Chapter 7

94.7K 3.7K 200
                                    


C H A P T E R 7
━━━━༺❀༻━━━━

Tipid na ngumiti ako sa mag-asawang Falcon bago sumakay sa aking kotse, halos tatlong oras din akong nakipag-usap sa kanila tungkol sa ipapa-renovate nilang bahay.

I left the area and quickly come to my favorite coffee shop. Speaking of coffee shop, I still can remember the weird guy that I saw months ago.

Kagaya nang nakagawian ay um-order ako at umupo sa pinaka sulok ng shop. I can't stop myself to think about my messy life.

We are not formally engaged. Hindi ko rin alam kung kailan iyon gaganapin dahil si Daddy talaga ang may hawak ng lahat. Para lang naman akong isang paper doll na hindi gagalaw kung hindi niya gagalawin.

Kung nandito lang sana si Mama, kung nandito lang 'yong isang tao alam kong higit makaka-intindi sa akin ay sana kahit papaano ay hindi mahirap ang lahat, sana kahit papaano ay may napaglalabasan ako ng sama ng loob, sana ay hindi ko sinasarili ang lahat ng sakit.

Miss na miss ko na ang Mama ko.

"Coffee while crying, nice trip."

Kaagad akong napabalikwas ng upo at nag-angat ng tingin nang biglang may umupo sa upuan sa aking harapan.

Napakurap-kurap ako nang makita si si Quvenzhane na naka-long sleeves na kulay black at nakatupi hanggang siko.

"Z-Zayn . . ."

Hindi katulad ng huli namin pagkikita na mukha siyang koreano ay ngayon ay balik na naman siya sa dati. Hindi siya nagsalita pero nakita kong pinasadahan niya ng tingin ang buo kong mukha.

Wala sa sariling napahawak ako sa aking pisngi at hindi na ako nagulat nang may makapa akong luha roon.

"Why are you crying?" Nakakrus na ang kaniyang braso habang nakasandal sa upuan.

Why he's here? How did he know that I'm here?

Nag-iwas tingin ako sa kaniya. "Mainit 'yong kape," pagdadahilan ko.

"You're not a good liar, hope you know that," sabi niya sa kalmadong boses kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Feeling close 'to? Pasalamat nga siya sinasagot ko pa mga tanong niya e. Hindi na ako nagsalita sumagot at sinimulan ko ng kainin ang yema cake ko kahit medyo naiilang ako dahil alam kong nakamasid siya sa'kin.

"I know my presence don't mean shit to you, but aside from that, all I can do is promise to try to be better in the future, if there is a future."

I looked at him intently because of what he said. Kinunutan ko siya ng nuo dahil doon. "Ano bang pinagsasabi mo?" tanong ko.

Napa-irap naman siya. "English kaya hindi mo ma-gets baby," aniya dahilan para mapanganga ako.

Shit, si Zayn ba talaga 'to?

"Anong sabi mo?!" halos bugahan ko siya ng apoy, pinagkrus ko rin ang aking braso bago sumandal sa upuan.

Pinantayan niya ang aking tingin.

Para kaming nagkaruon ng eye-to-eye contest, ang unang pumikit talo. Doon ko napansin ang kaniyang mata, ang matangos na ilong, ang mahabang pilik mata, ang manipis na labi, ang maayos na buhok na naka-clean cut, at ang adam's apple niya.

"Damn baby, you making my heart beat crazy." Napakurap-kurap ako dahil sa sinabi ni Zayn at sa malutong na mura niya bago napa-iwas ng tingin animong hindi na niya kayang salubungin ang tingin ko.

Ano raw?

"A-Ano?"

"Tss. Finish your food then I'll show you my world," aniya tapos ay kinuha niya ang cellphone niya at nagsimula ng magpipindot doon.

I rolled my eyes.

"Ang weird mo," bulong ko.

"I know, baby. I know," usal niya habang nasa cellphone pa rin ang atensyon narinig pala niya 'yong bulong ko.

Hindi na lang ulit ako nagsalita at pinagpatuloy ang aking pagkain. Wala naman akong balak makipag-usap sa kaniya kaya hindi ko na lang din siya pinansin o tinapunan pa ng tingin.

Pagkatapos kong kumain ay agad na akong tumayo at walang lingon-lingon na lumabas sa lugar na iyon. Gusto ko ng magpahinga dahil buong araw akong may ginagawa pero bago pa man ako makapasok sa kotse ko ay may kamay na humawak sa aking braso, kaagad akong napalingon sa pumigil sa akin. Napasimangot pa ako nang makitang si Zayn iyon.

"Bitawan mo nga ako," inis na wika ko at pilit nilaban ang tingin niya.

Hindi siya nakinig bagkus ay hinila niya ako papunta sa isang kotseng kulay itim na katabi ng aking kotse.

"Ano ba?! Saan mo 'ko dadalhin? Sisigaw ako rito!" inis na singhal ko.

Sa wakas ay tumigil siya sa paghatak sa akin pero ang kaniyang kamay ay nasa kanan braso ko pa rin.

"You will come to me," kalmadong aniya saka binuksan ang kotse.

"Bakit naman ako sasama sayo? May sarili akong kotse at saka ayoko nga sumama sayo." Nabu-buwiset na talaga ako sa kaniya.

Hindi niya ako pinakinggan, bahagya niya akong itinulak papasok sa kaniyang kotse at isinara iyon. Napasimangot na lang ako habang pinapanuod siyang kalmadong naglalakad sa harap ng kotse papunta sa driver seat.

Hindi ba niya alam na kidnapping na 'to?

"Saan ba tayo pupunta? Gusto kong magpahinga, uuwi na ako," kalmadong sabi ko.

Hindi siya nagsalita kaya napalingon ako sa kaniyang gawi, isang kamay lang ang gamit niya sa pagda-drive habang ang isang kamay ay nakatukod sa salamin ng kotse habang pinanglalaruan ng ibabang labi.

Kunot-nuong napatitig ako sa kaniya, Kinakabahan ba siya?

Pumikit ako at umayos na lang ng upo dahil alam kong hindi naman ako ibaba ng lalake na ito siguro nga mas mabuting sumama ako sa kaniya.

Para rin magawa ko 'yong plano kong maturn-off-pin siya. Ano kaya ang mga bagay na ayaw niya? Dapat siguro gumawa ako ng background check sa mga ex relationship niya para malaman ko.

"Are you thinking about something evil, aren't you?"

Napadilat ako nang basagin niya ang katahimikan, naabutan ko siyang nakatingin siya sa 'kin bago bumalik ang tingin sa kalsada.

"Why you choose me, Zayn? You can marry a super model, a sexy woman, a rich woman. Why me?" hindi ko na maiwasan magtanong.

Hindi siya nagsalita, naramdaman kong bumagal ang pagpapatakbo niya.

"Is it because of my father's debt to you?" sunod na tanong ko.

He stopped the car before facing me.

"Let just say, you have to pay for something," aniya tapos ay lumabas na kaya naiwan akong nakakunot-nuo habang nakatitig sa kaniya, pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.

Magtatanong pa sana ako nang maagaw ang atensyon ko ng isang puting malaking bahay sa harapan namin. Napakurap-kurap ako dahil hindi ko namalayan nakarating na pala kami, gano'n ba ako katagal nakapikit o sadyang malapit lang 'to sa coffee shop na lagi kong pinupuntahan?

Nauna na naglakad si Zayn kaya sumunod na lang ako.

Pansin kong walang mga body guard sa paligid at parang wala rin mga katulong.

"Nasaan tayo?" tanong ko tapos ay inilibot ang paningin sa buong bahay pagkapasok namin.

I gasped when he put his strong arm around my shoulder.

"Welcome to my favorite place. My home. Our house baby."

____________
SaviorKitty

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon