Pumayag ka na lang na ipakasal ka kung kanino? That's a mess Lauren," duktong niya habang umiiling-iling pa.

Tumango ako, hindi ito ang unang pagkakataon na pinag-usapan namin ito pero sa tuwing ito ang topic namin sa lumipas na linggo ay wala akong ibang natatanggap mula sa kaniya kung hindi mga sermon at payo.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon