Chapter 6

103K 3.8K 985
                                    


C H A P T E R 6
━━━━༺❀༻━━━━

         "Ang weird," bulong ko bago isara ang pinto ng aking condo. Dumeretsyo ako sa kwarto at nagpalit ng damit bago pabagsak na nahiga ulit sa aking kama.

Paano kaya nalaman ni Quvenzhane ang bahay ko? Well, I don't mind for sure he can hire an investigator for that. I wonder what he'll get if he will marry me, Daddy will surely save his company pero paano siya? Ano 'yon? Tapon pera, tapon pagiging single para sa kawang-gawa?

Mariin akong napapikit nang maalala ang kaniyang mukha, kung paano siya tumitig, kung paano gumalaw ang kaniyang adams apple tuwing nagsasalita siya, kung paano humangin ang kaniyang buhok, kung paano gumalaw ang mga labi niya kapag nagsasalita, kung paano lumitaw ang mga ugat niya sa kamay at lalong kung paano pumungay ang mata niya tuwing nakatingin sa akin.

Nakakabaliw.

Dahil alam kong hindi ako dapat makaramdam ng atraksyon sa kaniya. He is the antagonist to my lovely life. He is the villain to my love life. Siya ang panira sa pagmamahalan namin ni Charles. Dapat ay galit ako sa kaniya.

"Ah! Stop thinking about him Lauren! Stop it!" inis na singhal ko sa sarili bago magtalukbong ng unan.

   

                KINABUKASAN. Nagising naman ako dahil sa tawag ni Lily kinaka-musta niya ako kung anong balita sa pakikipagkita ko sa aking 'fiancé'.

Hindi ko masabing ayos lang, hindi ko rin masabing maganda ang kinalabasan dahil oo nga't na-turn off siguro siya sa pa-walk out effect ko pero nagalit naman sa akin si Daddy.

Ngayon ay papunta ako sa isang pribadong resort dahil sa isang importanteng kliyente pagpapa-design ng bahay. Yes, I'm an architect, I trained in the planning, design and supervision of the construction of buildings.

Mahigit isang oras ang naging biyahe ko bago makarating sa pribadong resort. Nakasuot lang ako ng jeans at gray tee shirt tapos naka-tsinelas lang, ang pangit naman kasi kung mag sandals pa akong high heels tapos sa beach naman ang place.

Hindi naman na ito ang unang pagkikita namin ng aking kliyente, nakapagkita na kami noong nakaraan linggo ngayon ay ipapakita nila sa akin ang bahay na irerenovate ko.

Napangiti ako nang makita ang isang Ginang na nasa teresa ng isang puting bahay na may lumang design, kumaway ako sa kaniya nang makitang kumaway rin siya sa akin.

"Magandang umaga po Mrs. Falcon," bati ko sa Ginang na nasa mid 40's na.

Hindi mo aakalain gano'n na ang edad niya dahil kung itatabi siya sa akin ay parang nakaka-tandang kapatid ko lang siya.

"I'm glad that you're now here Miss Trios," nakangiting usal niya tapos ay hinalikan ako sa pisngi.

Napaigtad ako kaunti roon pero hindi ko ipinahalata sa kaniya.

"Sorry po medyo na-late ako ng ilang minuto," paghingi ko ng paumanhin habang iginagaya niya ako papasok sa bahay.

"It's okay, wala pa naman si Vius e. I want to talk about this house kapag nandito na siya." Titig na titig siya sa akin.

Just looking at Mrs. Falcon, I can say that she loves her husband so much. I saw him the last time, binatang-binata pa rin ang itsura nito kung hindi ko nga sila kilala ay iisipin kong matanda lang sila ng limang taon sa 'kin.

Sandali kong inilibot ang paningin sa kabuuan ng bahay. Hindi gano'n kaluma ang desenyo nito pero gustong ipaayos ng mag-asawang Falcon lalo't mag-aasawa na raw ang isa sa mga anak nila kaya nais nilang ipaayos ito bago raw sila magka-apo.

"Do you want some drinks? Water? Juice? Coke?" tanong niya sa akin.

"Tubig na lang po siguro," magalang na sagot ko.

Bigla naman siyang pumalatak. "Great! Wala naman talaga kaming juice at coke ngayon, hindi pa kasi namamalengke si Vius e." Humalakhak siya, hindi ko mapigilan hindi mapangisi sa kaniya. Sana kapag tumanda ako ay katulad niya ako na parang walang problema.

Tumayo na siya at nagpaalam na kukuha ng tubig.

I saw Charles's text.

Good morning Sweety, how's your day? What happened last night? Call me later. Take car, I love you!

Hindi ko ni-reply-an si Charles, mamaya ko na lang siguro siya tatawagan pagkatapos ko rito.

Napaayos ako ng upo nang makita si Mrs. Falcon na pabalik na sa pwesto ko habang may dalang tray na may dalawang baso ng tubig.

"Here," aniya at inabot na mabilis ko namang kinuha.

Napatigil ako sa pag-inom ko ng tubig nang may maramdaman akong nakatingin sa akin. Hindi naman ako nagkamali, nakatingin ang Ginang at nakatitig sa akin habang nakangiti kaya naiilang na ibinaba ko ang baso.

"B-Bakit po? May dumi po ba sa mukha ko?" takang tanong ko.

"I saw myself to you," pag-aamin niya tapos ay dumekwatro ng upo.

"Po?"

"Ganyan din ako noong kabataan ko. Ang pinagkaiba natin maaga akong nag-asawa, at hindi lang iyon may tama sa utak ang asawa ko," sabi niya dahilan para magsalubong ang aking kilay.

"A-Ano po?"

"Nevermind," wika niya tapos ay ngumiti saka ay napatitig sa kawalan animong may inaalala, "Naranasan mo na bang magmahal?" biglang baling niya sa akin.

Wala sa sariling napatango ako. I have a four years boyfriend. I love him at saka parang cool off lang kami ngayon o kaya patagong may relasyon. It's complicated.

Tumango-tango si Mrs. Falcon.

"Paano mo nasabing pagmamahal iyan? Nagawa mo na bang magtago ng isang matinding sikreto para lang hindi siya mapahamak? Nagawa mo na bang mag sinungaling sa lahat para lang magmukha siyang tama? Umiyak ka na ba dahil nasasaktan siya? Kaya mo bang pumatay para sa kaniya? Nauna mo na ang kaligayahan niya bago sa'yo?" sunod-sunod na tanong niya dahilan para mapatulala ako.

Hindi ko pa nagagawa ang mga iyon. Hindi ako nakapagsalita, unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Mrs. Falcon.

"Someday, you will find a man that will shield his body just to protect you. Makakatagpo ka ng lalaking kahit anong pilit mong hindi magustuhan ay matatagpuan mo na lang ang sarili mong baliw na baliw sa kaniya," sabi niya habang may ngiti sa labi animong kinukwento lahat ng pinagdaanan niya.

"Love is not about sweet words and how long your relationship is, oras na nalito at nasaktan ka na at the same time masaya ka, sorry to say but cupid hit you hard. Wala kang ibang gagawin kung hindi tanggapin iyon. It's worth to love someone. Mag mahal ka ng lalaking alam mong mas mahal ka. Dapat doon ka sa alam mong hindi ka lugi," sabi niya tapos uminom ng tubig.

Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto.

Sabay kaming mapatingin kay Mr. Falcon na nakasuot ng formal attire habang sa likod nito ay isang kamukha niyang lalake na nakasuot ng pang-doctor.

"Hey baby I'm home," agad usal ni Mr. Falcon at walang sabing hinalikan ang Ginang sa harapan ko.

Napanganga ako sa sa kanila lalo nang maglabas ng cellphone 'yong isang kasing edad nilang lalake na naka-white coat.

"Yes!Yes! Porn!" aniya habang zinuzoom pa ang camera habang ako ay nakatulala sa kanila.

Sabay na nagbitaw ang mag-asawa at sumigaw.

"Rev!"

________
SaviorKitty

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon