Chapter 8

92.8K 3.7K 465
                                    

C H A P T E R 8
━━━━༺❀༻━━━━


Marahan kong inalis ang pagkaka-akbay sa akin ni Zayn,  bahagya akong umalis sa kaniyang tabi. Maaliwalas ang buong sala, karaniwan ay kulay itim at puti ang mga gamit.

"Bahay mo lang 'to, dinadamay mo pa ako may ambag ba ako rito sa pagpapagawa? Wala hindi ba?" pilosopong wika ko at bahagya pa siyang tinaasan ng kilay.

Siguro kapag nagpakita ako ng bitch side ko rito ay maturn off ito sa akin.

Akala ko ay magagalit si Zayn sa pagsagot ko ng pabalang pero nakita ko siyang namulsa saka ngumisi sa akin.

"Palaban, I like it," aniya tapos ay pumasok sa isang pinto roon agad naman akong sumunod sa kaniya kahit na salubong ang aking kilay.

"Nagtatagalog ka pala," puna ko sa kaniya.

Tumango lang siya tapos ay dumeretsyo sa refrigerator. Doon ko inilibot ang paningin sa buong kusina niya halos kumpleto na ata ito sa gamit walang sinabi 'yong kusina ko sa condo na kaldero at sandok lang ata ang laman.

Napatingin ako kay Zayn nang isa-isang nilagay niya ang mga ingredients sa lamesa.

"Anong gagawin mo?" tanong ko.

"Sa tingin mo? I will dance?" aniya dahilan para magsalubong ang kilay ko at napa-irap. Wala talagang kwenta kausap 'to e.

"Kinakausap ka nang maayos e," inis na sabi ko tapos ay umupo.

"It's obvious that I will cook something for you," aniya habang tinutupi ang dulo ng longsleeves.

"It's obvious that I will cook you something. Utot mo sino ba kasing nag sabing ipagluto mo ako e inaantok na ako." Ginaya ko pa ang boses niya habang bumubulong-bulong habang nakatalikod siya.

Tsk, kung hindi lang magagalit si Daddy sa 'kin sinipa ko na 'to sa ngala-ngala e.

Noong una kaming magkita sa restaurant, he was serious and sweet at the same time tapos ngayon naman serious pa rin pero lagi naman akong binabara. Tapos no'n pumunta naman siya sa condo at pormahan ni Jungkook—Oh yes! I forgot to ask him.

"Nasaan si Ji-hyeon?" tanong ko.

Nakita kong natigilan siya sa paghihiwa ng carrots saka tumingin sa akin, blanko na ang kaniyang mukha.

"You met him?" he asked me.

Tumango ako. "So, hindi nga ikaw 'yon? Sino 'yon? Kakambal mo?" usisa ko.

Gumagana na naman ang pagka-chismosa ko. Hindi siya nakasagot at nakatingin lang siya sa 'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Why? Do you like him?" tanong niya dahilan para mag salubong ang aking kilay habang siya naman ay bumalik na sa paghihiwa.

"No, I don't," mabilis na sagot ko.

Sandali siyang natahimik parang sinasala pa niya ang kaniyang sasabihin.

"He's my brother," aniya tapos sinindihan na ang kalan.

Hindi na siya nagsalita habang ako naman ay itinuon na lang ang buong atensyon ko sa cellphone. Hindi ko alam kung ilan sandali ako nakatutok sa cellphone ng marinig ko ang isang tunog kaya napa-angat ako ng tingin sa kaniya.

Doon ko nakita nagpatugtog pala siya gamit ang cellphone niya na nasa counter habang naghahalo na ng kung ano habang nakatalikod sa akin.

Everything's been so messed up here lately
Pretty sure he don't wanna be my baby

I know that song, hindi ko alam na ganyang genre pala ang pinapatugtog ng isang malaking lalake katulad ni Zayn.

The song entitled 'I'm a mess' by Bebe Rexha.

The singer is a woman, pagtugtog ng sunod na line ay sinabayan na ni Zayn ito mahina ngunit rinig ko. He changed 'he' into 'she' pertaining to someone.

Oh, she don't love me, she don't love me
She don't love me, she don't love me
But that's okay
'Cause I love me, yeah, I love me
Yeah, I love me
Yeah, I love myself anyway
Hey

Kahit mahina lang ang pagkakanta niya ay rinig na rinig ko pa rin ang baritong boses niya na kumakalat sa buong kusina. Hindi ko maiwasan mamangha at magtaka kung bakit ganitong mga kanta ang gusto niya.

Not that I don't like this song. Hindi ko naiwasan ay sinabayan ko na siya.

Everything's gonna be alright
Everything's gonna be okay

Kaya naman napaharap siya sa akin. Tumigil ako sa pagkanta at itinuloy niya ang sunod na lines.

It's gonna be a good, good, life
That's what my therapist say

Ang sunod na lines ay tumigil siya at ako naman ang kumanta.

Everything's gonna be alright
Everything's gonna be just fine
It's gonna be a good, good life

Napangisi ako dahil para kaming tanga nagvi-videoke. Hindi niya inalis ang tingin sa akin ng sabayan niya ang sunod na lines.

I know, this is making me cringe. Pero hindi ko alam pero magaan sa pakiramdam sa akin.

I'm a mess, I'm a loser
I'm a hater, I'm a user
I'm a mess for your love, it ain't new

I'm obsessed, I'm embarrassed
I don't trust no one around us
I'm a mess for your love, it ain't new.

Hanggang matapos ang kanta ay nakatingin siya sa akin.

"You like that song?" tanong ko sa kaniya.

Ngumisi siya tapos ay nagpatuloy na siya sa pagluluto. In fairness maganda ang boses niya.

"That song is some how related to me. My life is a mess," aniya habang nakatalikod.

Pumalumbaba ako habang nakatingin sa likod niya. Hindi ko madalas naiintindihan ang sinasabi niya. Oo't hindi pa kami gano'n magkakilala tanging pangalan pa lang niya ang alam ko.

Siguro kung nasa ibang panahon kami, sa panahon na wala pa akong ibang mahal baka matutunan kong mahalin si Zayn. Pero hindi, 'yong puso ko kasi may nag mamay-ari na at alam kong papakasalan lang niya ako pambayad utang.

No feeling attach.

Nagising ako sa pagkatulala ko nang ilapag ni Zayn ang isang mangkok na sinigang, naamoy ko kaagad ang mabangong amoy nito kahit hindi ako gutom ay parang ginutom ako.

Napaangat ako ng tingin sa kaniya.

"This is my favorite. How did you know?" tanong ko sa kaniya.

Naglapag siya ng mga pinggan.

"Don't assume too much nagkataon lang 'yan," aniya tapos ay ngumisi. "Eat up." Tapos ay bahagyang itinulak papalapit sa akin ang mangkok.

Excited na kinuha ko ang kutsara bago humigop ng sabaw.

Napatingin ako kay Zayn nang malasahan ko ang niluto niya. Nakadungaw siya sa mukha ko na parang hinihintay ang sasabihin ko.

Binaba ko ang kutsara bumuntonghininga.

"Ang alat," komento ko.

Kitang-kita kong napasimangot si Zayn tapos kunot-nuong kinuha ang kutsarang ginamit ko at siya naman ang humigop.

"Hindi naman a?" naguguluhan tanong niya sa akin.

Doon na ako natawa dahil mukha siyang namumutla kanina.

"Joke lang, penge kanin nagutom ako," aniko at umayos ng upo.

Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pag ngiti ni Zayn bago kumuha ng kanin. Simpleng bagay pero natutuwa na siya? So childish.

____________
SaviorKitty

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon