Chapter 40

71.5K 2.7K 527
                                    

Warning: This chapter contain voilence.

C H A P T E R 40

━━━༺❀༻━━━━

Nanginig ang tuhod ko lalo ng tumayo siya at dahan-dahan lumapit sa akin. Itinaas ko ang aking kamay upang patigilin siya dahil hindi ako makapagsalita.

Dahan-dahan kong inabot ang doorknob sa likod ko pero bigo ako namg hindi iyon bumukas. Nahihirapan na akong huminga sa sobrang kaba, k ung panaginip lang 'to please gisingin na ako.

"B-Baron, what d-did you do to your f-friends?!" nanginig ang boses na tanong ko.

Napasandal ako sa likod ng pinto ng mas lumapit siya sa akin. Pinunas niya ng gilid ng kutsilyo sa kaniyang palad animong sinisipat pa ang talim no'n.

"Hmm, friends?" pagak siyang natawa. Kinagat niya ang ibabang labi na parang naiinis siya sa sinabi ko. "This bastard is not my bestfriend," duro niya kay Uno sa paanan ko. Natatawang tinuro niya si Mat sa hagdanan na lupaypay na, kitang-kita ko pang umaagos ang dugo niya pababa sa hagdanan dahil nasa medyp gitna siya. "That asshole is Zayn's butler, not mine and that bastard---" turo niya kay Charles. "He's not my brother."

Tumabingi ang kaniyang ulo nang makitang tumulo ang luha ko.

"Oh why are you crying? Are you scared huh love?" nanunuyang usal niya.

Napalunok ako ng hawakan niya ang baba ko, "Lauren, my beautiful Lauren. Mahal kita e pero trinaydor mo rin ako. Pare-pareho lang kayo! Palaging Zayn! Puro kapakanan ni Zayn! Putang inang Zayn! Kung hindi ka mapapasa akin mas mabuting wala na rin makinabang sa'yo!" sigaw niya sa mismong mukha ko.

Nilagay ko ang kamay ko sa dibdib niya upang hindi siya mas makalapit sa akin.

"Y-You are not like this B-Baron..."

Ngumisi siya, "You changed me."

Napaigik ako nang hawakan niya ang buhok ko at hilain ako palayo sa pintuan. Wala siyang pag-iingat na hinagis ako sa mahabang sofa.

Hinawakan ko ang ulo ko dahil sa pagkakasabunot niya. Napahikbi ako nang lumuhod siya sa sofa at itinutok ang dulo ng patalim sa aking lalamunan.

Gusto ko siyang itulak pero natatakot akong isang maling galaw ko lang ay maibabaon niya iyon sa leeg ko.

Napapikit ako habang tumutulo ang aking luha. Ito na ba ang katapusan namin? Sa kamay talaga ng lalaking mahal ko?

We underestimate Baron.

"Open your eyes, love. I wanna see your beautiful eyes before I'll end your life," utos niya at mas binaon ng kusilyo.

Namalabis ang aking luha, naramdaman kong nahihiwa na ang leeg ko dahil nararamdaman ko na ang kirot at pagtulo ng dugo.

"B-Baron don't do this! Please! Huwag mong gawin ganito si Zayn. Please!" pagmamakaawa ko.

Naiisip ko si Zayn, paano kung magising na lang siya at wala na kami. Na patay na kaming lahat, baka lalo niyang sisihin ang sarili niya, baka kung anong gawin niya. Masiyado na siyang maraming pinagdaanan.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon