Chapter 12

77.3K 3.6K 935
                                    


C H A P T E R 12
━━━━༺❀༻━━━━

Nang makapasok kami ni Zayn sa van na itim na nakaparada sa labas ng condominium ko ay kaagad dumapo ang aking mata kay Mat na nasa harap katabi ng driver.

Inabutan ako nito ng maliit na towel dahil umuulan sa labas kanina.

Tipid akong ngumiti sa kanya pero kaagad din nawala ang aking ngiti sa labi ng pabagsak na naupo si Zayn sa tabi ko at nagsalita.

"Butler Mat, find a man that named Charles Hernandez," maawtoridad na utos nito kay Mat.

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. Parang wala ako nang sabihin niya iyon, para bang balewala kung marinig ko man iyon.

Sumandal siya sa upuan at pumikit.

"B-Bakit mo pinapahanap si Charles?" hindi ko maiwasan magtanong.

I could feel sweat beading on my forehead as I looked at Zayn. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o ano, nang dumilat siya ay nilingon niya ako.

"It's none of your business," malamig na sabi niya.

Inis na inirapan ko siya at umusog papunta sa bintana. Ayaw ko siyang kausapin kung ayaw niyang sabihin, edi huwag. Sasabihan ko na lang si Charles na mag-ingat lalo't hindi ko pa alam kung ano bang tumatakbo sa isip nitong lalaki na ito.

Paano kung may gawin siyang masama kay Charles? Gosh, I can't let that happen.

Napukaw ang pag-iisip ko nang may maramdaman akong humilig sa aking balikat.

Napatingin ako kay Zayn na naka-ulo na sa balikat ko habang nakapikit. Gano'n na lang ang kabog ng puso ko dahil doon sa ginawa niya at sa lapit namin.

What's happening to me?

"Anong ginagawa mo?" kinakabahan tanong ko sa kanya.

"You know what baby? You always asking things that really obvious." Kahit hindi ko tingnan ay alam kong nangingiti siya base sa tono ng kanyang boses.

Imbes na alisin ko ang paghilig niya sa balikat ko ay hinayaan ko siya at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa labas ng van hanggang makarating kami sa bahay na pinagdalhan niya sa akin dati.

Sabay kaming bumaba at sabay rin pumasok sa bahay, hindi na kmi nabasa ng ulan dahil pinayungan kami ng mga body guard niya.

Imbes na sa sala ay dumeretsyo kami sa second floor, hindi na ako nagtanong pa basta sumunod lang ako hanggang sa makapasok kami sa isang silid. Tumambad sa akin ang madaming libro at isang lamesang kahoy sa pinaka dulong bahagi ng kwarto.

His library.

"Have a sit." Minuwestra niya ang isang sofa, umupo ako roon mula sa gilid ng aking mata ay ramdam kong pinapanuod niya ako.

Ramdam ko ang pag-vibrate ng phone ko sa aking bulsa. Someone's calling. I ignored that call.


Nakita kong sinenyasan ni Zayn si Mat na lumapit akala ko ay bubulong ito sa butler niya pero parang wala naman itong balak dahil malakas ang boses nito habang nakatitig sa 'kin.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon