Chapter 20

76.6K 3.5K 1.2K
                                    

I dedicated this chapter to my readers. Hi Silent readers! Sorry kung mabagal ang flow, hindi talaga puwedeng madaliin ang story ni Zayn. Wala pa ako sa kalagitnaan. Enjoy Reading!

C H A P T E R 2 0
━━━━༺❀༻━━━━

             Nakapalumbaba ako sa lamesa habang hinihintay si Lily na galing sa restroom. Nakita ko siyang lumabas, nakasimangot siyang dumiretsyo kung nasaan ako saka siya naupo sa aking harapan.

"May alcohol ka?" tanong niya tapos ay tinititigan ang kamay niyang parang may sinisipat siya doon.

Takang napataas ang kilay ko sa ginagawa niya. "Bakit?" tamad kong kinuha ang maliit na bag ko at inabot sa kaniya. "Tingnan mo dyan kung dala ko."

"May lalaki kasi ro'n e nakipagkilala sa akin, duh? Kakalabas niya lang ng restroom. Malay ko ba kung saan niya 'yon hinawak?" maarteng niya kaya natawa ako.

"Hahaha, saan ba hahawak 'yon?"

Napasimangot siya, "Oh goodness, Lauren stop it! Napilitan lang akong abutin ang kamay niya dahil maayos naman ang pakikipagkilala niya."

Pinanuod ko siyang halungkatin ang aking bag bago kunot-noong tumingin sa akin. "Bag ba 'to ng babae? Parang basurahan ata 'to bakit ang daming kalat," puna niya tapos isa-isang nilabas ang mga balat ng candy sa bag ko.

Nakalimutan ko lang naman iyon linisin, wala rin akong oras para halungkatin pa ang gamit ko kaya alam kong madumi ang loob ng bag ko.

"Ano 'to?" Natatawang usal niya bago nandidiring itaas ang tissue.

Bahagyang nanlaki ang mata ko bago inagaw sa kaniya ang pabilog na tissue na ginawa ni Zayn. Oh I mean, Baron.

"Tss. Kuhanin mo na ang kukunin mo huwag mong pakielaman ang iba," inis na usal ko bago ilagay sa loob ng wallet ko iyon.

Itinirik niya mata bago maglagay ng alcohol sa kamay. "Ewan ko sa'yo."

Napabuntonghininga ako bago humigop ng aking kape. Ahh, heaven. Kapag talaga may kape ay kumakalma ako.

Speaking of Baron, I was shocked when he told me his name. Baron. Hindi ko inaasahan na magtitiwala siya sa akin para sabihin kung sino talaga siya kaya hindi kaagad ako nakapag-react.

Pagkatapos niya akong halikan sa noo ay bigla siyang tumalikod at mabilis na nagbihis ng damit niya bago lumabas sa condo ko. I tried to follow him, but he was too fast.

Dalawang araw na simula nang mangyari iyon hanggang ngayon ay hindi ko na ulit nakita si Zayn o Baron.

Gulong-gulo na ako, balak ko na nga magpasama kay Lily para maipasok ko sa mental kung sakaling mapatulala na lang ako bigla at bumulong-bulong or worst baka bigla na lang ako manaksak ng tinidor sa sobrang frustation na pinagdadaan ko ngayon.

I already talked to Charles yesterday. He was calmed, as always. Nag-usap lang kami sandali dahil kailangan niyang asikasuhin ang trabaho niya. I want to tell him everything pero pakiramdam ko kasi wala akong karapatan na sabihin ang tungkol kah Zayn sa ibang tao. Pakiramdam ko masasaktan ko si Zayn kapag ginawa ko 'yon.

'But what about Charles? Masasaktan din siya.' bulong ng isang parte sa isip ko.

Siguro sasabihin ko sa kanya lahat kapag nakausap ko na talaga si Zayn, 'yong totoong siya.

Nagising ako sa malalim na pag-iisip ko nang pumitik sa mismong harapan ko si Lily.

"Tulala ka dyan? Ano lang lutang? Nakipagkita ka sa akin para tumunganga?" wika niya.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon